FIFTY THREE

12.1K 430 48
                                    

Azura's POV:

Habang nag mamaneho pauwi muli ko nanamang naalala ang insidente kanina bago pa man ako mapaaway sa lintang yun.

Hindi ko napigilan ang galit at pag kainis ko, ng makita sila sa ganong ayos. Gustong gusto ko na maiyak dahil sa sobrang galit kaso ayokong umiyak sa harap ng ibang tao.

At dahil sa Kai na yun, nagalit tuloy si Livvy sakin at nagawa akong sigawan sa harap ng maraming istudyante.

Damn it!

Mas lalo kong hinigpitan ang pag kakahawak sa manibela at iniliko iyon sa ibang direksyon.

Natagpuan ko nalang ang sarili na nasa harap ng Venue 808, kung saan kami laging umiinom nina Devyn. Maliban kasi sa malinis at maayos ang lugar, pinsan ko rin ang may ari ng lugar na to. Kaya kampante akong pumunta dito kahit mag isa.

"Good evening Ma'am Azura, mag isa lang po ba kayo?" tanong ni Jake isa sa matagal ng bartender ng pinsan ko.

"Yeah..." tipid kong sagot.

Naupo ako sa pinaka sulok na table, malapit sa bar counter. Lately gusto ko nalang idaan sa pag inom ang bigat ng nararamdaman.

Hanggang ngayon kasi nalilito pa rin ako, 50% gusto ko maging official na kami ni Livvy pero may 50% rin na hesitant ako, dahil sa takot ko.

Ngayon pa nga lang na hindi pa sila ng Kai na yun, sobrang nasasaktan na ko. Lalo pa nung sinabi ni Livvy na mutual sila ng nararamdaman.

Kakalapag lang ng waitress sa inorder kong inumin ay agad ko iyong kinuha at direktang ininom. Ramdam ko ang pait ng inumin na lumandas sa lalamunan ko, pero mas dama ko ang pait at kirot sa dibdib ko.

***

Livvy's POV:

Pasakay na sana ako sa likuran ng motorsiklo ni Kai ng tawagin ni Miss Dev ang pangalan ko.

Tila hingal na hingal pa ito ng makalapit sa kinaroroonan namin.

"May problema po ba Miss Dev?" tanong ko dito.

"Si... Azura, nasa bar sya ngayon. Gusto ko man s'yang puntahan pero hindi ako pwede ngayon, aalis na kasi sina Mom at Dad. Pwede ka ba Liv?" nag mamadaling paliwanag nito.

Nag aalangan man pero wala na kong magagawa ayoko rin naman na mag isa lang s'ya dun. Isinantabi ko nalang muna ang inis na nararamdaman ko dito, hindi ko rin naman kayang tiisin ang masungit na yun eh.

"Sige, dun pa rin ba sa bar na pinuntahan nyo?" tanong ko.

"Oo, dun parin sa Venue 808." sagot nito.

"I know that place, tara samahan na kita papunta dun." Presinta ni Kai.

"Kai... sorry pero, sa tingin ko mas makakabuti kung hindi ka makita ni Azura baka kasi mas lalo lang syang mag lasing kapag nakita nanaman kayong mag kasama. Malaki ata ang galit sa'yo ni Azura eh." paliwanag ni Miss Dev dito.

"Ohh I see, wag kang mag alala. Ihahatid ko lang si Livvy aalis rin ako agad." paniniguro nito.

"Sige thank you sa inyong dalawa huh? I have to go... Mag iingat kayo. Thank you so much Liv." paalam ni Miss Dev at mabilis na sumakay sa kotse nito.

"Hmmm mukhang nag lalasing ata ang future girlfriend mo Livvy." pang aasar sakin ni Kai.

"Future girlfriend... Tsss yan eh kung may future." mapaklang sagot ko.

"Tara na nga, baka mag drama kana d'yan eh." aya nito agad rin naman akong tumalima.

Ang aga naman nyang mag lasing, di magandang tignan lalo na't babae sya.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon