NINE

11K 459 100
                                    

Livvy's POV:

Muli kong narinig ang alarm na nanggagaling sa cellphone ko, na kanina ko pa paulit ulit na sini set sa snooze. Inabot ko ito at tinignan ang oras mula rito. Nanlaki ang mga mata ko sabay balikwas ng bangon ng mapagtanto kong alas nuebe na pala ng umaga. Saktong alas nuebe ang simula ng unang subject ko.

Tumakbo ako patungo sa bathroom, hindi tuloy ako nakaligo ng maayos dahil sa pagmamadali ko.

Grabe! First day of school pa naman pero wala man lang nag magandang loob na gisingin ako.

Parang gusto ko nalang maiyak, ano nalang ang sasabihin ng professor ko unang araw palang ng pasukan ay late na ako.

Wala na kong ibang choice kundi ang mag taxi, mabuti nalang dahil binigyan ako ni Mama ng allowance kahit papano ay may magagamit ako incase of emergency. Mamayang hapon ko nalang aalamin kung paano mag commute, papunta ng school at pauwi sa condo.

Ayoko namang umasa sa dalawa kong boss na puro ata pinaglihi sa sama ng loob, at wala rin akong tiwala. Parang na tu-trauma pa nga ako sa tuwing nakikita sila dahil pakiramdam ko ay may maiisip nanaman silang kalokohan o di kaya ay may ipapagawa nanamang ikakapagod ko ng husto. Kagaya nalang ngayon hinayaan nila akong malate sa unang araw ng pasok.

Oo na, hindi dapat sila sisihin. Hindi nga ba? Parang buong gabi ata akong nag laba ng comforter ni Ma'am Azura na di raw sadyang natapunan ng ketchup. Talaga ba? Grabeng di sadya, halos isang bote ata ng ketchup ang nabuhos dun ee. Grabe talaga ang panggigigil sakin nun para lang mapaalis ako.

Nung sabado ay inutusan ako ng dalawa na mag general cleaning sa buong condo unit. Every Saturday daw kasi dapat ang schedule ng pag linis ng condo, yun ang sabi nila. Yung weekly raw kasi na pupunta para mag linis ay may sakit. May sakit nga ba? Minsan di ko na maiwasang wag manghinala lalo na kapag involve ang dalawang yun. After ko pang mag linis ay muli akong inutusan ng dalawa na mag luto ng limang klase ng putahe, sa kadahilanang bago raw kami rito kaya kailangan naming mamigay sa mga katabi naming unit.

Katabing unit pero ang totoo buong palapag ata ng 5th floor ang pinag bigyan ko ng pagkain. Oo, ako na nag luto, ako na nag linis ng kusina, ako pa namahagi. Hindi ko alam na napaka thoughtful pala ng dalawang amo ko.

Kahapon naman araw ng linggo, maaga akong inutusan ng dalawa na mag grocery dahil paubos na raw ang stocks namin lalo na sa kusina. Dalawa silang may kotse pero wala ni isa sa kanila ang sinamahan akong mag grocery, at ang haba haba ng binigay nilang listahan ng mga dapat bilhin.

Pag balik ko galing sa pag go-grocery, naabutan ko si Ma'am Devyn na nag luluto ng itlog?? Pero seryoso plano nya bang kainin pati ang egg shell? Ang gulo ng buong kusina. Nakakaloka na promise...

Bigla ko tuloy naisip, hindi kaya ginaganito rin si Mama sa mansyon ng mga Alvarez? Pero agad ko iyong winaksi sa isipan ko. Hindi naman siguro dahil may mga kasamahan naman si Mama dun at mabait naman si Ma'am Selena di gaya ng anak nyang hindi ko maintindihan. Minsan mabait pero madalas... haaaaay! Ayoko nalang mag salita.

At di pa natapos sa araw na yun, ayon nga at pinaglaba pa ko ng comforter. Sa kamalas malasan sira yung automatic washing machine, kaya kailangan kong mag handwash. Pagod na pagod ako matapos kong mag laba, sobrang bigat ng comforter nito na parang di ko na nga ata kayang pigain at buhatin.

Saglit akong nawala sa wisyo dahil sa pag iisip sa mga nangyari sakin sa loob ng tatlong araw, kung di ko lang talaga kinakailangan ang pera. Baka unang araw palang sumuko na ko.

"Miss, nandito na tayo." narinig kong sabi ni manong driver.

Iniabot ko dito ang bayad, at nag pasalamat.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon