Livvy's POV:
Miss Devyn calling...
Mabilis ko iyong sinagot.
"Hello Miss Dev?" sagot ko.
Nandito na ko sa labas ng bahay nyo.
Sinabi ko rito na hindi na ko sasama, pero talagang nag pumilit itong isama ako. Kaya heto ngayon, at talagang sinundo pa ko.
"Pasok ka muna Miss Devyn." sabi ko sa kabilang linya at nag lakad patungo sa pinto para salubungin ang pag pasok nito.
N-naku wag na, hintayin nalang kita dito.
"Sige po, palabas na." sambit ko saka ibinaba ang tawag.
Hindi ko na ito pinilit pa kaya nag madali kong kinuha ang malaking packbag na dadalhin ko. Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni ate, natutulog pa kasi ito. Kung sabagay masyado pang maaga 4am para sa usual na gising nito.
"Ate..." gising ko dito at marahan itong tinapik.
"Aalis na 'ko, bukas pa ng gabi ang balik ko ha? May iniwan akong pera dyan, nag luto na rin ako ng breakfast mo." bilin ko dito.
"Okay, salamat." inaantok na sagot nito. "Mag iingat ka run ha?"
"Opo, ikaw rin. Tawag ka sakin kapag may emergency, okay?"
"Oo na, mag enjoy ka lang dun wag mo kong alalahanin." saad nito.
Hinalikan ko ito sa pisngi, tsaka lumabas na sa silid nito. Siniguro kong ni lock ang pinto, bago tuluyang nag tungo sa naka park na sasakyan ni Miss Devyn.
Inilagay ko sa trunk ng kotse ang bitbit kong bag, saka pumasok na sa loob ng sasakyan nito. Nagulat pa ako ng makita si Azura na mahimbing na natutulog sa backseat.
"Sorry, di ko nasabi ayaw nya kasing mag drive ng ganito kaaga kaya nakisabay na sya sakin." paliwanag ni Miss Devyn na tila nababasa ang nasa isip ko.
"Okay lang Miss Dev." sagot ko.
"Matulog ka nalang muna kung gusto mo, kapag nagising na si Azura mag papalit rin kami ng pwesto mamaya."
Tumango lang ako dito.
Ayoko ng mag salita baka kasi magising ito at mas lalong maging awkward para saming dalawa.
Hindi rin kasi naging maganda ang pag uusap namin kahapon.
Flashback:
"Just answer me please..." mahinang sabi ko. "I... I like you Azura, pero hindi ko alam kung ano ako para sayo. Ano nga ba talaga ako sa'yo? Ano bang meron tayo?"
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin yun, masyado akong kinakain ng selos ko.
Itinigil nito ang sasakyan sa isang malapit ng parking lot, saka ako hinarap.
"Livvy, masyado ka atang nag assume ng mga bagay-bagay. Of course walang kahit anong namamagitan satin, maliban sa mag kaibigan tayo. Nothing else! I may be attracted to you, pero hanggang dun lang yun." pahayag nito.
Saglit akong nanahimik at pilit na pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi nito.
"P-para saan yung mga halik na--"
"It's just an experiment Livvy, w-walang feelings na involved dun. I'm sorry kung nabigyan kita ng mga mixed signal, I'm sorry..."
Ramdam kong may kung anong nakabara sa lalamunan ko at ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko, pero pilit ko itong nilalabanan.
"Okay... atleast klaro na sa'kin ngayon. Thank you for letting me know." sagot ko, at aktong aalis ng pigilan ako nito.
"Teka... di mo pa sinasagot yung tanong ko."
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...