TWENTY SIX

11.4K 455 156
                                    

Livvy's POV:

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng hawakan ni Miss Dev ang braso ko, mas lalo na nung ilapit nito ang mukha sakin.

Napakurap-kurap ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sakin, ang buong akala ko ay mahahalikan na 'ko nito. Ngunit may kamay na mabilis tumakip sa bibig ko.

Maya-maya pa ay minulat na ni Miss Dev ang mga mata nito ng makalayo sakin.  Saka nito napag tanto na hindi ang labi ko ang nahalikan nya, kundi ang likod ng kamay ng taong tumakip sa bibig ko.

Nang tignan ko ito ay ang namumulang mukha ni Miss Azura ang sumalubong sakin.

"What do you think you're doing Dev?!" mahahalata sa boses nito ang inis. "And you, Di mo man lang ba kayang umiwas?! Andaming nakatingin sa inyo oh!"

Nagpalinga-linga ako sa paligid at tama nga si Miss Azura, may mga iilang istudyante ang nakatingin samin may ibang nag bubulungan pa.

"So? Pakialam ko naman sa isipin nila samin? I don't care at all!" sabat ni Miss Dev.

"Let's talk outside." Saad ni Miss Azura, saka nito hinila ang kamay ko patayo.

Nakita ko namang sumunod si Miss Dev. Di na ko nag pumiglas pa dahil ramdam ko ang galit at inis nito, ang higpit ba naman ng pag kakahawak nya sakin ngayon.

Tumigil ito sa isang bench sa ilalim ng napakalaking puno, saka binitawan ang kamay ko at galit akong tinitigan.

Prenteng naupo naman si Miss Dev sa upuan, saka hinarap ang kaibigan.

"You know what Azura, hindi ako ikaw. Hindi ako mabilis maapektuhan sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sakin--"

"So, sinasabi mong masyado akong affected sa sinasabi nila sakin behind my back? Who wouldn't kung nag sasabi naman sila ng totoo." putol ni Miss Azura dito.

"Go back to our elementary days, You were known in the school as the kid with two moms, and you were bullied because of that--"

"Shut up Dev! Wala akong sinabing pag usapan natin ang tungkol sa pamilya ko, ang dapat na pinag-uusapan natin ay ang muntik mo ng ginawa kanina." bakas sa mukha ni Miss Azura ang galit ng banggitin iyon ni Miss Dev.

"Bakit hindi? Iyon naman ang dahilan kung bakit ka nagagalit ng ganyan diba? Yung iisipin ng ibang tao tungkol samin? Or baka naman nag--"

"Concern lang ako Dev, ayokong maranasan nyo pareho ang naranasan ko. Alam mong hindi madali para sakin yun." Sagot ni Miss Azura, saka ako tinignan.

"I know hindi madali para sa'yo yun, pero hanggang kelan mo hindi kayang tanggapin ang pamilya mo Azura? Di mo ba nakikita mahal ng parents mo ang isa't isa, baka nga hindi mo alam kung anong pinag daanan nila bago sila nag sama ngayon..."

Napatitig si Miss Azura kay Miss Dev pero saglit lamang iyon saka yumuko.

"W-wala akong ideya." mahinang sagot nito.

"Kasi ayaw mong alamin, matuto ka rin sanang buksan yang puso at isip mo. Wag kang makitid mag isip." Seryosong turan ni Miss Dev.

Lumapit ito kay Miss Azura at may kung anong binulong dito. Na agad ko ring ipinag taka dahil sabay nila akong tinignan.

"Maiwan ko na kayo, may klase pa ko." paalam nito saka tumalikod.

"Azura, kahit bestfriend kita. I can be your rival..." pahabol nito bago tuluyang makalayo.

"Miss Azura..." tawag ko dito.

Nakatulala lang kasi ito sa gawi kung saan dumaan si Miss Dev.

"Miss Azura." muli ay tawag ko dito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon