TWENTY FIVE

11.1K 466 174
                                    

Devyn's POV:

Kasalukuyan akong nag hihintay sa labas ng classroom ni Livvy. I don't know what's gotten into me at gusto ko syang i-confront dahil sa nakita ko kanina sa parking lot.

Alam kong kapag di ko 'to ginawa ngayon, ay buong araw akong gagambalain ng mga bagay na nasa isipan ko.

Ilang minuto rin akong nag antay bago ito lumabas ng classroom.

"Miss Dev?" gulat na mukha nito ang sumalubong sakin ng makita ako.

"Hi." tipid kong bati dito.

"May kailangan po ba kayo?" nakangiti nitong tanong.

Bahagya kong nakagat ang inner lip ko dahil sa tanong nito.

Damn it! Bakit ngayon pa umurong ang dila ko.

"I... I just want to ask kung vacant time mo na ba?" pag sisinungaling ko.

Pumunta ako dito at buo ang desisyon na tanungin sya tungkol sa ginawa nitong pag halik kay Azura.

Ng maalala ang imaheng yun, bigla akong nakaramdam ng mumunting kirot sa puso ko.

"Opo mamayang 11am pa po ang next class ko, bakit po Miss Dev?"

"You might want to join us sa cafeteria..." I continued.

Bigla itong natahimik, nakita ko sa mga mata nito ang hesitation.

"Please..." usal ko.

Pumayag kana para mag karon pa ko ng oras para itanong sa'yo yung mga bagay na gusto kong tanungin.

"S-sige po." parang napipilitan na sagot nito.

"Let's go." aya ko dito at nag patiuna na sa pag lalakad, ramdam kong nakasunod lang ito sa likod ko kaya medyo binagalan ko ang pag lalakad ko.

"Thank you nga pala..." sambit ko dito ng maalalang di pa pala ako nakakapag pasalamat sa pag comfort nito sakin last night.

I just broke up with my boyfriend... Correction ex-boyfriend that night. Nahuli ko kasi syang may kalandian sa messenger, napansin ko ang pag react nito ng heart sa almost nude photo na sinend sa kanya nung girl. Kaya mabilis kong kinuha ang phone n'ya, alam kong di siya makapag react ng maayos dahil nasa harap kami ng mga kaibigan namin. Nag backread ako sa convo nila ng kachat nyang girl, at mas lalo akong nagalit ng mabasa ko ang chat nito sa babae na...

I love you gorgeous.

Like what the hell?!

Di ko napigilan ang pagtaas ng boses habang nasa restaurant kami, kaya nakaagaw kami ng iilang atensyon.

Nakaramdam marahil ng hiya kaya inaya ako nitong makipag usap sa kanya sa labas, na agad ko rin namang pinaunlakan. Dahil ang totoo ay gigil na gigil akong hiwalayan sya.

I can't believe na kayang kaya nyang mag loko sakin, just because di ko sya mapag bigyan sa kama. And his only reason is... Lalaki lang sya at may pangangailanan.

I really thought his different, pareho lang din pala sya sa ibang lalaki.

"Your welcome Miss Dev, kahit sino naman po ay gagawin yun." Nakangiti nitong tugon.

When we entered the cafeteria agad na hinanap ng mata ko sina Azura, pansin kong nakatingin ito sa gawi namin, no... sa tingin ko ay kay Livvy lang.

Hindi ko rin alam kung anong nakain ko at bigla kong hinila ang braso ng katabi ko saka hinila palapit sakin. Bahagya pa itong nagulat dahil sa ginawa ko.

I saw how Azura's mood changes, matapos kong gawin iyon. Ang sama kasi ng titig nito sa katabi ko at lalong lalo na sa braso naming nakalingkis.

Wait! Don't tell me... she has a thing for Livvy?!

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon