FIFTY FIVE

12.6K 441 29
                                    

Livvy's POV:

"I hate you..."

Narinig ko pang sambit nito.

Para tuloy dinurog ng pino ang puso ko dahil sa inasal nito, kahit na 'i hate you' ang narinig ko mula dito ay iba ang nararamdaman ko.

Livvy, nag aassume ka nanaman! Gusto ka n'ya, Oo pero hindi ka nya mahal. sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

"I'm sorry..." ulit ko dito habang hinahaplos ang buhok nito na ngayon ay nakayakap pa rin sa tiyan ko.

Pero bigla akong natigilan at napakagat sa lower lip ko paano ba naman kasi bigla nalang nag ingay ang tummy ko senyales na talagang kumakalam na ang sikmura ko. Napaangat naman ng tingin sa'kin si Azura kaya nginitian ko ito ng hilaw dahil sa pag kapahiya.

"Kumain ka na nga, nag rereklamo na yang tiyan mo eh." sabi nito na tila pinipigilan pa ang sarili na wag matawa.

Sumilay tuloy ang mumunting ngiti sa maganda nitong mukha na ang sarap titigan. Di ko na napigilan ang sarili ko, yumuko ako sa harap nya para mag pantay ang mukha namin and give her a quick peck on the lips na sya namang ikinagulat nya.

"Sorry, can't help it. Mas lalo ka kayang gumaganda lalo na kapag naka ngiti ka." turan ko saka bumalik na sa upuan ko.

Ng muli ko itong tignan bakas pa rin ang pamumula ng mukha nito dahil sa ginawa ko.

"Livvy!" sita nito sakin.

"Ano?" natatawang sagot ko dito.

"Wag mo nga akong titigan wala sa mukha ko ang pagkain." iwas tingin na sagot nito.

"Suus! Nahihiya ka lang tignan kasi pulang pula na yang mukha mo." panunukso ko pa dito at mas lalo ko pang nginisihan.

"Ayaw mo tumigil?" banta pa nito.

"Oo na, titigil na parang magiging kamatis kana sa sobrang pula ng mukha mo eh." sagot ko dito at iniwas na ang tingin sa kanya.

Nakangiti tuloy ako habang kumakain.

Letse naman kasi ako lang ata kinikilig sa mga pinag gagawa ko.

Palihim ko itong sinisipat ng tingin, bahagya itong nakayuko habang kumakain. At ng mag angat ito ng tingin agad akong umiwas baka mahuli nya kong nakatitig sa kanya ma bato pa ko nito ng kutsara.

After naming kumain nauna na itong pumasok sa silid at ako naman ay nag paiwan para mag hugas ng pinagkainan. Mabilis ko iyong natapos dahil iilan lang naman iyon, matapos kong mag hugas nag tungo na ko sa sarili kong kwarto. Kumatok muna ako bago pumasok, baka kung ano nanamang tukso ang makita ko kapag bigla bigla nalang akong pumasok.

"Come in." tugon ni Azura na nasa loob.

Pinihit ko ang doorknob para buksan ang pinto, nakita ko itong nakaupo ngayon sa gilid ng kama habang pinapatuyo ang buhok gamit ang towel na hawak.

"You okay?" tanong ko dito.

"Medyo nahihilo lang." tipid na sagot nito.

"Magpahinga kana." sabi ko dito saka kinuha ang isang unan at kumot sa ibabaw ng kama.

Plano ko kasing matulog nalang sa sala, ayoko kasing makatabi sa iisang kama si Azura dahil baka di ako makapag pigil charoot! Hindi, baka kasi kung ano nanamang kalokohan ang pumasok sa isip nun. Mahirap na baka sumakit lang puson ko, ayoko rin na may mangyari ulit samin na hindi nya naman talaga ako mahal. Ayoko nun.

"C-can you stay here? Kahit saglit lang." pigil nito sakin habang hawak ang braso ko.

"Bakit?" tanong ko dito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon