FOURTY FOUR

12.4K 485 161
                                    

Azura's POV:

Muli akong lumabas ng kwarto para manood ng TV, si Livvy naman ay kasalukuyang nasa banyo. Mukhang sinunod ata ang sinabi ko sa kanya.

Masasabi kong masyado akong nagiging marupok pag dating sa kanya. Daanin nya lang ako sa pan lalambing at puppy eyes nya bumibigay na 'ko agad. Samantalang kanina ay parang gustong gusto ko na silang sugurin ni Louise.

Nakita ko naman ang buong nangyari di ko lang maiwasan ang di mainis.

Ba't ba kasi andaming nag kakagusto sa kanya?!

Maya-maya pa ay lumabas na ng kwarto si Livvy, suot nito ang hinanda kong t shirt at pajama pants sa kanya. Sinabi ko rin kasi dito na mag palit sya ng damit dahil na aamoy ko sa kanya si Louise. Maiirita lang ako kapag naalala kong ilang beses s'yang niyakap nito.

Tahimik s'yang umupo sa tabi ko, ako naman ay itinuon ang atensyon ko sa pag hahanap ng maaring panoorin sa netflix. At ng makapili ng papanoorin isinandal ko ang likuran ko sa sofa and crossed my legs.

Pasimple kong tinignan ang gawi ni Livvy, pansin ko ang pag dapo ng tingin nito sa legs ko na agad nya rin namang binawi.

"Hey Liv. I want to ask you something." basag ko sa katahimikan.

"Ano yun?"

"Ilang beses na tayong nag halikan, may nangyari na rin sa'tin kahit na wala namang sexual intercourse. So... anong meron tayo?" curious na tanong ko dito.

Tumikhim ito bago sumagot at mataman akong tinitigan.

"Actually hindi ko rin alam Azura, i-ikaw kasi yung matatawag kong first sa lahat ng bagay."

"Tsss. Hindi ako ang first kiss mo, si Devyn."

"Oo pero ikaw pa rin ang nag turo sakin." ganti nito.

"So no boyfriend or girlfriend ka since birth?" muli ay tanong ko dito.

"Oo." tipid na sagot nito saka yumuko.

"Okay... do you want me to be your...  girlfriend?" tanong ko dito.

"Hindi."

"Wow! Ang kapal mo ha? Sinasabi mo bang di ako pasado sa standards mo?" di makapaniwalang tanong ko dito.

"Highblood ka agad." nakangisi nitong sagot. "Oo naman Azura, sino naman ako para ayawan ang isang kagaya mo. Ang ganda mo kaya, masungit nga lang."

"So itsura ang basehan ng jojowain mo? Ganun ba?"

"Hindi rin, di ko nga po alam kung anong nagustuhan ko sa'yo. Marami naman akong nakasalamuha na masungit, maarte at mataray sa umpisa pero kalaunan ay nagiging mabait. Ikaw lang ang namumukod tangi." nakakalokong sagot nito.

"Namumukod tanging ano?" Taas kilay kong sagot.

"Natural na mataray at masungit." nakangisi nitong sagot.

Kaya na hampas ko s'ya ng wala sa oras.

"I'm asking you kasi wala akong ideya sa ganitong relasyon, kahit pa sabihing parehas mommy ang meron ako wala rin talaga akong alam sa naging relasyon nila noon." kwento ko dito.

"Gusto mo bang malaman? Why don't you ask them?" nakangiting tugon nito. "Sasamahan kita kung gusto mo." dugtong nito.

"Promise?" tanong ko dito.

"Promise..." nakangiti nitong sagot.

"Okay..." sagot ko saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" agad na tanong nito sakin.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon