Livvy's POV:
Apat na araw na rin ang nakakalipas mula nung pumunta ako sa bahay ng mga Alvarez. Muli ko nanamang makikita si Ma'am Devyn, at sana lang ay di nito kasama ang kaibigan na si Ma'am Azura. Baka kasi maubusan ako ng pasensya kapag nag sama pa ang dalawang yun.
Tumawag kasi si Ma'am Selena kahapon at ang sabi nito ay ipapasundo nya ko kay Ma'am Devyn para raw may makasama ako sa pag lilibot sa university. Ngayong araw rin kasi ang schedule ko sa pag take ng entrance exam para sa scholarship, sana lang talaga ay mag bunga ang ilang araw kong pag re-review sa mga posibleng lumabas sa exam.
Maya-maya pa'y nakarinig na ako ng sunod-sunod na busina mula sa labas. Nag madali na akong lumabas, at saglit rin na nakapag paalam sa nakakatanda kong kapatid.
"Why you took so long?!" Inis na bungad sakin ni Ma'am Devyn, nahagip rin ng mata ko ang bored na mukha ni Ma'am Azura.
Napaka swerte ko talaga sa araw na to.
"Sorry Ma'am." tanging nasabi ko.
"Get in and move faster!" Utos pa nito.
Nag madali akong pumunta sa backseat, di pa man ako nakakaupo ng maayos ay agad na nitong pinaandar ang sasakyan. Nag panic tuloy ako at nag madaling sinara ang pinto.
Attitude talaga. Sa isip-isip ko.
Di nakaligtas sa mata ko ang nakakalokong ngiti ni Ma'am Azura.
Mag kaibigan talaga ang dalawang to, parehas masama ang ugali.
Tahimik lang ako buong byahe, tinuon ko ang atensyon ko sa labas ng bintana kung saan tanaw ko ang mga nag lalakihang gusali. Abala rin kasi ang dalawa sa kung anumang pinag uusapan nila.
"Hey!" Untag sakin ni Ma'am Azura ng humarap ito sa gawi ko.
Dyosa ring maituturing itong si Ma'am Azura, pwede nga maging artista o modelo kung gugustuhin nya. Maputi at makinis rin kasi ito, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at magandang korte ng labi.
"Hey! Are you listening or not?" Sabi nito na nag pabalik sakin sa katinuan. Di ko rin kasi namalayan na masyado ko na palang pinupuri ang kagandahan nito.
"N-no Ma'am, sorry... Ano po ulit yun?" Tanong ko dito.
"Tsk. I hate repeating myself." Inis na reklamo nito.
"I told yah. May pag ka stupid din talaga yan since first encounter namin." Narinig ko pang sabi ni Ma'am Devyn.
"I guess you're right." Pag sang-ayon ng isa.
"I said after kitang ihatid sa registrar office, iiwan kana namin. At wag na wag mong ipapaalam kay Tita Selena na iniwan ka namin, understood?" saad nito.
Tumango nalang ako at di na nag reklamo pa, dahil mas pabor din sakin iyon. As much as possible ayoko rin talaga silang makasalamuha, hindi ako komportable around them.
"Alam mo naman kung paano umuwi mula dito diba?" Dugtong pa nito.
Tumango nalang ulit ako kahit na ang totoo ay hindi, mag tatanong tanong nalang ako mamaya.
Pero pansin ko na mas malambot ang facial expression nitong si Ma'am Azura, kumpara kay Ma'am Devyn na laging kunot ang noo.
"Okay now it's settled." Nakangiting baling nito kay Ma'am Devyn.
Bahagya rin itong gumanti ng ngiti sa kaibigan.
Well di naman halatang may planong puntahan tong dalawa, kaya gusto agad akong iwan.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Malford University, agad namang nitong pinark ang sasakyan. Naunang lumabas si Ma'am Azura, sumunod ako. Nag paiwan naman sa loob ng sasakyan si Ma'am Devyn.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...