Happy Birthday to one of my friend/reader 🥳🥳🥳
chublitxLivvy's POV:
Hindi pa ganun kahimbing ang tulog ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Napaka wrong timing naman ng tumatawag, kung kelan namanh nakaidlip na 'ko saka naman tumawag.
Agad kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa lamesita na nasa gilid lang ng kama ko.
Miss Devyn calling...
Ano kayang nakain nito at napatawag ng ganitong oras?
Di na ko nag dalawang isip para sagutin iyon.
"Hello Miss Dev?" sagot ko.
"Oh thank God Liv, sumagot ka. I really need your help..."
Base sa background nito maingay ang kinaroroonan nito ngayon, at halata sa boses nito na parang tinamaan na ng alak.
"Bakit po? May nangyari ba?" nag aalalang tanong ko.
"Nasa bar kasi kami ngayon, tipsy na rin kasi ako at hindi ko kaya si Azura nag wawala na rin kasi s'ya dito. So please help me..." pag mamakaawa ng nasa kabilang linya.
"Okay sige, saang bar po ba kayo?" tanong ko dito.
"Naalala mo ba kung saan tayo unang nag sama sama? Sa bar na yun, Venue 808 yan ang name ng bar. Mag taxi ka nalang para mas mabilis, ako ng bahala. Okay?" bilin pa nito.
"Okay, sige. Hintayin nyo nalang ako." sagot ko.
"Okay, take care Liv. Mag paalam ka kay Len bago ka umalis... Para di sya mag alala." bilin pa nito.
Wow at nakuha pang mangaral. Well baka nga naman concern lang s'ya kay Ate. Lately rin kasi napapadalas ang dalaw nun kay Ate, mukhang nagiging close na rin sila.
Nag madali akong mag bihis, pag katapos ay nag paalam na rin kay Ate bago umalis.
Almost half an hour rin bago ako makarating sa bar na sinasabi ni Miss Devyn, after mag bayad ay nag madali na akong pumasok sa loob.
Kahit na maingay at mausok sa loob, nag palinga linga pa rin ako sa paligid para lang mahanap ang kinaroroonan nina Miss Devyn.
Kinuha ko na rin ang cellphone ko para i-dial ang number nito, dahil hirap na hirap akong hagilapin sila sa dami ng tao.
"Miss Dev, nandito na po ako. Nasan kayo?" tanong ko dito.
"Wait mo kami sa may bar counter malapit, palabas na rin kami." sagot nito saka inend ang call.
Maya-maya lang ay tanaw ko na si Miss Devyn na tila hirap sa pag alalay sa kasama, maagap ko silang nilapitan para maalalayan si Azura na ngayon ay lasing na lasing na.
Kinuha ko ang isang braso nito at inilagay sa balikat ko, saka hinapit ang bewang nito para maalalayang wag matumba.
"Thank goodness you're here." saad ni Miss Devyn habang hinihilot ang sintido nito.
"Ako ng bahala sa kanya Miss Dev, kaya mo pa bang mag lakad?" tanong ko rito.
"Yeah, pero s'ya hindi." nakangisi nitong sagot.
"Mukha nga." natatawa ko ring tugon.
Dahan-dahan kaming nag lakad palabas, at habang nag hihintay ng masasakyang taxi bigla namang nag salita si Miss Azura.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...