06

314 2 0
                                    

Ilang buwan matapos ang debut naging busy kami sa naging exam at projects namin kaya hindi kami gaano nag kikita mag ka kaibigan lagi kong ka kasama si janine.

Ilang araw na rin akong puyat dahil takot akong mag karoon ng mas mababa sa uno na marka lalo na at iyon ang sabi ni daddy.

"Ash, Tara na kayla Marie raw tayo gagawa." Aya ni janine sa akin tapos na ang last sub at may project kaming gagawin.

Tumayo na ako wala ako sa mood dulot ng antok at pagod ilang araw na akong walang maayos na tulog at ilang araw na akong gabi na uwi buti nga hindi ako pinapagalitan nila mom kasama ko kasi ang driver eh.

Nag v-vc pa rin naman kami ni mark sa gabi kahit na antok na antok na kami parehas ay sabay pa rin kaming ka kain, noong isang araw rin ay kasama ko siya hindi naman lilipas ang isang araw na hindi kami nag kikita dahil lagi niya ako inaantay sa gate pa pasok.

"Akin na nga ang bag mo, Hindi ako sanay mukha kang lantang gulay." Saad ni hoodie girl pag labas ng room, Oo hoodie girl na ang tawag ko sa kanya.

"Sabay ka na sa akin andyan driver ko ihahatid na naman ako noon." Ganoon kasi lagi kaya pinapayagan akong gabihin ay kasama ko ang driver ko gamit na namin ang regalo ni mom sa akin na hilux, Syempre hindi nag pa huli si daddy nag bigay ng condo unit akala mo naman pinapayagan ako mag-isa.

Nakarating kami sa bahay ng kaklase namin kung mag tatanong kayo ano ba gagawin namin research dahil malapit na ang defense.

"Inaantok ako talaga." Bulong ko kay hoodie girl na seryoso sa pag ta-type sa laptop.

Humarap siya sa akin habang ang mga kamay ay asa laptop pa rin.

"Tapos ka na ba sa part mo?" Tamad akong tumango tapos ko naman na dahil kaunti na lang ang idadagdag ko roon na gawa ko na rin kasi kagabi kaya lang kami nag sama-sama para sa compilation at pag hahanda sa defense.

"Umunan ka muna sa balikat ko gisingin kita kapag tapos na kami" napangiti naman ako sa sinabi niya kaya agaran akong umunan sa balikat niya habang asa binti ko pa rin ang laptop ko.

6:00pm na ako ginising ni janine 1hr din ang tulog ko na tagalan daw ang iba sa pag gawa kaya medyo na late ang tapos.

Matapos namin mag practice mag handa at kung ano-ano pa exactly 8pm na tapos na kami kaya naman kanya-kanyang uwi ang nangyare inaya ko pa si janine na sumabay na kaso huwag na raw kaya hindi ko na siya pinilit.

Asa byahe kami ng naisip ko ang cellphone ko kaya tinignan ko ito at hindi na ako na gulat na may tawag si mark doon si mommy rin ay may text.

Pag uwi sa bahay wala pa sila mom and dad kaya umakyat ako para mag half bath at mag bihis ng pajama na partner tska ko tinawagan si mark.

"Sorry hindi kita na sagot kanina gumawa kami research kauwi ko lang." Bungad ko sa kanya.

"Kanikanina pa pala nag half bath lang ako." Pahabol ko.

"Okay lang kumain ka na ba?" Tanong niya mukhang nag aaral siya dahil asa study table niya siya.

"Hindi pa kain na tayo!" Maligalig kong aya kailangan na namin kumain dahil medyo late na at mag aaral pa ako.

Matapos naming kumain ay sabay kaming nag aral naka bukas lang ang video call habang nag aaral kami inabot din kami ng 2am ng madaling araw nakatulog na nga siya kaya hindi ko alam kung ibaba ko na ba pero ayoko ang saya niya pag masdan eh, Tska siya lagi ang gusto kong nag baba ng tawag wala lang gusto ko lang 

Hinayaan ko na lang siyang matulog isinaksak ko ang charger ng phone ko at nag aral uli dahil hindi pa ako tapos.

Ngunit na gising na lang ako sa ingay ng alarm ko naka tulog pala ako nakita kong naka on pa rin ang video cam namin ni mark pero gising na siya.

"good morning!" Bati niya sa akin agad ko rin siyang binati at nag paalam sa isa't-isa dahil mag aayos na ako.

Last exam na ngayon at defense na rin mamaya kaya atat na akong matapos ang araw na ito para makapag pahinga na.

"Halatang puyat ka." Saad ni hoodie girl pag dating ko.

"Napuyat ako nag aral ako eh." Tska ako umupo sa tabi niya.

"Yehey! Tapos na!!!!!" Sigaw ko matapos ang defense tapos na rin ang exam kaya ang saya-saya ko.

Nag ring ang phone ni janine kaya hindi niya na sabayan ang kasayahan ko dahil sinagot niya ito.

"Bakit?" Bungad niya sa tumawag sa kaniya, ang bilis nag bago ng mukha niya mula sa masaya naging masungit.

"Oo nga uuwi ako maaga mamaya, Oo sige." Iyon lang ang sinabi niya at agad niya itong binaba.

"Tara na" aya niya sa'kin kaya agad akong kumapit sa braso niya.

Kakain kami sa cafeteria dahil hindi kami nakakain kanina sa sobrang busy sa research.

"Ano sa'yo?" Tanong ko kay janine na naka upo na.

"Kung ano iyo iyon na lang din." Iniabot niya sa akin ang 1k kaya pumila na agad ako.

"Hi ash ngayon pa lang break time niyo diba dapat uwian na?" Saad ni matt naka pila rin siya.

"Uwian na, ngayon pa lang ako ka kain. asan sila maisy?" Tanong ko sa kanya.

"Asa taas pa uuwi na ako bibili lang tubig masama pakiramdam ko e." Agad akong napa tingin sa kanya maputla nga siya.

"Pagaling ka mag pa check up ka ha, uminom ka agad ng gamot mo!" Sunod-sunod kong sabi.

Matapos ng maikling pag uusap namin ni matt umalis na siya agad pinauna ko na siya sa pila para makapag pa check up na dahil alam ko bago ako mag birthday nag ka sakit na siya.

"Oh! Iyan sabi mo kung ano orderin ko iyon din iyo." Ibinaba ko muna ang kay janine sa table tska kinuha ang akin, Bumili ako ng chicken at dalawang rice at isang fries, ice cream, chocolate at iced tea may kasama pang isang ulam na adobo. 

Pag balik ko sa upuan ay nag reklamo agad si hoodie girl.

"Ang dami naman! ano ito huling kain na?" Tanong niya tska tumingin sa tray ko tinignan kung parehas kami eh parehas naman lahat iyan.

"Hindi, ka kain ka pa dinner mamaya maaga pa masyado para iyan na ang huling kain mo." Napa buntong hininga siya sa sagot ko nag sa sabi lang naman ako ng totoo 4pm pa lang masyado pang maaga para sa dinner.









My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon