Azura's POV:
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula nung huli naming pag uusap ni Livvy. Huli na nung araw na hinatid sya ni Devyn, buti nalang dahil sinunod ni Devyn ang sinabi oong umuwi sya. Dahil baka pag nag kataon ay sunduin ko siya dun at kakaladkarin pauwi.
Livvy! Why are you doing this to me? Hindi ako manhid Livvy para di ko isiping iniiwasan mo ko.
Kapag umuuwi ako sa condo, di ko na ito naabutan sa kusina habang nag luluto. Mukhang maaga ata itong umuuwi para lang makapag luto agad. Hindi na rin ito lumalabas ng kwarto nya para manood ng TV kapag bored sya. Sinusubukan ko rin itong katukin pero wala namang lumabas, di ko rin matanong si Devyn dahil baka mag taka ito at biglang mang usisa.
Gusto ko syang makita, gusto ko marinig ulit kung paano nya ko sagot sagutin. Namimiss ko rin yung bigla nyang pag yakap sakin.
Gosh! This is so frustrating!
Habang nag lalakad sa hallway, nahagip ng mata ko si Livvy na papunta sa direksyon ko. Pero ng makita ako ay bigla itong umiwas at nag bago ng direksyon. Hahabulin ko sana s'ya ng biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Azura."
Ng lingunin ko ito nakita ko ang papalapit na si Professor Amari, ang pinaka bata kong Tita.
"Bakit po Professor Amari?"
Yan ang tawag ko sa kanya kapag nasa loob kami ng campus, at kapag may mga nakakasalamuha kaming mga professors at students. Tinatawag ko lang syang Tita kapag nasa opisina kami nito or nasa labas ng campus.
"Cafeteria tayo." sambit nito.
"Okay po, since free time ko naman." sagot ko.
Naglakad kami papunta sa canteen, at di nakaligtas sa mga mata namin at pandinig ang mga sinasabi ng ibang studyante na karamihan ay lalaki.
Boi! Nag sama ang dalawang dyosa.
Oo nga boi, nasa lahi na ata talaga nila ang magaganda.
Ang hot rin talaga ni Miss Amari.
Mas lalo naman si Miss Azura.
Yan ang isa sa mga naririnig kong bulung-bulungan ng ibang kalalakihan.
"May problema ba kayo ni Livvy?" tanong nito habang patuloy sa pag lalakad.
"H-huh? Wala naman. Baka wala lang sa mood para pansinin ako." pag sisinungaling ko.
"You're a good liar, pero kilala kita. Hindi kaya may ginawa ka nanamang kalokohan, kaya todo iwas sya sayo?"
I slightly pout dahil sa sinabi nito.
"Oo na, marami akong nagawang mali sa kanya. Kaya baka nga galit siya sakin." Pag amin ko.
"Hmmm... Nakakapanibago ka." sambit nito.
Agad naman akong napatingin sa kanya.
"And why?" Kunot noong tanong ko dito.
"Kasi affected ka, do you like her?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.
"Tita! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"
"Watch your mouth, nasa school tayo."
"S-sorry. Nakakagulat naman kasi yang sinabi mo."
"Bakit, hindi ba?"
"H-hindi no."
She's special to me but it doesn't mean I like her!
"Okay, sabi mo eh." Parang di kumbinsido nitong sagot.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...