FOURTEEN

10.3K 489 255
                                    

Livvy's POV:

"Hey Livvy!"

Sigaw sa akin ni Miss Azura na kakalabas lang sa kanyang kwarto.

"Yes Miss Azura?" tanong ko dito ng di man ito tinitignan.

"What's wrong with you? Ba't bigla mo nalang iniwan dun yung patay na ipis? You know how much I disgust ipis diba?" maarteng reklamo nito.

Itinigil ko muna ang ginagawa saka ito matamang tinignan.

"Miss Azura what did you expect me to do? Linisin at alisin ang patay na ipis dun habang hubo't hubad kayo?" I said while smirking.

Biglang namula si Miss Azura dahil sa sinabi kong yun.

"Eh ano?! Wala naman akong dapat ikahiya ahh." Palaban na sagot nito.

"Hmmm sabagay, you look sexy and hot." I answered and playfully wink.

Na mas lalo lang ikinapula nito.

"Ako lang to, wag kang malito." Sagot nito saka ako inirapan.

Kahit namumula na ayaw pa rin talaga patalo. Atleast alam kong naasar ko sya.

Napangiti nalang din ako ng dahil sa inasal nito.

Napangiti nalang din ako ng dahil sa inasal nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umupo ito sa mahabang sofa at binuksan ang TV.

"Miss Azura, tara po kain na tayo." aya ko dito ng matapos kong ihanda ang pag kain.

"Alam mo ba ang ayoko?" Biglang tanong ni Miss Azura.

"Po?"

"I don't like rats, snakes, frogs, cockroach..." she paused for a moment tsaka ako tinignan. "at higit sa lahat yung pinapaulit yung mga sinabi ko." sagot nito saka ako inirapan.

Oo nga pala sinabi nito kanina, na ayaw nyang kumain. Di wag!

"Okay, bahala ka po. Basta kakain na ko ha?" Pang aasar ko pa.

"Edi kumain ka wala sakin ang pag kain." ganti nito habang patuloy sa pag lipat lipat ng channel.

Tahimik akong kumakain at sarap na sarap sa niluto kong beef steak.

"Anong niluto mo?" Bigla ay tanong nito.

Ng mag angat ako ng tingin, nakapatong ang baba nito sa sofa ng nakaharap sa gawi ko.

"Beef steak, kumain kana Miss baka kasi maubos ko to." sagot ko tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"Hmmm... sige, pero ipag sandok mo ko." Sagot nito saka tumayo para lumipat sa mesa.

Kita mo kakain rin pala nag iinarte pa.

Muli akong kumuha ng plate nito, saka ito nilagyan ng kanin. Ilalagay ko na sana ito sa harapan nya ng bigla itong nag reklamo.

"Ang kunti naman nyan..." reklamo nito patungkol sa kanin na inilagay ko sa pinggan nya.

Dinagdagan ko pa ito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon