"Hindi nga kapatid namin iyan? Ginagawang tubig niyan ang alak!" Ani ni ajax.
Oo itong kambal na ito ang sinasabi nilang kapatid ko si ajax at si apollo na kaibigan ni janine na nakasama namin sa bar ang may ari mismo ng bar.
Hindi lang iyon, Mas malala kung sino ang tatay ko hanggang ngayong asa hapag kainan kami hindi pa rin ako makapaniwala.
Pag kita niya sa akin kanina ay yinakap niya ako at umiyak siya habang itong dalawang mag kambal naka nganga lang.
"naniniwala na ako sa lukso ng dugo akala ko crush kita gaste iyon pala kapatid kita!" Ani ni apollo.
Napangiti si dad doon alam niyo sino ang tatay ko?
PRESIDENTE LANG NAMAN NG PILIPINAS! OO PRESIDENTE!!!
Iniisip ko tuloy kung na galit ako sa presidente na ito hindi naman, dahil hindi ako nanonood nang balita. pero binoto ko siya dahil nga mabait siya matulungin nagagampanan ang dapat magampanan.
Mr, William john finley, Iyan ang buo niyang pangalan jusko pangalan pa lang pang mayaman na.
Habang ang dalawang kambal naman ay nag panggap lang na ajax at apollo dahil nga itinatago nila ang pagkakakilanlan nila dahil ayaw nila ng attention nang iba bilang anak ng presidente.
Ang totoong pangalan ni ajax ay Hunter elias finley siya raw ang panganay sa kanila lamang lang naman ng minuto, si apollo naman ay Braxton wesley finley.
" You're so pretty anak, Ilang taon akong nangulila sa'yo." Ani ni dad kaya napatingin ako sa kanya.
Tignan niyo iyang dalawang kambal na 'yan aapila na naman.
"luh,Parang nakakasakit ka masyado dad ha andito kami." Ani ni ajax i mean hunter or should i say kuya dahil matanda sila sa akin ng dalawang taon.
"Dad, nako ginawa niyang tubig ang alak!" Gatong ni apollo na si braxton.
Inirapan ko siya pa epal talaga. Nakakahiya naman pero alam kong naiintindihan niya ako dahil sinong hindi lalaklak nang alak ikaw ba naman iwan ng mahal mo.
"Kayo ngang dalawa huwag niyong inaano si baby ash." Pag sabi ni daddy ng baby ash ay parang napunan ang kulang sa puso ko.
"Awit sa'yo dad, Dati ako ang tinatawag mong baby!" Pag mamaktol ni braxton.
Natawa naman si mom at dad doon.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ako makapaniwala na tatay ko talaga ang presidente pero oo nga kamukha ko siya gaya ng sabi ni mom.
Matangos ang ilong kulay brown na mata maputi bakit hindi ko napansin na mag kaiba kami ng itsura ng peke kong ama, Sabagay lagi naman wala sa bahay iyon.
Matapos kumain inaya ako ni dad habang ang kambal naman ay ayaw ng humiwalay kay mommy umiyak pa si mommy nung sinabing hindi naman sila galit kunwari lang daw baka raw may chocolate siyang ibibigay isip bata si braxton habang si hunter dahil panganay matured pa pero kung makalingkis kay mom ay para ring sanggol.
Tumungo kami ni dad sa balcony.
Pag upo roon ay niyakap agad ako ng malamig na hangin ang ganda ng buwan ang daming bituin.
"Sorry, anak." Paunang ani niya kaya napaharap ako sa kanya.
Ngumiti ako....
"Para saan dad?" Tanong ko na gulat pa siya ng tinawag ko siyang dad dahil ito ang unang beses.
Nagulat ako ng umiyak siya potek baka barilin ako ng body guards nito dahil pinaiyak ko shoot! Ashley pinaiyak mo ang presidente baka buhay ko ang kapalit sa luha nito.
"OMG, Huwag ka po umiyak baka barilin ako ng mga body guards mo dad naman." Saad ko habang nag aalalang inaalo siya tinitignan ko pa ang paligid mamaya may nakatutok nang baril sa akin.
Natawa siya, Pucha may sayad ata tatay ko eh iiyak tapos tatawa.
"Hindi nila gagawin iyon anak kita." Ani niya.
"Gusto ko humingi ng tawad dahil ilang taon akong wala sa tabi mo." Saad niya habang nag pupunas ng luha.
"Okay lang po iyon bawing-bawi naman po kayo sa pag takas sa akin sa kasal na iyon." Saad ko tska uminom ng juice.
"Kahit hindi mag makaawa ang nanay mo sa akin ay kukuhanin talaga kita roon, Ayokong maranasan mo ang ganoong klaseng sistema." Ani nito.
"Sa tingin niyo po ba makakabalik pa ako sa pinas?"
Tanong ko sa kanya ang siraulong christopher na iyon kasi e nag sisimula ng hanapin ako, naiinis ako sa kanya sa ginawa niya kay mommy kung alam kong sinasaktan niya ito edi sana noon pa lang lumaban na ako!
"Oo naman anak kami ng bahala ng mom mo roon kay christopher." Saad niya.
"Ay dad may tanong ako." Saad ko alam mo gusto ko to itanong kanina pa makatitig kasi sa nanay ko ito akala mo tutunawin eh.
"Mahal mo pa si mom ano." Ani ko na nanunukso.
"Akla ko ba dean's lister ka anak hindi mo alam ang kaibahan nang tanong sa paratang agad hahahahaha." Natatawa iyang saad.
"Haynako dad eme lang iyon! Para hindi ako makapunta sa business ad yaw ko roon no gusto ko kaya maging Flight attendant at piloto." Saad ko saktong may dumaan na eroplano kaya napatingin ako roon.
Kailan ko kaya matutupad iyon.
"Alam ko, halos maging stalker mo ako anak ayoko lang talagang lapitan ka dahil nga baka hindi kapa handa tska nirerespeto ko ang plano ng mom mo." Saad niya.
"Kaya bago pa mag makaawa ang nanay mo sa akin ay nag plano na ako sa gagawin kong pag takas sa'yo bawal naman ako manggulo roon dahil ang apilyido na dala mo ay sa kanya wala akong katunayan na anak kita kundi ang parehas nating mukha ayoko kumilos ng agad-agad."
"Sakto namang tumungo ang nanay mo sa akin at nag mamakaawa siya nung una nagalit ako dahil ang tagal niya bago nanghingi ng tulong sa akin ang tagal bago niya ako balikan." May bahid ng lungkot sa boses nito.
"Ngayon mas kaya ko na siyang ipaglaban hindi gaya noon na wala akong maipagmamalaki sa magulang niya ngayon kaya ko na siyang pakainin sa favorite niyang fast food na KFC noon kasi pang fishball lang ang budget ko, Pag mamahal lang talaga ang lubos kong naibibigay sa kanya." Napatingin ako ng tuluyan kay daddy.
"Ngunit natatakot ako na baka hindi na kami parehas ng nararamdaman baka ako na lang ang nag mamahal baka tapos na siya sa pag mamahal sa akin baka ako na lang ang na iwan at naka alis na siya."
"Don't worry dad ako bahala sa'yo sus si mom pa marupok iyon huwag ka mag alala." Tumayo ako pata mayakap siya sinuklian naman agad niya iyon at hinalikan ang noo ko.
"Babawi ako sa'yo anak." Bulong nito.
"I love you."
Hindi ko alam bakit biglang tumulo ang luha ko noong sinabi niya ang salitang I love you, siguro dahil ngayon lang ako nakatanggap nang I love you mula sa ama ko.
Ang saya sa puso.....
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21