23

74 0 0
                                    


Dumating ang araw na mag ri review na kami ni mark, ang araw na mag o overnight siya sa condo.

"Hello, Manang na miss kita!" Bati ni mark kay yaya.

"Oh iho lalong gumagwapo ah!" Bati sa kanya nito, kinuha naman ni yaya fe ang gamit ko.

"Syempre naman ito ang kayamanan ko." Masigla na saad ni mark.

"O siya kumain na kayo may pagkain sa kusina." Tska niya kinuha rin ang gamit ni mark.

"Itong gamit mo dadalhin ko sa guest room iho."

"Okay po salamat po."

Tumungo kami sa kusina sinalubong ako ni kitty tska siya tumungo kay mark.

"Hello baby!" Binuhat niya si kitty kaya dinilaan siya sa mukha.

"Ano po ulam?" Tanong ko kay yaya pressi.

"Sinigang na hipon anak." Nakangiti niyang sagot.

"Wow ang sarap naman po!" Saad ni mark tska ako pinag hatak nang upuan.

Close na sila ni yaya fe at yaya pressi pati si kuya bert dahil nga naipakilala ko na siya at lagi siyang pumupunta rito kapag may free time.

"Kumain na po ba kayo? Sumabay na po kayo sa amin." Saad ni mark.

"Oo, Pupunta na kami sa unit namin dahil iniiwan namin si ash dito kapag dating niya dahil gusto niya lagi ang ganoon." Totoo ang sinasabi ni yaya kapag dating ko rito ay mag hahain lang sila at aalis na dahil gusto ko mapagisa dahil ka kaisip sa kasal na iyan, Hindi alam nila yaya iyon ang alam nila si liam ay anak ng kaibigan ni dad.

"O siya, maiwan na namin kayo. Iwan niyo na lang sa lababo iyan, Kapag may kailangan kayo mag buzz agad kayo ha." Paalam ni yaya nag paalam na rin si yaya fe si kuya bert naman ay asa unit na rin niya.

"Salamat po." Saad ni mark.

"Ang astig naman ng sinigang na hipon niyo naka himay na." Saad ni mark habang nag sasandok nang kanin namin.

"Ganyan na talaga sila mag luto dahil nga hindi ako marunong." Saad ko.

Tahimik kaming kumain after nun ay siya ang nag ligpit hinugasan niya rin ang pinagkainan namin.

"After daw ng exam labas tayo nila calvin." Saad niya habang nag pupunas ng kamay.

Matapos niyang mag hugas nanood lang kami ng isang movie at kumain nang ice cream mga bandang 9pm nag start kaming mag aral asa sala lang kami mag katapat habang si kitty ay asa gilid namin.

Nakakagana mag aral kapag ganito ka gwapo ang kaharap mo.

Lumipas ang ilang oras 2am na ilang oras na kaming nag aaral jusko! Walang nag sa salita sa amin sinusubuan niya ako ng chips at kapag may hindi siya naiintindihan itinatanong niya sa akin engineering ang course niya kaya puro numero.

Maya-maya ay tumunog ang phone ko kaya sabay kaming napatingin sa lamesa.

Agad ko namang kinuha iyon na kita kong si janine ang tumatawag ay agad akong nag taka hindi niya ugali tumawag nang ganitong oras kung hindi kailangan.

"Hello" Bungad ko.

"A-ash pwede mo ba akong sunduin." Napatingin ako kay mark na nag tataka rin.

Sinabi kong i text sa akin ni janine kung asaan siya buti at malapit lapit lang dito asa bar siya halata rin sa tono niya na lasing siya nung tumawag siya.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon