FOURTY ONE

11.8K 520 179
                                    

Azura's POV:

Wednesday na ngayon pero di pa rin ako nakakapag move on sa nangyari last sunday sa resort. Naiinis pa rin ako sa t'wing naaalala ang eksenang yun.

"Azura..."

Dinig kong tawag sa akin ng isang baritono'ng boses.

Ng lingunin ko ito nakita ko ang seryosong mukha ni Bren.

"Bakit?" walang gana kong tanong.

"Azura I'm so sorry kung bigla kitang hinalikan last week, I'm really really sorry."

"It's okay, wag mo nalang ulitin. Dahil baka di lang sampal ang abutin mo sa'kin." sambit ko.

"Promise! Hindi ko na uulitin." sagot nito. "Pwede ba tayong sabay mag lunch ngayon?" dugtong pa nito.

Tumango ako bilang sagot.

Wala rin naman akong makakasabay dahil hindj pa rin kami nag uusap ni Devyn hanggang ngayon, di rin ako umuwi ng condo mula nung umuwi ako galing batangas. Kahit dito sa school ay di kami nag iimikan, si Livvy naman laking pasasalamat ko dahil di ko rin talaga sya nakikita sa buong campus  for almost 2 days.

Habang nag lalakad kami sa hallway, sa di kalayuan ay tanaw ko si Livvy na nakatayo malapit sa cafeteria at tila may hinihintay.

Maya-maya pa ay nakita kong papalapit si Devyn sa kinaroroonan nito at saka ito sinalubong ng yakap at hinalikan sa... hindi ko sure kung saan dahil nakatalikod si Devyn mula sa pwesto namin.

Lihim kong naikuyom ang mga kamay ko dahil sa nakita.

Hanggang dito na naman?!

"Oh! Sina Devyn at Livvy yun diba? Lapitan natin." wika ni Bren.

Gusto ko pa sanang mag protesta pero huli na dahil hinila na ako nito papalapit sa pwesto nila.

"Gutom kana ba? Anong gusto mong kainin libre ko." narinig kong sabi ni Devyn.

"Sige dahil libre mo lasagna nalang." ngiting ngiti na sagot ni Livvy.

Sarap burahin ng ngiti dyan sa mukha ko! Akala mo ikina ganda mo yan?! Tssss.

"Bren, Azura..." saad ni Devyn ng makalapit kami sa pwesto nila.

"Dev, Livvy... Mag la-lunch din sana kami ngayon ni Azura, you wanna join us?" tanong nito.

"Is it okay with you Azura?" baling ni Devyn sakin.

"Oo naman, ba't naman hindi?" sagot ko.

"Okay then." sagot ni Devyn saka inilingkis ang braso sa braso ni Livvy.

I mentally rolled my eyes saka umiwas ng tingin, ang sakit kasi nila sa mata.

Nag lakad kami sa cafeteria na malapit lang rin sa kinatatayuan namin, umupo kami sa isang bakanteng table na good for 4 persons. Nag presenta si Bren na sya na rin ang mag oorder para sa aming tatlo pero umayaw ang dalawa. At nag suggest na pumunta nalang ng counter by pair para maka pili ng maayos.

Matapos naming mag order, sumunod naman na tumayo ang dalawa.

Tsss. Akala mo naman mawawala si Livvy kapag iniwan nya sa dito kasama namin.

Di rin nag tagal ay bumalik sila na dala-dala ang tray na nag lalaman ng mga pag kain nila.

Sinimulan na naming kumain ng may biglang pumasok sa isip ko.

"Bren, can I ask you something?" tanong ko dito.

"Sure ano yun?" sagot nito.

"Anong tawag mo sa taong nag sabi sayo na gusto ka nya pero, at the same time nakikipag landian sa iba?" tanong ko habang matamang tinititigan si Livvy.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon