FIFTY

11.5K 401 25
                                    

Azura's POV:

"She's my girl friend, at dadaan ka muna sa'kin bago mo s'ya mapilit makipag usap sa'yo."

Ramdam ko ang pagsilakbo ng galit sa loob ko dahil sa sinabi nito.

"Are you kidding me?!" asik ko dito.
"Livvy! Ano bang pinag sasabi ng babaeng to?!" Baling ko kay Livvy.

Pero wala akong makitang kahit na anong reaksyon dito.

"Kai, halika na." muling sabi nito sa babaeng kaharap ko.

At talagang di nya pinansin ang mga sinabi ko.

Agad na tumalima dito ang babae at sinundan ang papalayong si Livvy.

Aarrrggg! How dare she speaks to me like that?! Hindi nya ba ko kilala?!

Hindi ako naniniwalang girlfriend sya ni Livvy, I know she's pretty pero hindi ganyan ang pag kakakilala ko kay Livvy. Alam kong nag kukunwari lang sila.

"Azura..." narinig kong tawag sakin ni Bren.

Nawala sa isip ko na kasama ko nga pala s'ya ngayon.

"Just calm down... saka mo nalang s'ya kausapin kapag wala sa paligid yung nag ngangalang Kai." payo nito.

"Nakakainis ang babaeng yun! Sino ba s'ya sa tingin nya?!" nanggagalaiting wika ko.

"What happened?" bigla ay sulpot ni Devyn mula sa likuran.

"I think she's jealous..." bulong ni Bren dito.

"I can hear you Bren." sabat ko saka ito sinamaan ng tingin.

"Kanino kaba nag seselos at di na maipinta yang mukha mo?" Curious na tanong ni Devyn sa'kin.

"Saka ko na sasabihin kapag nakita ko s'ya ulit, at kapag nangyari yun sisiguraduhin kong pag sisisihan n'yang nakilala n'ya ko. Bwesit sya!!" nanggigigil na sabi ko.

"Naku po! Mukhang ginalit nya talaga si Azura, bakit nung tayo di ka naman nag selos ng ganyan?" sambit ni Bren.

Sinamaan ko s'ya ng tingin matapos sabihin yun, halata naman kasing nang aasar lang s'ya.

But somehow tama s'ya hindi pa ko nag seselos ng ganito ka tindi.

"Mabuti pa kumain nalang tayo sa cafeteria baka sakaling lumamig yang ulo mo." sambit ni Devyn.

"Kaso mukhang nandun rin ata yung babaeng kinaiinisan n'ya." sabat ni Bren.

Oo nga naman ba't di ko naisip yun.

Napangisi ako sa iisiping muli kong makakaharap ang bruha na yun.

"Let's go guys." madiin na pag kakasabi ko.

"Azura, sa tingin ko mas maganda kung sa labas na muna tayo kumain." suhestiyon ni Devyn.

"She'll pay for this." sambit ko saka nag lakad ng mabilis papunta sa cafeteria.

Narinig ko na lamang ang mga yapak nina Devyn at Bren na nakasunod sa'kin.

Pag dating ko ng cafeteria agad na hinanap ng mga mata ko sina Livvy at yung bruhang Kai na yun.

"Hey!" mabilis na pigil sakin ni Devyn habang hawak ang balikat ko.

"Just calm down okay? Walang magandang maidudulot yang binabalak mo trust me." sabi pa nito.

"But Devyn... inaagaw ng babaeng yun si Livvy sakin."

"Just follow me and go with the flow, okay?" saad nito saka kumapit sa braso ko, at iginiya papalapit sa table nina Livvy.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon