FOURTY THREE

12.3K 452 98
                                    

Azura's POV:

Mabilis kong tsinek ang sarili ko sa salamin, napansin kong medyo nagulo ang buhok ko kaya agad ko iyong sinuklay gamit ang mga daliri ko.

Muli nanamang tumunog ang doorbell, kaya nag madali akong nagtungo sa pinto para pag buksan iyon. Laking gulat ko ng sumalubong sakin si Louise.

"What are you doing here?" Tanong ko dito.

Pero imbes na sagutin ako ay dire diretsyo itong pumasok sa loob ng unit namin.

"Where's Livvy?" Seryosong tanong nito.

"What? Yan ba ang ipinunta mo dito?" ganti ko.

"Yep, who else could it be?" sarkastiko nitong tugon.

"Wala s'ya dito." walang gana kong sagot.

"You can't fool me, nakita ko kayo kanina sa parking lot. Alam kong nandito sya."

"Ano bang kailangan mo sa kanya?" inis na tanong ko.

"What do you care? Jowa ka ba?" sambit nito na mas nag painis sakin.
"Oh wait malabo nga pala, ba't ko pa ba tinatanong yan... you don't want to repeat the same mistake na ginawa ng parents mo diba? That's your motto in life." dugtong pa nito na s'yang nag patigil sakin.

"T-that can be changed." mahinang sagot ko.

"Hmmm. What made you change  your mind?"

"Wala kana dun." sambit ko. "At pwede ba umalis kana." dugtong ko.

"Hindi ako aalis ng di kasama si Livvy." pag mamatigas nito.

"Ask her kung gusto nyang sumama sa'yo." sambit ko. "Liv." malakas na tawag ko dito.

Maya-maya lang ay lumabas na ito mula sa kwarto ko, napaka presko ng mukha nito. She's handsomely pretty no wonder kung ba't masyado ata akong na fall sa babaeng to.

Damn! I want to kiss her right now.

"Oh my Liv, I missed you so much." sambit ni Louise at agad na sinalubong ng yakap si Livvy.

Nag simula nanaman akong makaramdam ng inis dahil di man lang sya nagawang pigilan ni Livvy, at talagang hinayaan nya lang na yakapin sya ng matagal.

Naikuyom ko ang aking kamao para pigilan ang inis.

"P-papano mo nalamang nandito ako?" tanong ni Livvy dito saka lumayo sa pag kakayakap.

"I just followed my heart." nakangising sagot nito saka kumapit sa leeg ni Livvy.

Bitch!!!

Di ko napigilan ang sarili kaya agad kong hinila si Livvy papalayo dito.

"Are you jealous my dear cousin?" she asked smirking.

"Pwede ba umalis kana dito." inis na sabi ko dito.

"Okay fine, tara na Liv."

"Anong tara na? Pala desisyon ka at sino may sabing sasama sya sa'yo?"

"Kahit di ko itanong, I'm sure papayag s'ya ganyan ako kalakas sa kanya. Right luv?"

Pakiramdam ko ay nag si akyatan na ang dugo ko sa ulo dahil sa sobrang inis.

"S-sige, sasama ako pero p-pwede mo ba kami iwan saglit ni Azura?" saad nito.

Oh gosh ano to?! Pagkatapos may nangyari samin, iiwan nya ko at sasama sa ibang babae?!

"Yeah sure, wag ka mag tagal ha? Hihintayin kita sa harap ng condominium." saad nito.

Tumango lang ito bilang sagot, agad naman na lumabas ng unit si Louise.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon