Azura's POV:
"Ba't di mo puntahan?" narinig kong sabi ni Devyn mula sa likuran.
Nilingon ko ito, nakasandal sya ngayon sa gilid ng pinto habang naka crossed arms.
"Tsss. Kahit di mo sabihin alam ko may nangyari sa inyong dalawa."
"H-huh? Anong pinagsasabi mo?" nauutal kong tanong.
Anong sinasabi nyang may nangyari?! May alam ba s'ya?
"Wag mo ng i-deny halata naman na parang nag iiwasan kayong dalawa. Even though karibal mo ko, I'm still you bestfriend bitch."
"Hey! Did you just call me bitch?"
"Yep. So ano, makikipag talo ka sa'kin or pupuntahan mo na muna siya?" she said smirking.
Minsan talaga ang sarap burahin ng smirk sa mukha ng babaeng to.
"Go na! Or baka gusto mo ako nalang ang pumunta?" pang iinis pa nito.
"Don't you dare!"
"Tsss. Tinatakot mo ba 'ko?" nakangisi nitong sabat.
"Argh! Tabi... Aalis na ko." sagot ko dito saka nauna ng lumabas ng silid.
"Okay, take care. Umuwi ka agad huh?" narinig ko pang sabi nito bago ko tuluyang naisara ang pinto.
Nakaramdam ako ng inis dahil sa traffic, peak hour kasi kaya antagal umusad ng traffic.
I turn on the car stereo para kahit papano ay di madagdagan ang init ng ulo ko. Sakto naman dahil kakaumpisa lang ng isang kanta...
Di na maalala, pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko
T'wing ikaw ay kasamaHindi ko alam kung bakit si Livvy agad ang unang pumasok sa isip ko, matapos kong pakinggan ang lyrics ng kanta.
Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
'Di ko malaman ang sasabihin koPag-ibig nga kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
'Di na mapipigilan
Pag-ibig nga ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito
(Pag-ibig nga kaya ito)
Hooh... 'pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuanPag-ibig?! No! I know I'm attracted to her but... Love? Hindi, hindi pwede yun.
Agad kong pinatay ang stereo at nag hintay na lamang na umusad ang traffic. Habang nasa gitna byahe nakaramdam ako ng gutom, sumagi sa isip ko ang mag drive thru nalang pero naisip ko rin baka pag dating ko sa bahay nina Livvy tulog na sila. Nakakahiya naman kung mang aabala pa ko, kaya binilisan ko na ang pag mamaneho at ininda nalang ang gutom.
Halos 30 minutes rin ang ibinyahe ko bago makarating sa bahay nina Livvy. Nag park ako sa harap ng bahay nito, saka bumaba.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba habang papalapit ako sa bahay nila. Huminga muna ako ng malalim ng makarating ako sa mismong pinto ng bahay nila saka sinimulan ang sunod-sunod na katok.
Di nag tagal ay bumukas ang pinto at ang gulat na mukha ni Livvy ang sumalubong sakin.
"Miss Azura..." halos bulong na sabi nito.
Inipon ko ang lahat ng galit, at inis ko bago nag simulang mag salita.
"Hoy Livvy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Pinayagan ba kitang mag quit sa trabaho?! Iniwasan mo ko ng ilang araw, tapos malalaman ko nalang na umalis ka. At wala man lang pasabi sa'kin?! Wala lang ba talaga ako sayo? Huh Livvy?!" Galit na bulyaw ko dito.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...