Collab with: Author justxyla
I wanted to thank you for your help...
Livvy's POV:Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench ngayon di kalayuan sa parking lot. Usapan kasi namin ni Louise na hintayin ko s'ya dito after class, nakikipag kita raw kasi sa kanya ang ex-boyfriend nya. Gusto nya kong isama para makipag meet up dun at ipapakilala bilang girlfriend nya. Nang sa ganun ay tigilan na s'ya sa kakapangulit nito.
Habang nag hihintay napatingin ako sa kalangitan, bigla akong napangiti ng may maalalang isang tao na nag papasaya sa puso ko. Paano kasi ang hilig nya sa kulay asul kulang nalang sa lahat ng color blue na nakikita ko s'ya agad ang pumapasok sa isip ko.
Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na lungkot ang bigat rin kasi ng dibdib ko. Ganito siguro talaga kapag namimiss mo na ang taong mahalaga sa'yo, nakakaramdam ka ng kahungkagan.
Mukhang busy ata s'ya ngayon, kaya buong araw ko s'yang hindi nakikita. Maging si Miss Devyn ay di ko rin nakita mag hapon. Ano kayang pinag kakaabalahan ng dalawang yun, hindi kaya konektado iyon sa nangyari kagabi?
Gosh! I miss her so bad... Sana naman ay okay lang silang dalawa ni Miss Dev.
Flashback:
Naalimpungatan ako ng tila may nag lalaro sa tungki ng ilong ko. Agad kong minulat ang mga mata ko only to see Azura's beautiful face na nakangiti sa'kin ngayon.
"Finally gising kana rin." sabi nito.
"Anong oras naba?" tanong ko dito habang pupungas pungas.
"6:36pm..."
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.
"Oh my gosh si Ate..." bulaslas ko saka bumangon.
"Why? Can't you just stay here?" tanong nito na may himig na lungkot sa boses nya.
"Sorry Missy, I can't..." malambing na sagot ko dito at masuyong hinawakan ang mukha nito.
Bigla namang kumunot ang noo nito.
"Missy? After what happened Missy itatawag mo sa'kin?" reklamo nito.
"Ikaw lang naman tinatawag ko nun eh, anong gusto mo baby?" tukso ko dito na naging dahilan ng pag pula ng mukha nito.
"Ewan ko sa'yo. Basta siguraduhin mong ako lang ang tatawagin mo nyan. Kung ayaw mong..."
"Ayan ka nanaman, manakot daw ba. Pwede rin baby pero siguraduhin mong di ka mamumula in public." patuloy kong panunukso dito.
Feeling ko tuloy naaalala nya yung nangyari samin sa tuwing tinatawag ko s'yang baby, bigla kasi s'yang nag ba blush.
"Aba nalaman mo lang na gusto kita, naging mahangin kana ah." sabi nito matapos akong hampasin sa braso.
"Joke lang..." sambit ko saka tumayo.
"Change your clothes first, halata kasing..." di nito tinuloy ang sinasabi at basta nalang tumayo para mag tungo sa closet nito.
At ng buksan nya ito ay muli nanaman akong namangha sa mga damit na nakapaloob doon. Papano ba naman kasi halos blue talaga ang karamihan sa mga damit nya.
"Why do you love blue?" tanong ko dito. Habang patuloy pa rin ito sa pag hahanap ng pwedeng pamalit ko.
Ngayon ko lang rin napansin na iba na ang suot nito, hindi na ganun ka daring gaya ng kanina na akala mo talaga ay sinadya nyang suotin para akitin ako. Or masyado lang akong assumera.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...