Livvy's POV:
Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harap ng malaking gate, kung saan namamasukan bilang kasambahay ang aking ina.
Nagulat ako ng may bumusina sa likuran ko, awtomatiko akong gumilid ng makita ko ang itim na kotse na nakaharap sa mismong gate.
Napansin ko rin ang unti unting pag bukas ng malaking gate, at ang pag labas ng isang lalaki na nakasuot ng puting uniporme.
Bumukas ang driver seat ng sasakyan, at lumabas dito ang isang magandang babae na ngayon ay nakasalubong ang kilay at bakas sa mukha nito ang pag kairita. Saka naman pumasok ang lalaking naka uniporme sa loob ng sasakyan.
"Ba't ba haharang harang ka sa mismong harap ng gate?! Sino ka ba?" Galit na bulyaw nito.
"S-sorry po, gusto ko lang po sana i confirm kung ito po ba ang bahay ng mga Alvarez?" Tanong ko.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo nito.
"Oo dito nga. Bakit anong kailangan mo?" Masungit pa rin nitong tanong.
"Pinapapunta po kasi ako dito ni Mrs. Alvarez." Sagot ko.
"Tungkol naman saan?"
"Actually hindi ko rin po alam, kung bat ako pinapapunta dito ni Mrs. Alvarez." Sagot ko.
Di ko rin kasi talaga alam ang totoo dahilan kung bakit ako nito pinapapunta. Sabi lang rin ni Mama, malalaman ko rin daw ang rason kung pupunta ako.
Tinignan muna ako nito mula ulo hanggang paa, nakita ko pa ang pasimpleng pag taas ng kilay nito.
Anak marahil ito ni Mrs. Alvarez base sa postura nito ay di maipag kakailang mula ito sa mayamang pamilya. Kaso nga lang mukhang mata pobre, at di mo man lang makitaan ng kabaitan.
"Okay then, follow me." Masungit na utos nito.
Agad naman akong sumunod sa likuran nito. Ngunit bigla itong tumigil at muli akong hinarap.
"And please keep your distance, di kita ka level." Mataray pang saad nito saka ako tinalikuran.
Sabi ko nga, mata pobre. Hay!
Ng makapasok kami sa loob ng bahay, agad kong nakita si Mama. Pasimple ko itong nginitian, gumanti rin ito ng tipid na ngiti at sumenyas na mag antay lang saglit.
"Yaya Lan! Do you know her?" Tanong ng mataray na babae kay Mama.
"Opo Ma'am Devyn, anak ko po sya si Livvy po." Sagot ni Mama.
Nakita kong bahagya itong nagulat pero bumalik rin agad sa pagiging mataray, muli nanaman kasing tumaas ang kilay nito.
"What is she doing here anyway?" Muli ay tanong nya.
"Gusto raw po kasi syang makausap ng Mommy nyo."
"About what?"
"Hindi ko rin po alam Ma'am Devyn."
BINABASA MO ANG
𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
RomanceGustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nyang tumigil. Luckily willing siyang tulungan ng mga Alvarez, kung saan matagal na naninilbihan ang ka...