03

447 5 0
                                    

"Bakit ganyan ang grado mo ashley!" Sigaw ni daddy sa akin habang asa tabi siya ni mommy na tapos na ang midterms namin pinag hirapan kong mag review ng sobra halos hindi na ako matulog.

"Bakit may 1.25?! Bakit hindi mo pa ginawang uno lahat!" Sigaw muli ni daddy.

"Pinayagan kita mag tourism tapos ganyan ang gradong ibibigay mo! Ayusin mo iyan ashley kundi ililipat na kita sa business ad!" Huling sigaw niya tska sila umalis ni mommy.

Gusto ko umiyak pero bakit ako iiyak? Mababa naman talaga may 1.25 ako pero yung iba uno na siguro hindi pa sapat ang ilang araw kong puyat.

Umakyat ako sa kwarto ko na iniisip ko ano ba ang nagawa ko bakit 1.25 lang ang nakuha ko sa subject na iyon minor lang naman iyon, matapos ko mag half bath tumawag si mark.

"Hi, Bakit sad?" Bungad niya.

Umayos ako ng higa bago ko mag salita.

"May 1.25 ako kaya na galit si dad." Malungkot kong saad.

"HA! 1.25?! 94 to 96 ang equivalent nun! Pota ako nga walang ganyan puro tres!" Gulat siyang humarap sa cellphone niya halatang katatapos lang din niya mag half bath.

"Hindi ko nga alam bakit may ganoon ako maayos naman exam ko roon at nag pa pasa naman ako." Nag tataka talaga ako bakit ganoon lang hindi naman sa ayoko ng 1.25 mataas na nga iyon pero kasi ayaw ni daddy kaya dapat ayaw ko rin.

"Haynako! Mataas na ang 1.25 baka sadyang hanggang doon lang ang kinaya mo pero mataas na iyon, Wala nga akong ganoon." Saad niya sa seryosong tono.

"Kain na lang tayo dali huwag ka na sad! Bigyan kita chocolate bukas madami." Maligalig niyang sabi.

"Sige ha kapag hindi mo ako binigyan isusumbong kita kay layla." Nabago ang mood ko dahil sa chocolates, hilig ko iyon.

Matapos namin kumain nag laro lang ulit kami wala sila mom and dad malamang asa work na naman.

Kinabukasan inantay ako ni mark sa gate ng school lagi iyan siya na nag hahatid sa akin sa room.

"Ito na chocolate mo huwag na sad ha!" Saad niya matapos iabot sa akin ang paper bag na puno ng chocolate tila kuminang ang mata ko sa dami.

"Wahhh! Thank you!" Yinakap ko siya ng mahigpit sa sobrang tuwa ko.

Nung humiwalay ako sa yakap ay kumuha agad ako ng chocolate, Mag lalakad na sana ako kaso si mark nakatulala pa roon.

"Hoy! Tara na mali-late ako!" Hinatak ko ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko dahil asa kanan ang paper bag.

Hindi ko alam kung bakit siya nanahimik himala iyon natulala pa hindi kaya gusto niya rin ng chocolate?

"Gusto mo ba ng chocolate pwede kita bigyan pero isa lang ha." Saad ko kaya napatingin siya sa akin at sa kamay kong nakahawak sa kamay niya hindi ko inalis kasi ang lambot ng kamay niya at tsaka baka hindi na naman siya mag lakad.

"Ayoko para sa'yo iyan eh." Ngiti niyang saad at hinigpitan ang hawak sa kamay ko tska muli kami nag lakad patungo sa room ko.

Siya ang laging nag hahatid sa akin kapag uwian naman pinipilit niyang mag sabay kami kahit may sundo ako dahil minsan mag ka iba kami ng sched.

"Bye na!" Paalam niya matapos ako yakapin asa tapat na kami ng room ko.

"Ba-bye!" Maligalig kong ikinaway ang kamay ko sa kanya tska pumasok.

Tumabi agad ako kay janine siya ang lagi kong kasama kilala ko naman ang iba kaso mas magaan ang loob ko sa kanya kaya hindi na ako humiwalay sa kanya.

"Hi, Gusto mo chocolate?" Tanong ko pag upo ko naka hoodie na naman siya naka earphone na parang may sariling mundo.

Hindi niya ako narinig kasi nga naka earphone kaso baka pag tinanggal ko magalit kaya ang ginawa ko inilagay ko ang mukha ko sa harap ng mukha niya nakita ko ang pag laki ng mata niya at pag ka pula ng pisngi niya.

"A-andyan ka na pala!" Gulat niyang inilayo ang mukha niya sa akin kaya na upo na ako.

"Gusto mo chocolate?" Tanong ko muli sa kanya.

Umiling lang siya at ngumiti tska sinalpak uli ang earphone ganyan talaga siya.

Ilang oras ang lumipas ng na tapos ang klase halos gusto ko na lang mahiga sa sobrang sakit ng likod ko.

"Janine, una na ako sabay ka ba?" Nag aayos na ako ng bag ko para makauwi na malamang andyan na si kuya bert ang driver ko.

"Hindi na, Ingat ka!" Saad niya.

"Ok Ba-bye!" Ikinaway ko ang kamay ko matapos buhatin ang bag ko wala si mark maya pa ang uwi yung iba naman maaga umuwi minsan lang mag tagpo ang sched naming barkada.

Habang pababa ako kumain ako ng chocolate ulit halos nakalahati ko na ito kumakanta pa ako habang kumakain kaya natitingin sa akin ang iba pero hinayaan ko na baka gusto lang din nila ng chocolate hindi na ako pwede mamigay dahil mauubos madami sila eh.

Pag uwi sa bahay wala sila mom and dad malamang asa work nag linis ako ng katawan at na tulog 5pm pa lang naman kaya maaga pa para sa dinner tska 6 pa ang uwi ni mark.

Ngunit na gising ako sa sigaw ni mommy.

"Ano ashley puro ka tulog! Wala ka bang assignments!" Hudyat na iyon upang bumangon ako bakit ba siya nagagalit agad kung may assignments naman ako iyon ang uunahin ko bago matulog.

"Wala po." Sagot ko tska kinusot ang mata ko, 6pm na.

"Kaya nagagalit ang daddy mo sa'yo hindi mo inuuna ang gawain mo!" Iniwan niya ako matapos sabihin iyon.

Pero wala naman kasi talaga akong gawain kaya na tulog ako, Minsan iniisip ko sino ang mali ako ba o sila pero dahil mas matanda sila. Sila ang laging tama.

Kinuha ko ang phone ko tska tinawagan si mark dahil naka limang tawag siya sa messenger at lima sa phone.

"Sorry nakatulog ako." Saad ko pag sagot niya.

"Nagising ba kita?" Tanong niya halatang kauuwi lang niya.

"Hindi naman mag half bath ka muna." Sinangayunan niya iyon kaya binaba niya muna ang tawag.

Kumain ulit ako ng chocolate para hindi na ako malungkot dahil kay mommy natatakot din ako na baka mag ka 1.25 na naman ako sa finals namin medyo matagal pa naman pero nakakaba pa rin ayoko sa business ad gusto ko talaga ang tourism.

Matapos naming kumain ni mark hindi na kami nag laro dahil na galit si mommy sa akin na  puro ako cellphone buti at hindi na rinig ni mark iyon kaya nag-aral na lang ako matapos kumain sinabi ko na lang kay mark na may gagawin ako.

Iyon ang gusto ni mommy at daddy mag aral ako ng mag aral hindi sa nag rereklamo ako dahil para sa akin din naman iyon pero kasi kaya nga may bahay para mag pahinga kaya may school para roon mag aral.

Ngunit hindi ko na mahanap ang pahinga ko sa sarili naming bahay at sa sarili kong kama.










My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon