Livvy's POV:
Kakarating lang namin sa school ni Azura, at parang napaka energetic nito. Kabaliktaran naman ng sa'kin, pakiramdam ko ay lantang gulay ako.
Papano ba naman kasi kulang ako sa tulog, madaling araw palang kasi ay nagising na ko sa pinag gagagawa ni Azura. Kahit madaling araw ay nakuha pa rin nitong akitin ako, maging si little buddy ay ginising nya rin.
Habang nag lalakad ay napapahikab nalang ako dahil sa sobrang antok.
"Sleepy?" tanong ni Azura.
"Opo, at kasalanan mo." sagot ko.
"Do you want me to wake you up?" nakangisi nitong tugon.
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito, ipinulupot ko ang braso ko sa bewang nito saka ito niyakap.
"Azura naman... wag dito. Di mo ba nakikita nanghihina pa ko oh..." panlalambing ko dito.
Ngumiti ito ng matamis, saka ako kinintalan ng halik sa labi.
"Oo na, binibiro lang naman kita." nakangiti nitong tugon.
"Kinakabahan ako kapag ganyan yung mga sagutan mo eh." nakanguso kong sagot at kumawala na sa pagkakayakap ko dito.
"Ang cute mo rin kasing asarin eh." tugon nito saka pinisil ng mahina ang pisngi ko.
"Sa cafeteria tayo, I'll buy you a coffee." dugtong nito.
"Sige maaga pa naman eh." sagot ko.
Nag patiuna ito sa pag lalakad, agad ko ring sinundan at niyakap ito mula sa likuran.
"Ang clingy mo ahh." saad ni Azura.
"Matagal ko ng gustong gawin sa'yo to no? Remember nung nag kasakit ako, dun ata nag simula na gusto kitang laging yakap." masayang kwento ko.
"Yeah I remembered, that time gusto mo na siguro ako no?" nakangisi nitong tanong.
"Hmmm sa tingin ko gusto na nga kita nun, everytime nakikita kita gusto kitang yakapin eh."
"Ahh... akala ko gusto mo na kong i-kama."
Nabitaw ako sa pag kakayakap dito.
"Azura!" saway ko.
Nilingon ako nito habang ngiting ngiti.
"Ano?" nakangisi nitong sagot.
"Yang bibig mo talaga..."
"Halika na, baka may lumapit pa sa'kin. Ikaw rin..." pang aasar pa nito.
"Okay lang, edi mag hahanap nalang ako ng iba." ganti ko.
"Anong sabi mo?" mataray na tanong nito saka ako tinaasan ng kilay.
Patakbo ko itong nilapitan saka niyakap.
"Joke lang yun, highblood ka agad. Gumaganti lang eh."
"Ayusin mo lang, kahit mahal ko yan puputulin ko yan." seryoso nitong tugon.
"Sorry na..." sambit ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.
"Ang bango mo talaga..." sambit ko.
"Aheeeem! Mahiya naman sana kayo sa mga single na kagaya namin." saad ng taong nasa likuran namin.
Sila Jayne at Kai pala.
"Kaya nga... wag kayo masyadong clingy na aalibadbaran kami." dugtong pa ni Kai.
"Bitter lang kayo." sagot ko.
"Ay wow! Magpasalamat ka sa'kin oy, kung di dahil sa'kin di magiging kayo." irap ni Kai.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...