48

86 0 0
                                    

"Hindi porket ikaw may ari ng airline ay dapat late ka na." Nang aasar na saad ni calvin matapos ako yakapin hinalikan naman ako sa pisngi ni layla at maxine at niyakap nang mga boys.

Pinagitnaan na ako ni layla at maxi tska nag lakad.

"Yieee, Sinundo..." asar ni layla na kiniliti pa ako.

"Kayo na uli?" Tanong naman ni maxi.

"Luh, Issue kayo! Sinundo lang eh." Ani ko.

Pag sakay sa eroplano ay kanya-kanya nang hatak ang boys nang katabi nila si mac na hinatak si layla si dave na hinatak si maxine.

"Tangina edi kayo na may partner!" Reklamo ni calvin na tinawanan lang nila mac na upo siya roon sa window seat at iniwan kami sinabihan pa akong huwag tatabi sa kanya.

Ang ending kami ni mark ang mag katabi, Sus hindi naman ako mapili sa katabi pero talagang swerteng siya ang katabi ko hihihi.


Nakatulog lang ako ginising lang ako ni mark para kumain.

"Sorry, Baka kasi malipasan ka ng gutom." Ani nito.

"Okay lang, Tara na kain na tayo." Aya ko sa kanya.

Namiss ko iyon, Iyong sabay kaming ka kain....

Dahil nakakailang ang katahimikan sa aming dalawa ay napag isipan kong mag tanong.

"Kumusta ka naman?" Tanong ko matapos sumubo nang yogurt, kanin at chicken ang pagkain binigyan din kami ng yogurt.

"Okay naman, Nakakaraos sa buhay." 

"Congrats nga pala isa ka ng head engineer, anong feeling?" 

Humarap ako sa kanya na parang atat na atat marinig kung ano ang pakiramdam niya.

"Hmm, Okay? Masaya? Ano ba.... hindi ko alam eh siguro mas masaya kung na roon ka nung graduation ko." Tila na lungkot naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko manalng siya nakitang nakan itim na toga.

"Eh kumusta naman buhay mo, yung pamilya niyo?" Sinubukan kong ilihis ang usapan dahil mukhang hindi lang ako ang malungkot nung nakapag tapos ako sa kolehiyo siya rin ata.

"Hindi ko na kasama sila mom and dad gaya ng sabi ko may sarili na akong bahay, Si liam na lang ang tinuturing kong pamilya sa kanila." Saad nito matapos sumubo nang kanin.

"Eh kayo ni vanessa?" OMG! Bakit ko ba tinanong iyon? 

Tumingin siya sa akin ng nag tataka.

"Ah okay naman." Medyo alinlangang saad niya.

Buti pinayagan siyang umalis nun mukhang manganganak na iyon eh.

"Buti pinayagan ka niyang sumama sa amin?" Inayos ko na ang pinagkainan ko dahil tapos na ako kumain kinuha naman niya ito para siya ang mag tatapon.

"Bakit hindi?" 

"Eh kasi mukhang manganganak na siya baka wala siyang kasama." Ani ko.

"Andoon naman si liam." Agaran niyang sagot.

Hindi ba siya excited sa magiging anak nila? Bakit inaasa niya kay liam.

Nang makarating sa korea ay tumungo agad kami sa hotel namin 2 rooms ang kinuha namin para sa aming girls at para sa boys.

Matapos namin mag usap ni mark kanina sa eroplano nanood lang kami ng movie, Tawanan at asaran ang nangyare para kaming bumalik sa nakaraan sa inasta namin kanina.

Hindi naman siguro siya masamang gustuhin ano? hindi ko naman siya kukuhanin kay vanessa at sa pamilya nila.

Nang mag gabi ay tumungo kami sa pool area ng hotel bumili sila nang pag karami raming soju.

"Cheers para sa panlilibre ni ash!" Ani ni layla at itinaas ang bote ng soju niya tig iisa kaming bote.

Sabay-sabay kaming uminom nito matapos ko uminom ay nag ring ang phone ko kaya nag paalam muna ako sa kanila.

Si kuya h ang tumatawag.

"Hello, Kuya miss mo agad ako?" Ani ko nang sagutin ito nakatingin lang ako sa city lights.

"Oo walang makulit sa bahay, Kumusta naman dyan?" Yiee, Miss niya ako.

"Goods naman." 

"Hoy si ashley ba iyan?!" SIgaw ni kuya b iyon.

"Hoy ashley?!" Sigaw ni kuya b kaya nailayo ko ang phone sa tenga ko.

"Miss mo rin ako?" Pang aasar ko.

"Hindi! Huwag ka na umuwi rito ang saya mabuhay kapag walang maingay at makulit sa bahay." HAHAHAAHHAHA Ganyan talaga siya.

"Sus miss mo lang ako aminin mo na hindi kita bibilhan sapatos sige!" Iyon kasi ang bilin nilang dalawa sa akin sapatos.

"Joke miss na miss na kita I love you." 

"I love you, kuya b!" Nakangiti kung saad.

"Umalis ka na nga ako ang tumawag eh, ako mag babayad nang bill ang mahal-mahal nang bill eh!" Sigaw ni kuya h.

HAHAHHAHAAHA kahit kailan si kuya h kuripot.

"Sige na ash, Ingat ka dyan ha tawagan mo ako kapag kailangan mo ako ayusin mo damit mo wala ako dyan para ipag tanggol ka sa mga gagong maboboso." Napangiti naman ako hays ang sweet nang mga kapatid ko!

"Oyes kuya ba bye, I love you." 

"I love you, Good night." Tska niya binaba ang tawag.

Uminom muna ako ng soju tska pinasok ang cellphone ko sa bulsa nang shorts ko.

Pag harap ko na gulat ako kay mark takte sulpot ng sulpot.

"Sorry nagulat kita." Ani nito.

"Ang sweet mo naman sa mga kapatid mo." Ani nito at may kinuha sa bulsa  niya.

Kumunot ang noo ko ng makitang yosi iyon, hindi siya nag yoyosi kailan pa siya natuto mag ganyan?

"Hayaan mo hindi ko sisindihan ito alam kong may hika ka." 

"Kailan pa?" Takang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ang kaha ng sigarilyo at iniangat iyon na parang tinatanong kung iyon ba tumango lang ako sa kanya.

"Simula ng mawala ka." Maikling ani niya.

"Huminto na ako, pero hindi pa gaano sanay sistema ko kaya iyan sinusubo ko lang pero hindi ko sinisindihan." Pag papaliwanag niya.

Hindi ko alam ang sa sabihin ko kada titignan ko si mark parang hindi siya okay parang punong-puno siya nang pag papanggap.

"Yung totoo, Okay ka lang ba?" Na upo ako sa may bench at inaya siya roon.

Agad naman siya sumunod.

"Simula nang mag hiwalay tayo ash hindi na ako kailanman naging okay, Paano ako magiging okay kung ang lahat ng rason ko para maging okay ay ikaw." 

Tila dinurog ang puso ko roon akala ko ako lang ang nasasaktan akala ko ako lang....

Pero na isip ko na sa relasyon na binuo namin ay dalawa kami hindi pwedeng isa lang ang nasaktan hindi pwedeng isa lang ang nag sa suffer dahil minsan kung sino pa iyong nag papakita nang lakas sila pa iyong durog na durog sila pa iyong mas kailangan nang karamay sila pa iyong mas kailangan nang yakap.

Sa panahon na wala ako sa tabi niya sino kaya ang nasandalan niya? May nasandalan ba siya kagaya ko? Naroon si janine, layla at maxine para sa akin siya ba?

Tila winawasak ako kada maiisip ko na nag iisa siya noong mga panahon na iyon, Hindi niya pwedeng ipakita na mahina siya dahil mas kagagalitan siya ng magulang niya ipinakita niya na kaya niya kahit ang totoo ay hindi niya kaya.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon