FIFTY SEVEN

13.2K 424 44
                                    

Livvy's POV:

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nito at wala sa sariling napa hawak sa sarili kong labi.

"What?" mataray tanong nito sa'kin.

"Y-you kissed me in public..."

"So? Mas maigi nga yun, wala ng iba pang lalandi sa'yo." tugon nito. "Come on Livvy, para namang bago lang sa'yo to."

"H-hindi naman, nakaka kaba lang baka kinabukasan n'yan iwasan mo nanaman ako dahil may mag ba viral--"

"Shu-shu-shu! Wag ka na ngang mag isip ng kung anu-ano, isa lang ang dapat mong alalahanin." she paused for a moment and look at me.

"Ano naman yun?"

"Yang mga babae mo. Oras na makita kong umaaligid sila sa'yo. Well sorry nalang, baka maubusan sila ng buhok sa'kin." banta nito na nag pangiwi sa'kin.

"Yan ka nanaman sa mga accusations mo, wala akong babae no." nakasimangot kong tugon.

"Tsss. Whatever, basta binalaan na kita. You don't know how possessive I am when it comes to you Livvy, kaya wag mo kong susubukan." seryosong saad nito.

Pero imbes na mainis, napangiti pa ko dahil sa sinabi nito.

Lumapit ako rito saka ito hinapit sa bewang dahilan para mag dikit ang mga katawan namin.

"Kalma... iyong iyo lang ako." bulong ko dito saka hinalikan ang tungki ng ilong nito.

Mabilis na namula ang magkabilang pisngi nito saka nag iwas ng tingin. Kaya minabuti kong bitawan na s'ya ngunit nagulat ako ng bigla itong kumapit sa batok ko saka ako niyakap.

"Pwede bang sa condo kana ulit mag stay?" panlalambing nito.

Napakagat tuloy ako sa lower lip ko dahil sa lambing ng boses nito.

Letse! Yung mga butterflies sa tummy ko nag rarambulan na.

"Gustuhin ko mang makasama ka, hindi pwede. Di ko pwedeng iwan si ate ng mag isa sa bahay." honest kong sagot.

"I'll find a way, samahan mo nalang ako sa bahay mamaya. Kakausapin ko sina mommy..." saad nito.

"T-teka! Bakit? Ano bang sasabihin mo sa kanila?" bigla akong nag panic dahil sa sinabi nito.

Kumawala ako mula sa pag kakayakap nito. Di ko kasi alam ang tumatakbo sa isip nito.

"Basta malalaman mo mamaya." tugon nito.

"Hindi mo naman siguro ako yayayaing mag pakasal ano?" biro ko dito saka tumawa ng hilaw.

"Silly! After I graduate, syempre. Mahirap na kapag nag pakasal agad tayo, baka di pa natatapos ang school year mabuntis na ko." nakakangising sagot nito.

Bigla atang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi nito, ba't ba bigla kaming umabot sa pag bubuntis?!

"H-huh? Biro lang naman yung sinabi ko--"

"So wala kang planong pakasalan ako?!" muling pag tataray nito.

"Meron naman pero h-hindi sa ngayon, bata pa tayo at wala pa kong napapatunayan sa buhay. Tsaka tutulungan ko pa sila Mama at ate, k-kaya wala pa sa plano ko yun."

"Wala ka namang dapat alalahanin tungkol sa bagay na yan, tutulungan kita." sagot nito.

"Azura ayokong umasa sa parents mo, o sa yaman ng pamilya nyo... lalo na yung itutulong ko kay Mama at ate ayokong manggaling pa sa bulsa ng pamilya mo."

Ang buong akala ko ay hindi ako maintindihan nito pero ngumiti lang ito ng matamis.

"Fine. If that's what you want, for now habang hindi pa tayo kasal pag aralan mo nalang muna palakasin yang stamina mo." nakangisi nitong sagot.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon