Livvy's POV:
Rumihistro sa mukha ni Miss Azura ang pag kagulat. Sino ba naman ang hindi? Maging ako ay nagulat rin sa ginawa ni Miss Devyn.
Saglit na nag palipat-lipat ito ng tingin samin, pag katapos ay mataman ako nitong tinignan.
Ang awkward...
"K-kailangan ko na pong umalis." Paalam ko sa dalawa hindi ko kasi matagalan ang mga titig ni Miss Azura.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero I can see the pain in her eyes.
It's like she's hurting inside.
Di ko na hinintay ang sagot ng dalawa tumayo na ako, umalis naman sa pag kakaharang sa pinto si Miss Azura at binigyan ako ng daan.
Tahimik akong umalis, at di na nilingon pa ang dalawa.
Grabe parang andaming nangyari sa araw na to.
Di pa ako tuluyang nakakalabas ng clinic ng maalala ko ang cellphone ko. Sa pag kakaalala ko ay inilapag ko iyon sa inuupuan ko kanina habang gigamot ako ni Miss Devyn.
Biglang namang sumagi sa utak ko... Yung nangyari kanina sa loob ng silid.
Wala sa sariling hinawakan ko ang sariling labi.
Ganun pala ang pakiramdam ng mahalikan... ang lambot.
Pilit ko iyong binura sa isipan, ng maalala kong mali iyon dahil may boyfriend nga pala si Miss Devyn.
Muli kong tinahak ang daan pabalik sa secret place ni Miss Devyn para kunin ang naiwan kong cellphone.
Ng makarating sa tapat ng pinto, hahawakan ko na sana ang doorknob ng may marinig akong tila nag uusap or let's just say nag tatalo, medyo nakaawang kasi ang pinto at hindi iyon nakasara. Kaya rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila, ayoko sanang maki osyoso lalo na kapag pribado ang pag uusap. Pero narinig ko kasi ang pangalan ko... Kaya hindi ko maiwasang pakinggan ang pinag uusapan nila.
"Dev, are you out of your mind?!" galit na tanong ni Miss Azura.
"Hindi ko naman sinadyang halikan sya, nadala lang ako sa--"
"That's bullshit Dev, may boyfriend ka. So ano? Your cheating dahil sa babaeng yun?"
"Of course not, t-that kiss it meant nothing to me." narinig ko pang sagot ni Miss Dev.
Sabagay, wala lang naman talaga yun for her. Kasi may boyfriend sya, nag karon lang ng something sakin yun kasi first kiss ko yun.
"Really? Kasi up until now nag dadalawang isip ako kung straight ka pa ba o hindi?" boses iyon ni Miss Azura.
"What do you mean? That I might be gay?" di makapaniwalang tanong ng isa. "How dare you compare me with your fami--"
"Shut up Devyn! Labas dito ang family ko... Do you think I have no idea that you brought her here twice?"
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...