FOURTY SIX

11.5K 417 66
                                    

Livvy's POV:

Bigla akong na guilty matapos kong halikan sa labi si Louise, kaya agad akong lumayo dito.

Tinignan ako nito na parang di makapaniwala sa ginawa ko, bahagya pa itong napakurap-kurap at ng makabawi muli nitong hinarap ang kanyang ex.

"Sa totoo lang wala naman akong dapat patunayan sa'yo, kasi matagal na tayong wala. Sadyang masunurin lang tong girlfriend ko..." wika ni Louise na pasimple pa akong tinignan.

Naikuyom ng binata ang kanyang mga kamao, at nagpalipat lipat ng tingin samin na tila diring diri.

"I can't believe na pumatol ako sa kagaya mo, kadiri kayo!" sambit nito saka tuluyang umalis.

"Whoa that was hot." narinig kong sabat ni Bren na ngayon pala ay nakatayo na sa likuran namin kasama si Azura.

Ang talim ng mga tingin na ipinupukol nito sa'kin, ngunit ganun pa man ay matapang ko iyong sinalubong.

Tsss. Kung makatingin sya sa'kin akala mo ako pa yung may ginawang masama? Kung hindi rin naman dahil sa ginawa nya, hindi ko sana mahahalikan si Louise.

Nang maalala ang ginawa ko, muli akong nakaramdam ng guilt at tinignan si Louise na ngayon ay nakatitig lang din sa'kin.

"You okay? Kanina kapa namin kinakausap." sambit nito.

"S-sorry, masama lang pakiramdam ko." pag papalusot ko.

"Pauwiin mo na s'ya Louise." sabat ni Azura na ngayon ko lang yata narinig na mag salita.

"You don't have to tell me what to do Azura, kasi kahit di mo sabihin gagawin ko. Girlfriend duty." she said smirking.

"Sige na iuwi mo na, alagaan mo na rin." tukso ni Bren kay Louise.

"I will, tara na baby..." sambit nito.

Nagulat pa ako sa endearment na ginamit ni Louise sa'kin, palihim kong tinignan si Azura.

Pulang pula ang mukha nito, at halos di na maipinta ang mukha dahil ata sa inis.

"Louise, stop calling her baby." sambit nito at diniinan ang huling sinabi.

"Why? Eh sa yun ang gusto kong endearment namin. May problema ba dun?" mataray na tanong ni Louise dito.

"Tara na Louise, gusto ko ng umuwi." sabat ko bago pa lumaki ang away ng dalawa.

"Okay baby." sagot pa nito.

Napapikit nalang ako ng mariin bago napag desisyonang hilain ito papalayo sa dalawa. Hindi na ko nag abala pang lingunin sila, pakiramdam ko kasi ay nasu-suffocate ako kapag nakikita silang mag kasama.

Saka ko ito binitawan ng tuluyan na kaming makalabas sa restaurant.

"Do you want to go home?" tanong nito sakin na tila matamlay ang boses.

"Ikaw, may gusto ka pa bang puntahan?" balik tanong ko dito.

"Yeah gusto pa kitang makasama, kaso sabi mo masama ang pakiramdam mo." mahinang sabi nito.

"Nag sisinungaling lang ako." Nakayuko kong sagot.

Masyado na kasi akong nagi guilty sa ginawa ko kanina at sa pag sisinungaling ko.

Naramdaman ko ang masuyong pag hawak nito sa kamay ko, saka ako direktang tinitigan sa mata.

"Please don't feel bad na hinalikan mo ko... and please don't tell me na ginamit mo lang ako, although I know pero ayokong manggaling sa'yo. Just don't say anything, okay?" may kung anong lungkot sa mga mata nito pero pilit nyang pinag tatakpan ng mga ngiti n'ya.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon