FIFTY EIGHT

14.7K 433 73
                                    

Livvy's POV:

"Papano si Miss Dev?" tanong ko kay Azura habang nasa kalagitnaan ng byahe papunta sa bahay namin.

"Bukas ko na s'ya kakausapin, I know she would understand." nakangiting tugon nito.

"Andaya mo di mo man lang sinabi na may plano kang kausapin ang both parents natin." di ko maiwasang wag mag reklamo dito.

"Sorry, na excite lang ako. Pero wala namang dapat ipag alala diba? Nakita mo naman reaksyon ni Mommy natuwa pa nga s'ya sa mga nalaman nya."

"Pero si Mama nagulat sa mga nangyari." nakangusong tugon ko.

"Wag ka ng malungkot, naging maayos naman eh." nakangiti nitong tugon saka masuyong hinawakan ang kamay ko habang ang isa nitong kamay ay nasa manibela.

"Gusto ko lang na tuluyan na tayong maging official, kahit sa parents natin." dugtong pa nito.

"Ahmm Azura what if, wala akong kakayahang mabuntis ka? Baka ma disappoint ang parents mo." nag aalalang tanong ko.

Kanina pa kasi yun bumabagabag sa isip ko.

"Don't worry, mabuntis mo man ako o hindi walang problema dun. Gusto kong ikaw lang ang mapangasawa ko, alam mo bang ikaw lang nakakapag pakalma sa'kin kapag sinusumpong ako ng kasungitan ko? Ikaw lang rin nag lalakas loob na sagot-sagutin ako." nakangiti nitong kwento.

"Wala ng atrasan to Azura huh? Sasabunutan talaga kita kapag nag dalawang isip ka nanaman sakin dahil lang sa iisipin ng ibang tao."

"Sigurado na ko Livvy, hindi pa ba sapat yung ginawa ko buong araw?" proud pa na sabi nito.

"Oo na..." nakangiti ko na ring sagot.

"Gusto kong sabunutan mo ko kapag nasa kama na tayo..." mapang akit na sagot nito saka ako kinindatan.

Pakiramdam ko tuloy nag init ang buo kong mukha dahil sa sinabi nito.

"Azura!" sita ko dito.

Tawang tawa tuloy sya dahil sa naging reaksyon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tawang tawa tuloy sya dahil sa naging reaksyon ko.

"Ang cute mo..." sabi pa nito.

"Ewan ko sa'yo." kunwari ay inis na sagot ko.

Pero ang totoo ay napapatulala nanaman ako sa ganda ng babaeng katabi ko.

"Bakit?" nakangiti nitong tanong.

"Wala naman, ang ganda mo lalo kapag ganyang nakangiti ka." sagot ko.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon