Azura's POV:
After naming mag dinner, napag usapan ng iilan saming mag pipinsan at ang mga close friends ng pamilya na uminom dahil minsan lang daw mag bonding kaming mag pipinsan at mas masaya rin ngayon dahil sa mga close friends na kasama namin.
Ang iba ay masayang nag ku kwentuhan habang yung iba naman ay nag hahanda sa mga gagamitin sa laro mamaya mukhang may mga naisip nanaman silang pakulo, at ang iba naman ay kumuha na rin mga inumin at gagawing pulutan.
Mukhang plano ata talaga nilang mag lasing. Kung sa bagay minsan lang rin naman kasi mangyari na mag kakasama kaming mag pipinsan.
"Azura, where's Livvy?" bigla ay tanong sakin ni Louise.
"Mukha ba kong hanapan ng nawawalang tao?" sagot ko dito.
Inirapan lang ako nito, saka umalis.
Simula bata ay hindi na talaga kami mag kasundo ni Louise, pag nag kasundo man madalang lang talaga. Sanay na rin kami sa isa't isa na matapos mag away ay parang wala lang nangyari at mag papansinan ulit pero mas madalas nga lang ang pag paparinigan naming dalawa kaya maging si Mommy Aira ay sumasakit ang ulo kapag mag kasama kaming dalawa.
"Ohh inaway mo nanaman ba si Louise?" tanong ni Tita Amari at umupo sa tabi ko.
"Hindi no, sinagot ko lang naman sya ng tama. Di naman ako tanungan ng nawawalang tao." Paliwanag ko.
"Mukhang mainitin ang ulo mo ngayon ah, remember birthday ko ngayon pag bigyan mo ko na wag kayong mag away." paalala nito.
"Oo na po Tita, titiisin kong wag syang patulan." sagot ko dito.
Halos sabay-sabay dumating iba pa naming mga pinsan na may dala-dalang beer , iba't ibang klaseng pulutan at mga bagay na gagamitin sa pag inom.
Sumunod naman sina Lucius at Jake na may dalang kung anu-anong props, marahil gagamitin sa mga palarong naisip nila.
Biglang nanamang nag init ang ulo ko ng makita sina Devyn at Livvy na mag kasama. Nag lalakad sila patungo sakin, di nakaligtas sa paningin ko ang pag palit ng damit ng dalawa. Iba kasi ang suot nila ngayon lalo na si Devyn na masyadong revealing ang suot.
Is she trying to seduce Livvy?
Umupo sa kabilang side ko si Devyn, at tumabi rito si Livvy. Nahagip ng mata ko ang pasimpleng pag hawak ni Devyn sa legs ni Livvy.
Napapikit ako ng mariin para pigilan ang inis na nararamdaman. At mas piniling umiwas nalang ng tingin, sakto namang nakita ko ang papalapit sa direksyon namin na si Louise. At ngiting ngiti ng makita si Livvy.
Isa pa to?! Ba't ba baliw na baliw sila sa Livvy na to. How much more kapag nalaman nila ang sekreto nito.
Haaaaish! Ano bang pakialam ko?
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...