36

80 1 0
                                    

Nagising ako dahil parang binibiyak na ang ulo ko at nasusuka ako kaya tumungo agad ako sa banyo, nung na kita ko na 7:40 na ay nag madali na akong maligo 8am ang pasok ko kaunti na lang ang oras ko, Alak pa ashley ni hindi ko alam paano ako nakauwi pero malamang hinatid ako nila janine.

Pag tapos ko mag ayos nag ring bigla ang phone kaya agaran kong kinuha iyon at nag lakad na ako plabas ng kwarto dahil late na ako.

"Bakit?" Sagot ko kay layla, Mga busy silang lahat dahil nga mga tambak ang gawain lalo na ito running for cum laude rin tapos officer sa student council at president ng music club, Matalino naman kasi talaga siya at bakas sa kanya na gusto niya ang ginagawa niya.

"Ano balak mo bang palitan ang dugo mo ng alak! Ilang araw ka na raw umiinom ha." Ani niya.

"Minsan lang naman iyon." Sagot ko tska sinara ang pinto ng kotse 8am na wala na talagang late na ako.

"Paalis ka pa lang sa inyo? Di ba 8am class mo?" Oo alam niya ang schedule ko.

"Oo, na late ako gising kaya sige na bye na." Saad ko at binaba agad ang tawag pagagalitan niya ako dahil nga inom ako ng inom ng alak ano magagawa ko iyon ang nakakatulong sa akin para makatulog sa gabi ng hindi hinihika kakaiyak.

Nag text agad ako kay mark matapos iyon hindi ako pumalya kaka text sa kanya para alam niyang hindi pa rin ako sumusuko.

Tumakbo na agad ako patungo sa room dahil feeling ko talagang hindi ako ga-graduate dahil pumapasok na lang ako hindi na ako nag aaral gulo no?

Parang ayoko makapag tapos dahil hindi ko alam paano tatakasan ang kasal na iyon lalo na at hindi pa bumabalik si mark sa akin.

"Meira, late ka na naman." Saad ng prof namin jusko major pa naman tinuturo nito at pang ilang late ko na ba sa kanya oh ghad!

Alam niyo masaklap sa late? Nag quiz sila at automatic zero ang score ko roon napasapo na lang ako sa noo ko.

"Alak pa." Saad ni janine.

"Ikaw kasi inaya mo ako alam mo namang 'di ako marunong tumanggi." Saad ko na tinawana  niya.

Hanga talaga ko rito eh kahit anong hang over hindi na huhuli sa klase sana all!

Nang mag uwian ay pumunta ako kayla mark syempre wala na naman siya umalis na raw kasama si vanessa, Sila na ba? Lagi silang mag kasama.

Iniisip ko pa lang ang sakit na...

Para akong lantang gulay na pumunta sa parking nakita ko si liam doon kaya naalala ko na ngayon pala ako mag susukat nang gown, Tsk!

Hindi ko siya pinansin sumakay na lang agad sa kotse niya.

"Kumain ka na ba? Gusto mo kumain muna tayo saan mo gusto?" Tanong niya na hindi ko pinansin naka tingin lang ako sa bintana.

"Gutom na ako ano kain muna tayo sa jollibee ibibili kita kiddie meal." Ani nito.

Na sunod siya kumain kami pero sa kotse lang nag drive thru siya tska nag park sira ata ang ulo pwede naman sa loob na lang.

"Ayokong buhatin ka patungo sa loob kaya dito na lang tayo." Ani niya na parang nabasa ang iniisip ko tss.

Kumain lang ako hinayaan siyang mag salita hindi ko matiis dahil apaka bango ba naman ng pagkain sino ako para parusahan ang sarili ko kung hindi ako kakain.

"Gusto ko man itigil ang kasal dahil awang-awa na ako sa ginagawa mo sa sarili mo pero kahit ako hindi ko alam paano." Ani niya, Pero napairap na lang ako.

--

Lumipas pa ang buwan paulit ulit ang ginagawa ko kay mark ngunit wala hindi talaga niya ako pinapansin ni tapunan ng tingin ay hindi niya magawa parang diring-diring makita ako.

Nakapag pre-finals na kami isa na lang at matatapos na ang kolehiyo habang pabilis ng pabilis ang araw palapit ng palapit ang graduation, Hindi ba dapat excited ako? Pero bakit ganito ni hindi ko makuha maging masaya.

"Girl, Pinapatawag ka ni ma'am santiago." Ani ng presidente alam ko na iyan.

Pababa ng pababa ang grado ko parang spaghetti lang at asa bingit na ako ng kamatayan dahil mawawala na ako sa DL at syempre sa running for cum laude ano na lang gagawin ng tatay ko sa akin? Alangan namang pag aralin niya ulit ako para sa business ad baka mag patiwakal na ako sa hirap mag aral.

Pag pasok ko sa office ni ma'am ay tila awang-awa siya sa akin sa itsura niya, Sinong hindi maawa sa itsura ko daig ko pa nag titinda ng eyebags sa laki nito lagi akong puyat kakaisip kay mark kakainom.

"Anak wala na akong magagawa." Tila may kumalabit sa mga luha ko para bumagsak ang mga ito.

Saan ba ako naiyak sa pag ka wala sa DL pag ka pagod o dahil may tumawag sa akin ng anak.

"Sorry." Ani nito at niyakap ako.

Umalis ako roon na parang wala lang lumilipad ang utak ko hindi alam kung ano ang rason kung bakit ako umiiyak.

Dahil ba nawala ako sa DL? Hindi ko rin alam talaga.

Pag dating sa room akala mo naka kita ng artista ang mga kaklase ko nung pumasok ako at nag simula na silang mag bulungan. Bulungan na rinig na rinig ko.

"Nakakaawa siya ano? Simula 1st year hanggang 3rd year asa DL iyan at running for cum laude na tapos kung kailan ga graduate na tska pa na wala." Sabi ng isa.

Yumuko ako sa desk ko wala si janine kumain siguro kaya nayuko na lang ako.

"Dahil sa ex niya ata iyan grabe siya mag habol alam moba kwento pa ni hailey sa akin kaklase ng ex jowa niya, Lagi nag dadala ng lunch iyan pero hindi raw kinukuha tapos sinusundo kada uwian kaso raw si mark nag mamadali para sunduin iyong vanessa yung leader ng cheer leader."

"Baka iyon bago niya, Ipinag palit niya si ashley roon? Eh tiyak na mas okay pa si ashley kaysa roon mukha lang anghel iyon pero bali-balita na malandi."

Wala ba silang ibang mapag usapan hindi ba nila alam na naririnig ko sila.

Nung nalaman ni dad na wala na ako sa dl samut saring mura at sampal ang natanggap ko sinugod niya ako sa unit buti at wala si liam dito.

Pinipigilan siya nila yaya pero wala eh ayaw niya tumigil hinayaan ko siyang sampalin ako dahil hindi naman masakit ni hindi nga ako naiiyak dahil nakakapagod nang umiyak nakakapagod ng masaktan.

"Kinasusuklaman kita." Huling salita bago niya ako iniwan then i smirked.

Isang pag kakamali na wala ang tatlong taon na asa DL ako ano ba meron doon? 

Uminom ako ng gabing iyon mag isa walang pake kung ano mangyare sa akin basta uminom lang ako ng uminom.
















My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon