04

331 5 0
                                    

"Kumain ka pa" Aya ni janine asa canteen kami siya lang kasabay ko dahil may mga klase pa ang barkada ko.

"Bakit ba ang lungkot mo?" Tanong niya, Ewan ko bakit nga ba ako malungkot dapat ba akong malungkot?

"Wala lang trip ko lang baka bagay sa akin." Sagot ko, Tska sinubo ang fries na sinawsaw ko sa ice cream.

"Hindi bagay!" Saad naman agad niya itong hoodie girl na ito.

 Sobrang daming gawain sa school hell week nga ang tawag nila eh kaya naging busy kaming lahat pero si mark ay ganoon pa rin nag v-vc kami sabay kumakain hinahantay ako sa gate pag pasukan na.

Matapos ang klase syempre sumakay na ulit ako sa kotse at uuwing walang madadatnan na magulang, Naiintindihan ko naman sila mom and dad na nag ta-trabaho sila para sa amin pero wala na silang oras sa akin nag iisang anak na nga lang ako eh.

Hindi ako galit ha masamang magalit eh.

Matapos mag half bath tumawag na si mark sa akin kaya agad kong sinagot iyon.

"Kumusta araw mo?" Tanong niya pag sagot ko.

"Okay pa sa goods." Maligalig kong sagot, Pero alam kung may kung anong nag pa palungkot sa akin hindi ko nga lang alam kung ano medyo hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.

Alam niyo ang gwapo ni mark pero naniniwala akong walang perpekto dahil ampanget niyang sumayaw nakita ko na siya sumayaw e lagi kasi iyan nag aaya mag tiktok akala mo naman dancer.

"Malapit na birthday mo!" Maligalig niyang saad.

Oo nga pala mag i 18 na ako, Kinakabahan ako baka kailangan maayos na pag iisip kapag 18 ka na eh yung isip ko kailangan ko pa dalhin sa mekaniko para maipaayos.

"ayaw ko pa nga." August ang kaarawan ko ang sabi nila mommy and daddy sila na mag aayos noon mag invite na lang daw ako.

Hayst! Ayoko sana ng party pero dahil madaming kaibigan sila mom ay gusto nila.

"Why naman ayaw mo nun legal age na ang baby namin!" Sabat ni mark na nag pupunas ng buhok halatang katatapos lang maligo.

Pero na i excite ako sa pagiging 18 feeling ko dalaga na ako hihi!

"Dalaga na ako kapag nag 18 na ako, Payagan na kaya ako nila mommy gumala ng walang kasamang driver gusto ko maranasan sumakay ng jeep, Lrt at triycle  Gusto ko matuto tumawid!" Excited kung saad oo hindi ko pa nararanasan lahat iyan dahil ayaw nila mommy mawalay ang driver ko sa akin.

"Gusto ko mapuntahan ang intramuros ang ganda-ganda roon nakita ko sa fb, Kaso ayaw ni mommy dahil marami raw tao toon." Inaya ko kasi sila noon ayaw nila kasi mainit at madaming tao.

"Dadalhin kita roon next time sasakay tayo sa mga gusto mong sakyan huwag lang ngayon baka masapak ako ni tito." Sabat ni mark.

Kumain na kami at nag laro inaya niya ako pumunta sa 7eleven malapit dito sa amin 8pm na wala pa rin naman sila mommy kaya pumayag ako.

Naka pajama na ako partner sa T-shirt ko disney princess ang itsura, cute!

"Saan punta?" Tanong ni kuya pag labas ko ng bahay.

"7eleven po." Please payagan niya ako gusto ko ng slurpee eh.

"Magagalit ang mommy mo alasotso na." Ehhh!

"Please kuya! Gusto ko lang ng slurpee po!" Pag pa paawa ko bumuntong hininga siya at tumango tska pumasok sa driver seat.

"Yehey!!! Thank you kuya!" Nag tatalon pa ako sa saya tska pumasok sa kotse.

Malapit lang ang 7eleven kaya naka rating agad kami sabi ni kuya antayin na lang niya ako roon tinanong ko pa kung gusto niya ng slurpee or ice cream ayaw raw niya.

"Buti pinayagan ka." Salubong ni mark tska iniabot ang slurpee alam niyang hilig ko ito.

"Syempre nag pa cute ako!" Proud kung saad tska nag ikot gusto ko ng chocolate si mark naman parang amaze na amaze sa suot ko akala mo naman ngayon lang nakita ang damit ko eh mag ka video call kami kanina.

"Mark libre mo ako wala akong perang dala pa, Please!" Pinag lapat ko pa ang kamay ko na nag mamakaawa nag pa cute pa ako pero sana talaga pumayag siya gusto ko ng chocolate.

He chuckled and tumango siya kaya nag tatalon ako at yinakap siya syempre na istatwa na naman siya roon kaya hinatak ko uli ang kamay niya.

"Tama na puno na ang basket wala na akong pera!" Suway niya sa akin napatingin ako sa basket na malapit na mapuno maliit lang naman yung basket.

"Okay hihi Thank you!" Saad ko pa tska kami tumungo sa counter para mag bayad.

Matapos namin roon ng mag 9 ay umuwi na kami dahil pagagalitan na ako ni mommy.

Dahan-dahan pa akong nag lakad pa akyat habang hawak ang plastic ng chocolates ko.

"Ashley! Anong oras na nakuha mo pang lumabas! Paano kapag may kumuha sa'yo sa labas ha diba sabi ko manahimik ka na sa bahay kapag gabi na!" Sigaw ni daddy.

Sa sala sila galing ni mommy halos kumawala ang puso ko sa kaba natatakot ako baka lumabas ang puso ko huwag naman sana.

"Sorry po." Kabadong sagot ko habang nakayuko.

"Diba sabi ko kapag nakauwi ka na ng bahay bawal ka ng lumabas!" Dagdag niya.

"Ashley umayos ayos ka hindi na ako natutuwa sa ugali mo!" May nagawa na naman akong mali.

Nag sorry lang ako tska sila umalis ni mommy patungo sa room nila kaya pumunta na rin ako sa room ko.

Hays kasalanan ko naman talaga bawal naman kasi talaga ako lumabas lalo at gabi na dapat nanahimik na lang ako pero gusto ko ng slurpee.

"Hello?" Sagot ko sa tawag ni mark.

"Asa bahay na ako." Humiga ako habang nakalagay sa tenga ko ang phone kumain din ako ng chocolate.

"Pinagalitan ka ba?" Tanong ni mark.

"Oo, Kasalanan ko naman bawal na kasi talaga akong lumabas tapos lumabas pa ako." Hays bad pa naman ang sumusuway sa utos.

"It's okay ash." Pag papagaan niya ng loob ko.

"Minsan hindi masamang sundin mo ang sarili mo hindi ka robot." Iyon ang huling tumatak sa utak ko bago kami nag good night sa isa't-isa.

Hindi ako robot? Hindi naman talaga ako robot. Robot ba ako? Tao ako eh.

Lalong sumakit ang ulo ko ka kaisip sa robot na iyan yung robot kapag inuutusan sumusunod agad.

Aha! Hindi kaya iyon ang ibig niyang sabihin kapag inuutusan ako sinusunod ko agad pero minsan hindi ko agad sinusunod kagaya kanina hindi ako sumunod na huwag na lumabas.

Haynako mark ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa iyang robot na iyan, Pinatay ko na lang ang lamp shade ko at ipinikit ang mata ko.

Pagod ako ngunit parang walang pahinga sa kama na ito feeling ko nag excercise ako ng buong araw at pagod na pagod ako ngayon ngunit hindi pa ako hinahatak ng antok ko, Feeling ko mahihiga na lang ako rito dahil kailangan hindi dahil andito ang pahinga ko.







My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon