Livvy's POV:
"Hayaan na muna natin silang makapag isip, Selen." narinig kong sabi ni Ma'am Aira ng subukang pigilan ni Ma'am Selena ang papalayong anak nito.
Bumalik ito sa pag kakaupo at itinuon ang atensyon sa akin.
"Livvy I know naguguluhan ka sa mga narinig mo ngayon. But we really need your help..." Pag uumpisa ni Ma'am Selena.
"Ano po ba ang gagawin ko?" Tanong ko kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako.
"Devyn and Azura wants to live in their own ng mag kasama. Parehas kasi kaming laging wala rito sa bahay dahil sa mga business trips, kaya madalas na naiiwang mag isa ang mga anak namin. Kaya siguro naisipan ng dalawa na mag sama nalang, at gustong mag pabili ng condo." mahabang paliwanag ni Ma'am Selena.
"Naiintindihan namin sila pero nag aalala pa rin kami dahil baka mas dumoble ang sakit sa ulo namin lalo na pag mag kasama silang dalawa."
I agree with that Ma'am Aira.
"And we need your help, Livvy. Labas dito ang pinag usapan natin about sa pag aaral mo, weekly ang magiging salary mo kapag pumayag ka. Naka depende pa rin sayo kung tatanggapin mo yung ino-offer namin. Pwede ka pa namang mag back out..."
"Ano po ba ang eksaktong gagawin ko? Sorry po hanggang ngayon wala akong ideya kung ano ang gagawin ko maliban sa magiging mata nyo ko para sa mga anak nyo." Pag amin ko sa dalawa.
"Well all you have to do is cook for them at bantayan lang sila about sa mga where abouts nila kasi tatawagan ka namin for updates. Knowing our daughters, mahilig silang mag bar. Wala ka namang po-problemahin sa pag lilinis ng bahay at sa laundries kasi may mga papupuntahin ako dun every now and then." Paliwanag ni Ma'am Aira.
"And if ever pumayag ka sa offer namin sayo, Wag mo hahayaang ma bully ka ng dalawa. Kilalang kilala namin ang mga anak namin, tell us kapag may gagawin silang di maganda sayo... we've got your back." Dagdag pa ni Ma'am Selena.
Wala sa sariling napalunok ako ng marinig ko ang mga sinabi nito, lalo na ng ma mention ang ugali ng dalawa. Napapamura ako sa loob loob ko.
"10,000 pero week..." Sambit ni Ma'am Aira.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.
Gosh! 10,000 per week, anlaking tulong samin nun. Makakabili pa kami ng gamit at gatas ng baby ni Ate pag nag kataon.
"Anlaking halaga naman po nun Ma'am." Bulaslas ko.
"Well medyo mahirap rin kasing pakisamahan ang mga anak namin, masyado kasi ata naming na spoiled. But we hope it's not too late para mag bago sila." Saad ni Ma'am Aira.
"Pag isipan mo munang mabuti hija, just text or call me kapag buo na ang desisyon mo." dugtong ni Ma'am Selena.
Dapat ko pa bang pag isipan to? Ang laking tulong samin kapag tinanggap ko ang offer nila Ma'am. Bahala na... Para sa future baby ni Ate at para kay Ate.
Huminga muna ako ng malalim at mariin na pumikit.
"Tinatanggap ko po ang offer nyo Ma'am." sambit ko.
"Are you sure about this?" Di makapaniwalang tanong ni Ma'am Selena.
"Opo, sigurado na po ako." Sagot ko.
"Oh my that's good to hear hija." Sambit ni Ma'am Aira. Yumakap pa ito sakin dahil sa sobrang saya.
"Masyado ka naman atang masaya dyan Aira... Kilala kita, alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo." Puna dito ni Ma'am Selena.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...