28

64 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay nang paligid, Hindi ito ang unit ko hindi ito ang bahay namin, Asa ospital ako.

Idinilat ko ang mga mata ko na roon si mommy at kasama niya si mark wala si daddy.

"Anak, May masakit pa ba sa'yo?" Tanong ni mommy ng makitang gising na ako.

Umiling lang ako, tska tumingin kay mark na nakatingin sa akin ang mata niya ay punong-puno ng tanong.

"Maya-maya lang after ng isang gamot mo pwede ka na umuwi." Saad ni mom.

"Kukuhanin ko lang yung pina deliver kong food maiwan ko muna kayo." Saad niya tska siya lumabas.

Lumipat si mark sa upuan na asa gilid ko.

"S-sorry..." Iyon na lang ang na sabi ko, hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyare kanina.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal ka na pag tapos nang 4th year mo." Iyon agad ang tanong niya hindi niya ako tinanong bakit hindi ko sinabi na may hika ako.

"Dahil alam kong kaya nating pigilan ang kasal na iyon." Tugon ko sa seryosong tono.

"Umaasa ako na kaya natin." Dagdag ko.

Isang tingin ang iginawad niya sa akin tingin na puno nang pangamba tingin na punong-puno ng tanong. Kaya naman natin 'di ba?

"Bakit hindi mo sinabi na may hika ka?" Iyan ang tanong akala kong uunahin mong tanungin.

"Hindi naman kasi kailangan, ayokong sa tuwing aalis tayo ay iisipin mo ang sakit ko dahil kaya ko naman." Saad ko.

"Boyfriend mo ako, Dapat alam ko." Ani niya.

"Sorry ayoko lang maging pabigat ang sakit ko." 

"Hindi ka kailanman naging pabigat sa akin ash alam mo iyan." Seryosong saad niya.

"Gusto ko lang na alam ko dahil sumasakay tayo nang train ang sikip doon sa jeep na puro usok, Ano na lang ang sa sabihin nang magulang mo sa akin? Sa tingin mo ba makakaya kitang ipag laban kung hindi kita kayang alagaan." 

Sa sinabi niyang iyon ay napa isip ako na tama siya bakit hindi ko na lang sinabi sa kanila na may hika ako.

"S-sorry." Iyon na lang ang na sabi kong ulit.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling isa sa mga lakad natin ay nag lagay sa'yo sa kapahamakan, Ash." Punong-puno nang sinseridad ang mga mata niya.

Wala akong na sabi tama naman kasi siya paano nga naman kung sakaling atakihin ako ng hika at hindi niya alam.

"Sino si liam?" Isang tanong na naman na nag pa simula ulit nang kaba ko.

"I-iyon yung lalaking gustong ipakasal sa akin ni daddy." Usal ko.

"Kailan mo pa nalaman?" Tanong niya.

"N-nung araw na inaya mo ako na dadalhin mo ako sa inyo kinabukasan, noong gabing pag uwi nila." Pag papaliwanag ko.

"Ang tagal na may balak ka bang sabihin sa akin?" Hindi galit ang tono niya ngunit seryoso.

"Oo, Dahil alam kong hindi ko kaya mag isang takasan iyon." Saad ko.

"Mag kasama kayo sa iisang condo." Hindi iyon tanong, Ngunit hindi naman kami mag kasama sa iisang unit kanino naman niya nalaman.

"Oo asa iisang condo kami pero hindi sa iisang unit dahil sinabi ko sa kanya na may boyfriend ako at ayoko gumawa nang ikaseselos mo, Kada dinner ay inuuna kita bago siya pumunta sa unit para makita nang magulang niya na sabay kami kahit hindi naman ako kumakain ka sabay niya." Pag papaliwanag ko.

"Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin dahil hindi ko naman gusto ito ilang beses akong nag makaawa na tulungan niya akong kumbinsihin si daddy upang itigil ito ngunit siya mismo ay walang lakas nang loob." Saad ko muli.

"Sa sitwasyon natin ay alam kong pag iinitan ka ng daddy mo, hindi ko alam ang pwede kong gawin hindi kita pwede itakas dahil malaki ang utang na loob ko kayla tita at tito na tumayong magulang ko ayoko naman silang bigyan nang sakit sa ulo bilang kabayaran sa lahat." Sa sinabi niyang iyon ay gusto kong panghinaan ng loob.

Hindi ba niya kaya na ipag laban manlang ako o kami? 

Maya-maya ay bumukas ang pinto at inilabas noon si mommy kasama si liam, Si liam na hindi ko alam bakit andito ngunit alam kong pakana ni daddy ito.

Napatingin siya kay mark ganoon din si mark sa kanya parang nag uusap sila gamit ang mga mata nila.

"Anak, kumain ka muna oh. Sorry kailangan kong isama si liam utos ng dad mo." Sabi ko na eh si daddy na lang lagi.

"A-ash, okay ka na ba?" Utal niyang tanong nag taka naman ako sa ikinilos niya si mark na nakayukom ang kamay.

"L-liam, Boyfriend ko si mark." Utal kong pakilala dahil natatakot ako sa tensyon sa pagitan nila.

Tumingin si liam kay mark at nag smirked.

"I see. Liam bro, Liam Theo Pierce." Maotoridad na saad ni liam.

"Mark, Mark Abraham Jinx." May diin ang bawat binitawan niyang salita.

" How are you?" Bumaling ulit sa akin si liam.

"O-okay na ako." Iyon lang ang sinabi ko tska ako nag simulang kumain, inabutan ko rin si mark ng pagkain.

Nang makauwi kami ay gustong makausap ni daddy si mark ayoko sana at gusto ko siyang samahan ngunit si mark na ang pumigil sa akin, Ibinigay nila ako kay liam dahil sa unit kami uuwi. Oo sa unit ko dahil nalaman na ni daddy na wala kami sa iisang unit kaya ang ginawa niya ay kinausap niya ang magulang ni liam kaya parang may pag pupulong sa bahay dahil na roon ang magulang ni liam na roon pa sila daddy tapos gusto pa niya roon kausapin si mark.

"Ilang months na kayo ni mark?" Tanong ni liam habang asa kotse, Kung maka mark akala mo close sila!

"Isang taon na kami." Saad ko.

"Woah! Tagal na ha." Saad niya sa parang nang iinis na tono.

"Pumapatol ka pala sa ganoon?" Saad niya na nag pakulo sa dugo ko.

"Kung wala kang magandang sa sabihin sa boyfriend ko itahimik mo ang bibig mo, Dahil mas papatulan ko pa siya kaysa sa'yo." Inis kung saad kaya napatingin si kuya bert sa amin.

"Kung tutuusin mas matalino pa siya sa'yo, Dean's lister ka pero hindi halata sa ugali mo parang ang utak mo ay punong-puno lang nang abo!" Ani ko at padabog na bumaba at nag pa una sa unit.

Tumungo agad ako sa kwato ko at ni lock ko iyon sa guest room siya, Hinding-Hindi ko siya papayagan dito!

Nang makahiga ako ay nag isip muli ako kung paano tatakasan ang buhay na ito, Paano sasaya na kami lang ni mark.

Inantay ko mag reply  si mark ngunit umabot na ako ng alauna ng madaling araw ay wala pa nag antay ako hanggang 3am ngunit wala pa rin tinadtad ko siya hanggang sa mag 4am dahil may pasok ako mamaya ng 7am ay umidlip ako.














My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon