Na busy ang lahat dahil papalapit na ang midterms, Ganoon na rin si mark kaya hindi kami nag sasabay umuwi o kahit ma text manlang ay hindi na niya magawa pero ako hindi ako pumalya sa pag t-text sa kanya at pag sundo kahit hindi siya sasabay sa akin.
Nang mag uwian ay tumakbo na ako sa building nila mark kahit minsan ay hindi ko na siya naabutan doon.
"Babe." Ani ko pag labas niya ng room tinignan niya ako walang emosyon sa mga mata niya.
"A-ah gusto sana kita makausap labas tayo?" Saad niya na kinagalak ko dahil finally lalabas na ulit kami!
"Yey! Sure babe. tara na saan ba tayo?" Maligalig kong saad tska humawak sa braso niya.
Pumunta kami sa lugar kung saan naging kami. Sa lugar kung saan ko inamin na mahal ko siya sa lugar kung saan una kong nakita si kitty.
"Ano gusto mong kainin babe, gusto mo umorder ako?" Tanong ko dahil hindi kami bumili nang pagkain dumiretso lang kami rito.
"Ashley, Hindi kita inaya rito para kumain inaya kita rito para kausapin." Seryoso niyang saad napahiya naman ako, Oo nga naman inaya niya ako para mag usap hindi kumain.
"S-sorry, Sige ano ba iyon? May problema ka ba malungkot ka ba? Sabihin mo lang." Ani ko.
Iniisip ko na baka sa sabihin niya ang tungkol sa magulang niya ang pag lipat niya roon ngunit..... tila na wasak ako sa narinig ko.
"Mag hiwalay na tayo." Walang alinlangang saad niya, Feeling ko ay unti-unting na basag ang pag ka tao ko.
"B-babe, Ang corny mo mag joke ha! Ano ka ba HAHHAHHAHA." Pinilit kong mag tunog maayos dahil alam kong biro lang ito.
"B-biro... lang ito diba?" Tanong ko ngunit tinignan niya ako walang ekspresyon sa mga mata niya.
"Hindi ako nag bibiro ashley, Mag hiwalay na tayo." Pinilit kong huwag bumagsak ang mga luha ko.
"May na gawa ba ako? Sabihin mo lang babaguhin ko may ayaw ka ba sa akin sabihin mo titigilan ko."
Halos lumuhod ako sa pag mamakaawa huwag niya lang akong hiwalayan.
"Ashley, ikakasal ka na hindi mo ba na isip iyon sa tingin mo paano natin ipag lalaban yung relasyon natin sa magulang mo kung wala akong kaya ipag mayabang sa kanila studyante tayo parehas." Ani nito.
Hindi ko na pigilan ang mga luha ko, Kaya ko naman siyang ipag laban handa akong suwayin ang nais nila huwag lang siyang mawala sa akin.
"B-babe gagawin ko lahat please huwag mo naman akong iwan, Gagawa ako ng paraan na huwag matuloy iyon, Please." Lumuhod ako, Oo lumuhod ako sa harap niya habang tuloy-tuloy na bumabagsak ang luha ko.
"Wala kang dapat gawin kundi sundin sila, Tumayo ka dyan." Ani nito ngunit hindi ako nakinig nanatili ako roon hinawakan ko ang kamay niya.
"B-babe, Please." Saad ko muli sa hikbing tono.
"Ashley tama na, alam mo ba ang salitang hindi na pwede? Tumayo ka dyan aalis na ako." Hinaltak niya ang kamay niya mula sa akin at umalis.
Naiwan akong naka luhod at humihikbi hindi ko alam kung ano gagawin ko susundan ko ba siya ngunit nanghihina na ako sa sinabi niya.
Umuwi ako na parang lantang gulay, hindi ko inisip na totoo ang sinabi ni mark nag text pa rin ako sa kanya na kumain na siya at nakauwi na ako.
"A-ash, Kumain ka na." Alinlangang saad ni liam ngunit hindi ko siya pinansin kahit sila yaya tumungo agad ako sa kwarto nag babad ako sa bathtub hanggang madaling araw umiiyak ako kaya kinabukasan apaka sakit nang ulo ko at may sipon ako.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21