FIVE

11.5K 456 128
                                    

Livvy's POV:

4am palang ng umaga ay bumangon na ko, hindi ko masasabing gumising ako ng maaga kasi in the first place hindi naman talaga ako nakatulog.

Sinong makakatulog kung gising na gising ang.... diwa ko. Mag mula kasi ng makatulog si Ma'am Azura nakadantay na ang mga binti nito sakin buti nalang dahil maagap kong nalagyan ng unan ang pagitan naming dalawa. Akala ko kahit papano ay makakatulog ako ng matiwasay, pero dahil sa patuloy na pag buhos ng ulan. Nakaramdam ata ng lamig ang katabi ko kaya nag susumiksik sakin.

Goodness gracious! I can feel her softness that time.

And for crying out loud! Bat naman ako naging ganito ka apektado? May dibdib rin naman ako. Kagabi pa ko balisa kung bat ako nag kakaganito? Di naman ako ganito kapag niyayakap ako ng bestfriend kong si Sam.

Binalewala ko nalamang ang bagay na yun. Naisipan kong mag jogging nalang muna sa park na malapit samin, tutal tulog pa naman si Ma'am Azura.

Sa pang apat na ikot ko sa kabuuan ng park ay nakaramdam ako ng pagod, kaya naisipan ko munang umupo muna sa bench na malapit kinatatayuan ko.

Bahagya akong napatingin sa lower part ng katawan ko. Bigla akong may nararamdamang kahungkagan sa loob loob ko.

Kahit kelan hindi pa ko nag kaka boyfriend... boyfriend nga ba ang kailangan ko? Hindi ko alam... Pero never pa naman akong na attract sa babae, kasi puro lalaki naman ang nagiging crush ko. Yung mga tipong tall dark and handsome...

I let out a deep sigh.

Ramdam ko kasi ang bigat sa dibdib ko.

Although tanggap ko na na ganito ako pinanganak but there's a part of me na hindi ko maipaliwanag. I'm afraid to fall in love dahil baka di ako matanggap ng taong mamahalin ko, iilan lang kasi sa mundo ang may cases ng gaya ng sakin. Kaya habang maaga pa ay tinutulak ko na papalayo ang mga lalaking nag tatangka sakin manligaw kahit pa ang crush kong lalaki since highschool na kapitbahay lang rin namin.

Ayokong masaktan sa huli, dahil lang sa sekretong tinatago ko. Takot ako sa discrimination and rejection. I'm getting older, graduating na sa college pero hindi ko pa rin talaga alam kung anong plano ko in the future. Ayoko rin namang may baguhin sa sarili ko, kung talagang may mag mamahal man sakin sana tanggapin nya ako wholeheartedly.

Masyado nanaman ata akong nag iisip ng mga bagay bagay, mabuti pa bumalik na ko sa bahay. Para makapag luto na rin ng breakfast para sa bisita ko, na ngayon ay masarap ang tulog.

Sana all.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa bukas na tindahan at bumili ng sliced bread, butter and eggs.

Ng makauwi ako ay dumiretsyo na ko sa kusina, naabutan ko ang aking nakakatandang kapatid na si Ate Lennie na nag papainit ng tubig.

"Good morning Ate." Bati ko dito at inilapag ang mga pinamili ko sa mesa.

"Good morning bunso, ang aga mo atang gumising?" saad nito saka ako tinignan. "or mukha ngang wala kang tulog ang itim ng eyebags mo." Puna pa nito.

"Hindi talaga." Mahinang sagot ko.

"Oh bat naman? Humihilik ba?" tanong nito.

"Hindi." Nakanguso kong sagot.

"Eh ano nga?"

"Di lang siguro ako sanay na may katabi matulog, ate." Sagot ko na lamang dito.

"Baka nga, nanibago ka lang." Sagot nito.

"Sya nga pala ate, may nakuha akong trabaho yun nga lang stay in." Paninimula ko.

"Saan naman? Ligtas ba yan? Alam mo naman sa panahon ngayon dapat di ka basta basta nag titiwala." Sermon nito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon