Livvy's POV:
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula noong huling pag uusap namin sa kotse ni Miss Azura. Ilang araw na rin akong hindi pinapansin nito at parang hangin lang kung ituring.
Pero sa tingin ko ay mas mainam na rin yun dahil di na ako masyadong pinapahirapan nito.
"Hoy, Javier!"
Napakurap ako dahil sa pag hampas ni Jayne sa balikat ko.
"Ba't ba nanghahampas ka nalang bigla? Mapanakit ka rin eh." Reklamo ko dito.
"Masanay kana dahil lagi kong gagawin sayo yan, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Love life ba yan? Share naman." pangungulit pa nito.
"Anong love life? Pag aaral pinunta ko dito hindi pag lalandi." sagot ko saka sumandal sa upuan.
"S'ya nga pala may chikka ako sayo."
"Ano nanaman yan Jayne? Updated ka talaga sa tsismis ano." Natatawa kong sagot.
"Sira ka! Ganito kasi yun, yung nangyari sa inyong sagutan ni Louise. Nag viral..." Sumbong nito.
"Nag viral?" Kunot noong tanong ko.
"Oo, na kunan pala kayo ng video nun. At ngayon lang nilabas sa page ng school. Biglang sikat ka girl... Ikaw lang daw kasi ang nag lakas loob na kumanti kay Louise." patuloy nito.
"Sus! Sinuwerte lang ako dahil kahit papano ay nahimasmasan yung si Louise kundi baka nag transfer na ko ng school ng wala sa oras."
"Tsaka hindi lang yun, marami ring LGBT students ang nag si ship sa inyong dalawa."
"Ano? Kaming dalawa ni Louise? Parang mga tanga naman. Ang ganda kaya nun."
"Bulag ka ba? Ang ganda mo kaya, andami ngang nag kakagusto sayo dito sa school eh." sabi pa nito na halata namang nambobola lang.
"Nasan yung sinasabi mong marami? Bat wala ni isang nag lalakas loob?" biro ko dito.
"Di ko nga alam ehh, pero aware talaga ako na marami specially sa boys."
Nang banggitin iyon ni Jayne ay bigla nalang akong nanahimik.
Di rin nag tagal ay pumasok na ang professor namin sa major subject,
The most beautiful professor in Malford university.Ma'am Amari Ferolino.
Syempre todo puri ako dito, siya kasi ang favorite professor ko. She's really nice kasi at ang galing n'yang mag turo, kapag di naintindihan ng ibang students ay uulitin nya ulit para lang makuha ng mga istudyanteng nahihirapan mag catch up.
Hindi rin ako nakakaramdam ng antok kapag si Ma'am Amari ang nag tuturo, may sarili kasi itong style sa pag tuturo na talaga namang nagugustuhan naming lahat.
Sa araw na to ay nag discuss lang sya about sa Professional Salesmanship, at nag bilin rin na mag kakaroon kami ng long quiz kinabukasan. Kaya dapat daw na mag review kami, para mataas ang makuha naming score.
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay patapos na ang klase namin kay Ma'am Amari.
"Miss Javier." Tawag nito sakin habang nag liligpit ng kanyang mga gamit.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...