THIRTY FOUR

12K 445 168
                                    

Livvy's POV:

Sobrang saya ko dahil okay na kami ni Miss Azura, unti-unti na ring nawawala ang hiyang nararamdaman ko dahil sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko rin lubos akalain na maapektuhan s'ya dahil sa pag iwas at hindi ko pag papaalam sa kanya. Inaamin ko kinilig ako dahil sa pag punta nya sa bahay namin para lang kausapin ako. At ang totoo nyan gusto ko s'yang patulugin sa bahay kagabi para kahit papano ay mabawasan ang pag kamiss ko sa kanya, pero wala sa plano ko ang matulog na katabi sya.

Ang buong akala ko kasi hawak ko na ang sitwasyon, nakalimutan kong may ugali nga pala s'yang bossy at gusto lagi sya ang masusunod.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa loob ng cr sa kwarto ko, pero agad ko rin iyong iwinaksi sa isipan ko.

Lately andaming nag babago sa katawan ko, pakiramdam ko ay mas lalong naging active si buddy specially when it comes to Miss Azura. At hindi ko 'yon gusto, nag aalangan rin akong sumama bukas dahil sa iisiping marami akong makikitang makaka-distract sakin.

What if? Bigla nanaman syang maging active?! Hindi ko pa naman alam ang totoong dahilan kung bakit bigla bigla nalang akong.... haaaish!

Iniisip ko tuloy kung kay Miss Azura lang ako ganito, kasi laging sa kanya naman nangyayari ang mga bagay na di ko inaasahan gaya nalang nung sa banyo. Hindi ko talaga lubos maisip kung ba't nagising si buddy nung makita ko si Miss Azura sa ganung ayos. Halos makita ko na ang kabuuan ng dibdib nito na natatakpan lang ng towel, maging ang waist at kabuuan ng legs nito ay lantad na rin.

Pakiramdam ko tuloy para akong sinaniban ng isang lalaking manyak. Shit!! Livvy! What is happening to you??!!

"Livvy!" saad ng babaeng nangahas na yakapin ako mula sa likuran.

Kasalukuyan kasi akong nakaupo ngayon sa isang bench di kalayuan sa cafeteria.

Ng lingunin ko ito ay nakita ko ang mukha ni Louise.

"Louise..." sambit ko sa pangalan nya.

"What are you doing here alone?" tanong nito saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi.

Pakiramdam ko ay biglang nag init ang mga kabila kong pisngi dahil sa ginawa nito, nakaagaw tuloy kami ng atensyon ng ibang istudyante.

"Miss Louise, Miss Livvy... pwede ba kaming maki groufie sa inyong dalawa?" saad ng babaeng lumapit samin.

"Sure!" mabilis na sagot ni Louise.

Matapos marinig ang sagot ni Louise ay agad inangat ng babae ang kanyang kamay na may hawak na phone, pansin kong pumisisyon na silang tatlo ako naman ay hinila papalapit ni Louise sa kanya.

"Ngumiti ka lang." nakangiti nitong sambit sakin.

Tumingin ako sa screen ng phone nito, saka ngumiti.

"Isa pa po please..." hirit pa ng isang kasamahan nito.

"Okay last." Sagot naman ni Louise.

Nakita kong bago pa ma capture ang groufie namin ay mabilis na hinalikan uli ni Miss Louise ang pisngi ko.

Tinignan ng dalawang babae ang mga kuha namin, maya maya ay bigla itong tumili ng mahina.

"Oh my gosh! Bagay na bagay po talaga kayo... thank you po!" masayang sabi ng dalawa tsaka nag madaling umalis.

"Nakakatuwa sila no?" baling ni Louise sakin.

"Ang kulit mo rin." saad ko dito.

"Naiinis ka ba dahil sa pag kiss ko sa'yo?" she asked smirking.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon