Dedicated to: DeltaAmore
Dear thanks sa suggestion 🥰Livvy's POV:
Flashback:
Kahit anong posisyon ang gawin ko ay di pa rin ako dalawin ng antok, hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako sa naging treatment sakin ni Miss Azura. Matapos nung nangyari samin sa restroom, basta-basta nya nalang akong di pinansin.
Nakakasama kaya ng loob kapag binalewala ka sa di mo malamang dahilan. Isa pa siya naman nag initiate nun ba't parang sya pa may ganang mag drama. Argh! Nakakainis.
Napasuklay ako sa buhok ko dahil sa frustration, nag pasya na rin akong tumambay muna sa sala para manood ng tv, at para narin mag paantok. Napili kong panoorin sa netflix ang laging pinapanood ni Miss Azura.
LUCIFER
Kahit sa panonood ay di ako makapag focus nag lalakbay kasi ang isip ko, hindi ko alam kung bakit di ako mapakali. Di ko rin mawari kong ano nga ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko mixed emotion ako this time. Idagdag pa ang imahe ni Miss Azura na di mawala wala sa isip ko.
Ano na kaya ang ginagawa ng bruha na yun ngayon? Nag e-enjoy marahil kasama ang ex boyfriend nito. Dapat kapag ex na di na binabalikan. saad ko sa aking isipan.
Nakaramdam ako ng excitement ng marinig ang pag bukas ng pinto kaya agad ko itong nilingon, but I'm a bit disappointed ng makitang hindi iyon ang taong inaasahan ko.
Saglit lang naman na di ko sya nakita pero ba't parang hinahanap hanap ko ang presensya nya? Haish! Masyado ata akong na attached sa kanya sa buong araw naming mag kasama.
Nakita kong nag lakad si Miss Devyn patungo sa direksyon ko. Pansin kong mugto ang mga mata nito, kaya agad akong napatayo.
"Miss Dev, ano pong nangyari?" nag aalalang tanong ko.
Di ito sumagot bagkus ay bigla ako nitong niyakap. Gumanti ako sa pag kakayakap nito at marahang hinagod ang likod nito para aluin.
Inakay ko ito para umupo sa sofa.
"Miss Dev, ano po bang nangyari sa inyo?" muli ay tanong ko.
"Please Liv, I don't wanna talk about it." mahinang sambit nito.
Nakita ko ang mga luha nitong nag babadya ng umagos, hinila ko ito papalapit sakin para yakapin.
Kung ayaw nya mang pag usapan ang nangyari sa kanila ng boyfriend nya, I guess what she needs right now is a shoulder to cry on.
Ibinaon nito ang kanyang mukha sa upper chest ko, at doon ibinuhos ang bigat ng nararamdaman.
Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganung posisyon hanggang sa naramdaman ko nalang ang malalim na pag hinga nito.
Mukhang nakatulog ata.
Dahan-dahan ko itong nilayo sa akin, para sana ay makahiga ito sa sofa. Ngunit mas lalo ako nitong niyakap ng mahigpit.
"Can you stay like this..." mahinang wika nito.
"Mas makakahiga ka po ng maayos kung--"
"Please..." putol nito sa sinasabi ko.
Di na 'ko nag protesta pa at sumandal na lang sa unan na nasa likuran ko. Hininaan ko na rin ang volume ng tv para mas makatulog pa ito ng maayos. Ramdam ko na rin ang unti-unting pag bigat ng talukap ng mga mata ko.
Maging ako rin ata ay nakakaramdam na ng antok, kaya hinayaan ko na lang rin ang sarili na pumikit.
End of flashback
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...