THIRTY THREE

11.6K 457 87
                                    

Azura's POV:

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng maliit nitong kama, habang pinag mamasdan s'yang abala sa pag hahanap ng damit na ipapahiram sakin.

"Maligo ka nalang muna Missy, may bagong towel naman akong nilagay sa loob ng banyo." saad nito.

"Okay." tipid kong sagot saka pumasok sa banyo.

Maliit lang ang banyo nito sa kwarto at kasyang kasya lang sa isang tao. Hindi na ko nag abala pang i-lock iyon dahil kami lang naman ni Livvy ang naririto sa kwarto nya at wala naman silang kasamang lalaki kaya wala akong dapat ipangamba.

Wala itong shower, tanging pail at water dipper lang ang meron dun. May maliit na patungan ng shampoo, conditioner at sabon. Kahit malayo ito sa itsura ng banyo na meron kami sa bahay masasabi ko namang malinis ito.

Sinimulan ko na ang pagkuha ng tubig mula sa timba at ang pag lilinis ng katawan, maya-maya ay na tigilan ako ng may pumasok na ipis mula sa maliliit na butas na sa tingin ko ay sinadyang ipalagay.

"Eeeeewwww!!! Lumayo ka, Shhhuuuu labas!! labas!" Malakas na tili ko.

Mabilis kong kinuha ang towel na naka hanger, para ibalot sa katawan ko ng biglang mag bukas ang pinto ng banyo.

Di ako mag kandaugaga para itapik ang hawak kong towel sa hubad kong katawan.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong nito sakin.

"May ipis kasi na pumasok sa butas na yun, ba't ba kasi may butas dyan?!" turo ko sa pinanggalingan ng ipis.

Pero wala akong nakuhang sagot mula rito kaya agad ko itong tinignan. Nahuli ko itong nakatitig sakin, particularly sa katawan ko. Di rin nakalampas sakin ang paglunok nito na para bang isa akong masarap na pag kain sa harapan nya.

Nakaramdam ako ng pamumula ng mapag tanto na halos exposed ang parting dibdib at hita ko. Buti nalang dahil natakpan ko pa kahit papano ang pag kababae at ang gitnang bahagi ng dibdib ko.

"Aheem!" pag tikhim ko.

"S-sorry." saad nito at nag iwas ng tingin. "N-nasan yung ipis na sinasabi mo?" Tanong nito na di pa rin makatingin sakin.

"I... I don't know." Sagot ko dahil hindi ko na rin talaga alam kung saan nag suot ang nakakadiring ipis na yun.

"Baka lumabas na, sige isasara ko na." sambit nito saka mabilis na isinara ang pinto pero may nahagip ang mata ko bago ito tuluyang sumara.

I deeply sighed.

Saka muling ibinalik sa hanger ang towel, at nag madali ng naligo.

Paglabas ko sa banyo, di ko naabutan roon si Livvy. Napansin ko rin ang mga inihanda nitong damit na nakapatong sa kama.

Lumapit ako sa kama nito at nag simula ng mag bihis. Napasimangot ako ng makita ang ibinigay nitong pang ibaba.

Seriously?! Pajama pants? I love the color kasi it's blue pero ang init kaya. Di naman sa nag iinarte pero wala kasi silang aircon, electric fan lang tapos mag susuot ako nito?

Inis na sinuot ko iyon, saka nag suklay ng aking buhok.

"Missy, tapos ka na bang mag bihis?" Sigaw nito mula sa labas.

"Done." sagot ko dito.

Pagkapasok nito ay agad ko itong sinimangutan.

"B-bakit?" tanong nito ng makita ang itsura ko.

"Wala ka bang maikling shorts? Ang init kaya..." reklamo ko dito.

"M-meron, pero mas okay tignan sayo yan." sagot nito at di makatingin ng diretsyo sakin.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon