FOURTY SEVEN

11.3K 390 90
                                    

Livvy's POV:

Nagising ako dahil sa ingay na nag mumula sa cellphone ko.

"Shit!" mahinang mura ko ng maramdaman ang pag kirot ng ulo ko ng bigla akong bumangon mula sa pag kakahiga.

Ito na marahil ang tinatawag nilang hangover. Muli nanamang nag ingay ang cellphone ko, kaya agad ko iyong kinuha para sagutin.

"Hello?" sagot ko at di na nag abala pang tignan ang caller ID ng tumatawag.

"Hoy! Livvy nasan kaba ngayon?"
bulyaw sa'kin ng nakakatanda kong kapatid.

"Nakitulog ako sa kaibigan ko." sagot ko dito.

Inilibot ko ang paningin ko lalo na ang kabuuan ng kama na hinihigaan ko, good thing dahil mag-isa lang ako. Wala pa naman akong masyadong maalala sa mga nangyari kagabi.

"Nandito si Azura at Devyn ngayon, nag aalala rin sila kung nasan ka."

Parang bigla akong nabingi dahil sa unang sinabi nito.

Teka! Ba't nandun si Azura at Devyn?!

"Papano nila nalaman na wala ako sa bahay?" nagtatakang tanong ko.

"Tinext ko kasi si Devyn kanina at tinanong ko kung nandun kaba sa kanila. Dahil nag aalala rin ako, di ka rin naman nag papaalam tsaka kagabi ka pa di nag rereply. Kala ko naman kung napano kana. Maging sila ay nag alala rin kaya siguro basta nalang napasugod dito."
Dire-diretsyong paliwanag nito.

"Sinong kaibigan ba ang tinutukoy mo?" muli ay pang uusisa nito.

"Later ate explain ko sa'yo, uuwi na rin ako maya-maya." sagot ko dito.

Baka kung ano pa ang isipin ng dalawa kapag nalaman na si Louise ang kasama ko. TH pa naman ang dalawang yun.

"Bilisan mo ha? Hihintayin ka raw nila." bilin pa nito.

"Sige ate." sagot ko.

Hanggang sa nag end call na sa kabilang linya.

Nag madali akong tumayo mula sa kama, ngunit halos mapamura ako ng mapagtantong wala akong ibang suot kundi ang underwear ko lang.

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi, ngunit lalo lang sumakit ang ulo ko ng piliting alalahanin ang mga posibleng nangyari kagabi.

Oh my gosh! Ano ba talaga ang nangyari? At bakit wala akong damit?! Di naman siguro ako gumawa ng isang bagay na pag sisisihan ko ano?! Shit! Shit!

Hinanap ko ang mga damit ko ngunit hindi ko iyon makita, kinuha ko nalang ang bathrobe na naka sabit sa loob ng banyo ni Louise matapos mag hilamos saka nag madaling lumabas ng silid nito.

Mabigat ang mga paang nag lakad patungo sa kusina kung saan ko nakita si Louise na kasalukuyang nag hahanda ng breakfast.

"Good morning." masayang bati nito sa'kin ng mapansin ang presensya ko.

"G-good morning." naiilang kong sagot.

"Maupo kana, para makapag breakfast na tayo." paanyaya nito.

"Ahmm Louise before that, can I ask you if ano ba ang nangyari kagabi?" kinakabahang tanong ko.

"Oh! Too bad di mo maalala." sambit nito.

"M-may ginawa ba ko?"

"You and I...." pa suspense na sagot nito. "Made Love last night."

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

"A-ano??!" di makapaniwalang tanong ko.

"That's true, may nangyari satin. And kailangan mo kong panagutan." seryosong sagot nito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon