Livvy's POV:
Wednesday
"Ano ba? Di mo ba ako nakikita o sadyang tatanga-tanga ka lang?" Masungit na bulyaw ni Miss Azura sa babaeng istudyante na di sinasadyang matabig ang braso nito.
"Sorry po talaga Miss Azura." sagot nito saka umalis.
Nakasalukuyan kasi kaming nasa cafeteria, himala nga dahil niyaya nya kong sumabay sa cafeteria ngayon. Niyaya nya nga ako pero puro pag susungit naman ang inaabot ko dito.
"Miss Azura, pwede ka naman makipag usap sakanya ng maayos--" mahinahon kong sabi ng makalayo na ang babae.
"Shut up! Wala ako sa mood maging mabait ngayon." Galit na sabat nito.
Pansin ko lately ang pagiging iritable nito, simula pa iyon nung sunday. Nang makabalik ito mula sa suspension walang araw na hindi ito nag susungit, at parating mainit ang ulo.
Gusto ko man umiwas dito dahil nga sa takot na baka pag initan ako ay di ko magawa, dahil parati akong pinupuntahan nito or pinapatawag kapag vacant time ko. Kaya wala rin talaga akong lusot, madalas kasing wala si Miss Devyn sa tabi nito kaya siguro wala syang choice kundi ako ang sinasama kung saan man s'ya mag punta.
Alalay ngang talaga.
Bigla itong tumayo ng mahagip nito ang isang lalaking papasok sa cafeteria, at agad nya itong sinalubong.
"Look who's here." sambit pa nito, sa mataray nitong awra ng makaharap na ang lalaki.
"Hi Azura, hindi ko alam na nandito ka rin pala." nakangising sagot ng lalaki.
"Buti nalang dahil nakita kita dito." sabat ni Miss Azura ng nakangisi.
Anong problema ng dalawang to?
"Sino siya Miss Azura?" Bulong ko dito, curious na rin kasi sa kaharap nya.
Sa awra palang kasi ni Miss Azura mukhang hindi nya gusto ang lalaking kaharap nya.
"S'ya lang naman ang lalaking, nag utos kay Andrea na sabunutan ka." Sagot nito ng di man lang ako tinitignan.
Nanlaki ang mata ko dahil sa nalaman.
"Ahh edi dapat pala kasama syang na suspended?" sambit ko.
Mataman akong tinignan ng lalaki saka sumagot.
"Ano bang sinasabi nyo? Meron ba kayong ibedensya? May witness ba kayo na inutusan ko nga si Andrea? At isa pa ikaw naman talaga ang may gustong ipahiya at saktan tong babaeng to diba?!" Sagot ng lalaki at parang nandidiri pa ng tignan ako.
"Tumahimik ka!" Sigaw ni Miss Azura dito sabay hampas ng kanyang purse sa mukha ng lalaki.
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nito. Di kasi ako makapaniwal na kaya ring mamisikal ni Miss Azura.
Delikado! Yan ang tumatak sa utak ko. Pero agad ko ring winaksi iyon dahil kailangan ko muna itong pigilan.
"Oyy Miss Azura, tama na." Awat ko dito.
Tinignan nito ng masama si Miss Azura, at bahagyang hinaplos ang tinamaan nitong ilong. Ng makapa nito ang dugo mula roon ay biglang nandilim ang mukha nito.
"Ayaw sana kitang patulan dahil babae ka!" Galit na saad nito at pinalipad ang isa nitong kamao kay Miss Azura.
Takot man ay agad kong naiharang ang aking katawan, at tumama iyon sa mukha ko. Naramdaman ko ang pamamanhid ng mukha ko at kalaunan ay naramdaman ko na ang sakit ng suntok nito.
"Sira ulo ka! Ba't mo siya sinaktan?!"
Susugurin sana ito ni Miss Azura ng maagap ko itong pinigilan, pero nag pumiglas pa ito kaya niyakap ko nalamang ito mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...