FIFTY FOUR

12.5K 430 38
                                    

Livvy's POV:

Around 8pm ay nakarating na rin kami sa bahay, sakto namang pag baba namin ng sasakyan ay biglang buhos ng malakas na ulan.

Nag madali kong hinubad ang jacket ko at ipinatong iyon sa kanyang ulo para hindi sya masyadong mabasa ng ulan.

"Oh anong nangyari sa kanya?" nag aalalang tanong ni Ate pag pasok namin sa bahay.

"Nag paka lasing ewan ko kung bakit..." pag sisinungaling ko.

"Kasalanan nya ang lahat Lennie..." sumbong nito sa nakakatanda kong kapatid.

"Naku! Mabuti pa mag bihis muna kayo dun, pag usapan natin mamaya yan. Okay?" sagot ni ate na tila sinakyan pa ang panunumbong nito.

"Okay...." sagot rin nito.

Inalalayan ko na to papasok sa kwarto ko, saka pinaupo muna sa gilid ng kama.

"Wag kang malikot ha? Baka mahulog ka... Kukuha lang ako ng pamalit mo." paalam ko rito.

"Bilisan mo ah..." utos pa nito.

Napaka demanding talaga....

Kumuha ako ng white loose shirt at boxer shorts na sinuot nito nung nakaraan. Agad ko itong nilapitan at iniabot dito ang mga napili kong damit. Ngunit tinignan nya lamang iyon saka ibinalik ang tingin sakin.

"What should I do with that?" tanong pa nito.

"Kailangan mong mag bihis dahil basa na yang damit mo..." tugon ko dito.

"Ayaw...." sagot nito na ikinataas ng kilay ko.

"Ano? Ayaw mong mag bihis? Mag kakasakit ka nyan."

"Undress me..." sambit nito.

What the!!!

"A-ayoko, kaya mo na yan..." sagot ko saka mabilis na nilapag sa gilid nito ang mga damit at lumabas na ng silid.

Naabutan ko si Ate na may dalang isang pitcher ng tubig at dalawang baso na nasa tray.

"Oh buti lumabas ka, ito uminom ka ng tubig para di ka mag kasakit painumin mo rin si Miss Azura." saad nito at ibinigay sakin ang tray na hawak.

"Salamat ate..." sabi ko dito.

"Nag painit nga pala ako ng tubig, painumin mo ng kape para mahimasmasan. Yan ang naalala kong ginawa sa'kin ni Mama noon eh." bilin pa nito.

"Sige ate, salamat ulit."

"Hoy Livvy, may utang ka sa'kin ha?" nakangising sabi nito.

"Marites ka talaga minsan 'te no?" pang aasar ko dito.

"Syempre mahirap ng mahuli sa balita, mamaya magulat nalang ako may nabuntis kana pala..." tudyo nito.

"Ate!!!"

Tatawa tawa itong bumalik sa sala, lakas din mang asar eh.

Wala na kong nagawa kundi ang muling bumalik sa kwarto, kumatok muna ako dahil baka bigla ko itong maabutang nag bibihis pa.

Ilang katok rin ang ginawa ko pero walang sumagot. Nag pasya nalang akong buksan ang pinto, nakahiga na ito sa kama pero yun parin ang suot nyang damit.

Ang tigas ng ulo, sabi kong mag bihis eh.

Lumapit ako dito at saglit na inilapag ang tray sa lamesita na nasa gilid ng kama.

"Azura..." gising ko dito.

Basa pa naman ang parteng balikat ng damit nito.

"Hmmm..." sagot nito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon