THIRTY SEVEN

11.6K 444 59
                                    

Azura's POV:

Kanina pa ko naiirita sa pinsan kong si Louise panay kasi ang dikit kay Livvy akala mo linta kung makadikit.

Bwesit!

Akala mo naman mawawala kapag binitawan nya, isa pa tong si Livvy halatang gustong gusto naman ang ginagawa ng pinsan ko sa kanya.

"Oh what's with the long face?" tanong sakin ni Devyn habang sarap na sarap sa kinakain na ice cream.

"Wala naman, masakit lang ulo ko." sagot ko which is true din naman.

"Uminom ka nalang ng gamot, di ka mag eenjoy nyan kung masakit ang ulo mo." sambit nito.

Actually kanina ko pa di na i-enjoy!

"Bakit? Dahil sa kanila?" sagot nito na agad kong pinag taka.

Makahulugan ko itong tinignan

Did I say that out loud?!

"Huh? Pinag sasabi mo?"

"Wag mo ng i-deny, kakasabi mo lang eh." sagot nito. "Paano nalang kapag kami na ni Livvy? Baka naman awayin mo na ko nyan?" she said smirking.

Mataman ko itong tinignan, hindi ko mabasa kung seryoso ba s'ya sa pinag sasabi nya o hindi.

"Don't tell me may plano kang makipag relasyon sa kanya?" ganti ko dito.

"Why not? Bakit di ko i-pursue kung crush lang naman sya ng bestfriend ko diba? And beside I like her." she said looking through my eyes.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko matapos marinig yun.

"Y-yeah, do what you want." nauutal na sagot ko.

"Of course. I'll do what my heart desires." nakangiti nitong tugon.

Bigla akong nakaramdam ng pag aalala, kaba, at tila di ako mapakali sa loob loob ko.

"Maiwan na muna kita, hindi pwedeng maunahan ako ng iba. And besides I'm her first kiss, kaya sigurado akong mas malakas ang laban ko." nakangisi nitong sabi saka nag lakad papalapit sa kinaroroonan nina Louise at Livvy.

Naiwan naman akong naka tanga at nag pupuyos ang kalooban.

Nakita ko pa kung paano kausapin ni Devyn si Louise, saka tinangay palayo si Livvy. And it seems mas masaya si Livvy ngayon na kausap si Devyn, lately napapansin kong mas nagiging close na silang dalawa. Kahit sa school kasi ay lagi silang mag kasama kapag free time nila, kahit kahapon sabay pa silang umuwi dahil hinatid ni Devyn si Livvy.

Is she really serious makikipag relasyon sya kay Livvy?! Hindi nya ba pinag iisipan ang sasabihin sa kanya ng iba? Well pag dating sa parents nya wala s'yang magiging problema kay Tita Selena, kay Tito Daryl hindi ako sigurado.

Naglakad ako pabalik sa room kung saan kami naka check-in. Pag pasok ko sa loob ng kwarto ay pabagsak kong isinara ang pinto dala na rin ng sobrang inis.

Gosh! Ano ba ba't ba ko naiinis?! Eh ano naman kung maging sila? The hell I care!

Humiga ako sa kama at kumuha ng isang unan para itakip iyon sa mukha ko.

*****

Nagising ako ng makarinig ng lagaslas ng tubig mula sa banyo. Iminulat ko ang aking mata saka dahan dahang umupo, saka ko lang napansin ang kumot na nakapatong sa katawan ko.

Suot ko pa rin kasi ang two piece swimsuit ko at ang cover up na ipinatong ko dito. Marahil ay si Livvy ang nag takip nun sa katawan ko, knowing her ayaw nya ng distraction.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon