Dedicated to: shynerd25
Thank you sa napaka gandang ideya! 😁😊Devyn's POV:
"Tutuluyan na talaga kita!" I think it was Azura's voice na parang naiinis na sa kausap."Miss naman, ang sadista mo!" Reklamo ng kausap nito na sa tingin ko ay si Livvy.
Natatakpan kasi sila ng kurtina ng clinic na nag sisilbing divider ng mga bed na naroroon.
Ganyan kasi s'ya makipag usap lalo na kapag pikon na s'ya or yung tipong naiinis na, I know her so well mag bestfriends na kasi kami ever since. Mag bestfriend rin kasi ang mga mommies namin kaya lagi ko itong nakikita at nakakasama. Parang di kasi mapag hiwalay ang both parents namin, kahit sa business ay mag partner silang dalawa.
At first hindi ko talaga makasundo si Azura lalo na nung nag kamuwang kami, dahil tahimik lang ito at tila ayaw makipag usap sa mga batang kagaya namin. Pero kalaunan ay napag alaman ko rin kung bakit ayaw n'yang makipag kaibigan kahit na kanino, at hanggang ngayon ay ganun pa rin naman s'ya. Kinukulong n'ya ang sarili sa mga taong tanging pinag kakatiwalaan nya lang, at isa na ako dun.
Sa lahat ng taong nakilala ko si Azura ang pinaka magaling magtago ng totoong nararamdaman, kung hindi mo s'ya lubusang kilala hindi mo malalaman kung ano talaga ang totoong ugali nito at kung totoo ba ang pinapakita n'ya sayo.
Aminado naman akong maarte ako, masungit at namimili lang ng taong kakaibiganin. Kaya nga siguro mag kasundo kami ni Azura dahil pareho kami pag dating sa bagay na yun. These day's kasi hindi lahat ng taong nakangiti sa harap mo ay totoo sayo at pwede mong pag katiwalaan, that's what I learned in life.
"Paanong hindi?! Kung anu-ano yang pinag sasabi mo, sinabi ko na nga sayo na hindi nga 'ko inlove sa kanya!" muli ay tugon nito sa kausap.
"Kanino ka inlove?" singit ko ng makalapit na sa kinaroroonan nila.
Ang weird lang dahil para silang nakakita ng multo ng makita ako.
"N-nothing!" mabilis na sagot ni Azura na s'ya namang ikina kunot ng noo ko.
"Narinig ko kaya, are you hiding something from me?" may pagtatampo sa boses ko.
Naturingan pa naman akong bestfriend nya tapos wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya.
"Wala no! Ano namang itatago ko sayo? Parang sira kasi tong babaeng to sarap tuluyan." inis nitong tugon at tinignan ng masama ang nakasandal na si Livvy.
"Bakit naman?" tanong ko, at palipat-lipat ng tingin sa dalawa.
Pansin ko rin kasi ang pagiging uncomfortble ni Livvy na labis ko ring ipinagtaka.
"Papano ba naman kasi, sabihin daw bang inlove ako sa Marco na yun." Paliwanag nito.
Saglit na napatingin dito si Livvy, na tila nagulat pa sa naging sagot ni Azura.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...