THIRTY FIVE

11K 439 172
                                    

Livvy's POV:

Matapos mag pa check up ni ate, nag aya itong kumain muna sa malapit. Since mag aalas dose na rin ng tanghali, ililibre nya raw kami ni Miss Dev pero hanggang fast food lang daw ang kaya nito.

Napag pasyahan naming sa KFC nalang kumain, nag ki crave raw kasi sya ng mushroom soup ni KFC.

"Miss Devyn, hanggang dito lang ang kaya kong i libre sa'yo huh? Di ko afford yung mga mamahaling restaurant." narinig kong sabi nito ng makabalik ako.

Ako kasi ang umorder ng pag kain namin sila naman ni Miss Devyn ay nauna ng umupo dito.

Nakita ko kung paanong mag iwas ng tingin si Miss Devyn dito.

"O-okay lang, h-hindi naman ako maarte sa pag kain." sagot nito.

Sus! Hindi daw... nung kumain nga kami sa jollibee isang beses nya lang tinikman yung spaghetti. Inayawan nya na agad.

"Mabuti naman kung ganun." nakangiting tugon ni ate dito saka kinurot ang mukha ni Miss Devyn na s'ya  namang ikinagulat nito.
"Sorry ang ganda mo kasi." sambit nito.

At mas lalo pang napangiti si ate ng mapansin naming sobrang pula ng mukha nito.

"Hoy Ate! Kapag sya talaga pinag lihian mo manghihina yan, naku!" saway ko dito pero nag pipigil lang din talaga ako na wag matawa dahil sa reaksyon nito.

"Sus! Naniniwala ka sa mga ganyan, ano ka si mama." sagot nito saka muling ibinalik ang atensyon kay Miss Dev.

Napakagat labi ako ng hawakan nito ang pisngi kung saan sya kinurot ni ate.

"Hoy Livvy, masyado mong pinipigilan yang tawa mo." sita ni ate sakin, na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

Sinamaan tuloy ako ng tingin ni Miss Devyn.

"Sorry. Nakakatawa ka kasi Miss Devyn, para ka ng kamatis sa sobrang pula ng mukha mo."

Kung hindi lang talaga buntis si ate, iisipin kong crush sya ni Miss Devyn. Kanina ko pa kasi ito nahuhuling tinititigan si ate, tapos iiwas kapag titignan sya ng kapatid ko.

"CR lang ako." paalam nito.

"Bumalik ka agad huh? Kundi kakainin ko yung sa'yo." saad ni Ate dito habang hindi pa ito masyadong  nakakalayo.

Saglit itong tumigil sa pag lalakad, pero di man lang kami nilingon at muling nag patuloy.

"Pinag sasabi mo ate?" tanong ko dito.

"Ano? Sinabi ko lang naman na kakainin ko parte nya. Anong masama dun?"

"Iba kaya ang pag kaka deliver mo."

"Berde ka lang talaga mag isip, tsss. Linisan mo nga yang utak mo." sagot nito saka ako inirapan.

"Sungit ng buntis na to."

Di nag tagal ay inihatid na rin ang order namin, bumalik na rin si Miss Dev na poker face lang.

"Okay kana?" pang aasar sa kanya ni ate.

Tumango lang ito, pero di na ulit tinignan si ate. Itinuon nalang nito ang atensyon sa mga pag kaing nasa harap.

"Ate bilisan kong kumain ahh, may pasok pa kami." sabi ko dito habang patuloy sa pag subo ng fries.

Alam ko kasing mabagal itong kumain kaya, sinabihan ko sya agad.

"Oo na, minsan na nga lang ako manlibre mamadaliin mo pa. Mamaya di ma enjoy ni Miss Devyn yung libre ko." sambit nito.

Napatingin naman si Miss Dev dito matapos banggitin ang pangalan nya.

"Uhhmm m-may ketchup ka..." sambit ni Miss Dev sabay turo sa mukha ni ate.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon