TEN

10.8K 505 212
                                    

Livvy's POV:

After matapos ng klase ko ay nag tungo na ako sa faculty lounge, para puntahan si Ma'am Amari.

Sana lang ay nandun pa sya, di ko kasi nasabi dito na may klase ako ng 11am to 12noon. Katangahan ko rin talaga minsan...

Ng makarating sa tapat ng pinto ng faculty, maingat kong binuksan ang pintuan at dahan-dahan akong sumilip sa loob.

Naabutan ko ang iilan sa mga professors roon na mag sisimula pa lamang kumain.

"Oh? Lunch time na ahh... May kailangan kaba?" Tanong ng isang professor na nasa 30's na ata at mukha rin itong istrikto.

"Ahhmmm sorry po sa abala, nandito po ba si Ma'am Amari?" nahihiyang tanong ko.

"Ahh ikaw ba yung hinihintay nya, sige pasok ka. Nasa loob sila." sambit nito sabay turo sa puting pinto.

Sila?

"Sige po, salamat po. Pasensya na po ulit sa abala." muling sabi ko bago lumapit sa nasabing pinto.

Kumatok ako ng tatlong beses maya maya pa ay bumukas ito. Bahagya pa akong natulala ng makita ang magandang mukha ni Ma'am Devyn, gulat rin ang rumihistro sa mukha nito.

"What are you doing here?" Masungit na tanong nito.

"Ahh kasi po, pinapapunta ako dito ni Ma'am Amari." sagot ko.

"Si Miss Javier ba yan?" boses iyon ni Ma'am Amari.

"Yeah." Tipid na sagot ng kaharap ko.

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit samin, at nakita kong sumilip si Ma'am Amari.

"Pasok ka, kanina pa kita hinihintay." nakangiti nitong paanyaya sabay hila sakin papasok.

Nahagip ng mata ko si Ma'am Azura na prenteng naka upo sa mahabang sofa, habang abala sa cellphone nya.

Teka! Bakit nga ba nandito rin silang dalawa?

"Maupo ka." utos ni Ma'am Amari.

Di agad ako tumalima at parang nag alangan ng makita ko ang mga pagkaing nakalatag sa center table. At mukhang magsisimula pa lamang silang kumain, nakakahiya naman at nakaistorbo pa ko sa mga to.

"Ahhmm wag na po Ma'am, di rin po ako mag tatagal. Pasensya na po sa abala." nakayuko kong sagot.

"Upo ka na, sabay-sabay na tayong mag lunch." pag pupumilit nito.

Pasimple akong sumulyap kay Ma'am Devyn na ngayon ay kakaupo sa sofa na nasa right side, tahimik lang itong nakamasid sa amin at tila bored na bored sa nakikita. Habang nasa left side naman si Ma'am Amari, na sinisimulan ng buksan ang mga food keeper na nag lalaman ng pag kain.

"Masamang pinag aantay ang pag kain." dagdag pa ni Ma'am Amari.

"Pwede ba just listen to her." Masungit na sabat ni Ma'am Azura na ngayon ay nakatuon ma sakin ang atensyon at masama narin ang tingin na pinupukol sa akin.

Wala talagang pinipiling lugar to, kahit professor pa ang kaharap nya.

"Kalmahan mo lang Azura, nahihiya lang yan si Miss Javier." tugon ni Ma'am Amari na tila di napapagod kaka ngiti.

Which is bagay sa kanya, mas lalo kasi syang gumaganda.

The heck!

Napamura ako sa loob loob ko.

Bat ba parang lately eh mas nakaka appreciate na ko ng ganda kesa sa kakisigan?! Or baka dahil lately ay puro magaganda ang laging nakakasalamuha ko. Kaya ganun.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon