46

86 1 0
                                    


Nag madali akong umuwi takang-taka pa sila kuya h at b kung bakit, sabi ko na lang may lakad ako.

Halos mataob ko ang damitan ko pero wala akong maisip na isusuot.

"Tsk! Bakit wala akong damit!" Ani ko pero tambak na ang nakakalat sa walking closet ko.

Bigla akong napa isip bakit ako mag aayos? May asawa at anak na yung tao jusko naman ashley hindi mo naman siguro hiniling na maging kabit! 

Ang ending kumuha ako ng simpleng T-shirt at naka tuck-in iyon sa high waisted na pants ko.

Dahil umalis na sila kuya h at b ako na lang uli ang mag mamaneho wala rin kasi kuya bert may iba pa namang driver pero nahihiya akong istorbohin sila tska baka pagod sila kaya ko naman kaya ako na lang.

Nakipag kita si mark sa isa sa mga restaurant ni dave maraming branches nang restaurant si dave iyon kasi ang business niya.

Pag pasok ko na kita ko agad si mark.

"Sorry, Na late ako." Ani ko tska umupo sa harap na upuan niya.

Nakatingin lang siya sa akin. Kaya mas lalo akong nahihiya apaka gwapo na niya masyado siyang nag matured na wala ang loko-lokong mark noon.

"Umorder ka na ba? Ako na oorder ano ba gusto mo?" Tuloy-tuloy kong tanong sa kanya.

"Ah, Oo baka parating na iyon kararating ko lang naman." Ani niya.

Nang dumating ang pagkain ay matiwasay kaming kumain, nang maisip ko na bakit nga ba gusto niya akong kitain? Mag mumukbang lang ba kami.

"Ano ba pag uusapan natin?" Ani ko matapos mag punas nang bibig.

"Gusto ko kasi i explain yung side ko kung bakit hindi kita pinaglaban sa parents mo, bakit kita iniwan nang ganon-ganon lang. Gusto ko sana bumalik tayo sa dati kahit yung frienship na lang ang hirap din kasi." Tama naman siya mahirap dahil hindi lang naman yung relasyon namin ang na sira pati pag kakaibigan namin.

Matapos kumain tumungo kami sa park umupo kami sa grass na naroon dahil hindi kami makakapag usap nang maayos kapag doon kami sa restaurant.

"Kinuha na uli ako ng magulang ko, Pero kung alam ko lang na ikaw ang kapalit sana hindi ko na lang sila pinili." May bahid nang lungkot ang boses niya.

Hindi na ako na gulat sa kinuha siya ng magulang niya dahil na kausap ko ang tita niya noong pumunta ako sa kanila, Pero hindi ko siya maintindihan doon sa ako ang kapalit.

"Kapatid ko si liam." 

"Ackkk!" Nasamid ako sa sinabi niya sana naman sinabihan niya ako para hindi muna ako uminom.

Inabutan niya ako ng tissue kaya agad kong kinuha iyon.

"Si liam? Yung liam na lalaking ikakasal dapat sa akin?!" Gulat kong tanong.

Tango ang sinukli niya roon.

Seryoso ba bakit ba hindi ko tinanong ang apelyido nang taong iyon!

"Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Ikaw, Bakit 'di mo rin sinabi?" 

"Ayaw nilang magulo ang plano nila, Pangako ni mom na kukuhanin niya ako at sa kanila na titira uli huwag ko lang daw guluhin ang plano nila." 

"Bilang isang anak na kulang sa aruga, sa pansin at sa pag mamahal nang magulang sinunod ko iyon, pero tangina sana hindi na lang." 

Bakas sa boses niya ang nag halong sakit at lungkot kapansin pansin din iyon sa kanyang mga mata.

Hindi ko naman siya masisi ang tagal niyang nangulila sa kanyang pamilya sino ba naman ako para piliin niya.

"Hindi ko alam na ganoon ka grabe ang pag da daanan mo, Halos mag makaawa na rin si liam huwag lang ituloy ang kasal ngunit wala may kailangan din si mom sa pamilya niyo kaya hindi rin talaga siya mapipigilan."

"Ayoko makipag hiwalay sa'yo pero mas nanaig ang kagustuhan kong mag ka pamilya, Kahit hindi nila pinaranas sa akin ang magkaroon nang pamilya." He smirked.

"Ang gago lang mas pinili ko ang ganoon kaysa sa'yo." 

"Kung alam ko lang na ganoon ay mas pinili na lang sana kita, Bawat pag mamakaawa mo ay halos madurog na ang buong ako. wala akong makapitan ayoko sabihin sa mga kaibigan natin dahil mas gusto kong mag focus sila sa'yo." 

"Dahil alam kong mas kailangan mo sila." 

Hindi ko alam ang sa sabihin ko hindi ko alam dahil nawindang ako sa mga sinasabi niya hindi ko alam na kapatid niya si liam at ang magulang na hinarap ko ay magulang niya rin.

"Naiintindihan kita, Alam kung mas mahalaga ang pamilya kaysa sa lahat, Pero wala akong pinagsisihan sa kahit anong ginawa ko noon para sa'yo." Ani ko.

"Dahil alam ko sa sarili ko na hanggang dulo ipinaglaban kita, Hinayaan kong mawala ang lahat huwag ka lang mawala dahil alam mo kung bakit? Kasi ikaw yung naging sandalan ko sa lahat nang oras sa mga panahong wala akong pamilya sa mga panahong kailangan ko ng kasama ikaw lahat ang na roon kaya wala akong pinagsisihan kung paano ako nag habol sa'yo noon kung paano na wala ang mga asa akin noon."

"Pero alam mo blessing din iyan eh dahil sa kasal na iyan nakilala ko yung tunay kong pamilya nalaman ko kung ano ba talaga iyong christopher na iyon." Nilagok ko ang juice na natira ko.

"Hindi ka ba galit sa akin?" Tanong niya kaya napaharap ako sa kanya.

Ngumiti ako at umiling.

"Walang rason para magalit ako sa'yo una sa lahat hindi ko kontrolado ang buhay mo tska naiintidnihan kita sa part na mas pinili mo ang pamilya mo dahil iyon ang mahalaga." 

"Kung ako rin siguro ang asa kalagayan mo ay ganoon ang gagawin ko, Hindi ako basta-basta nagagalit dahil sinusubukan kong ilagay ang sitwasyon ko sa taong iyon hanggang sa maintindihan ko."

"Sa apat na taon na wala ka wala akong ibang ginawa kundi sisihin ang magulang ko sa ginawa nila sa'yo." Ani nito.

"Sa mga panahon na asa kanila ako hindi naging maayos ang lagay ko, Hanggang sa nag ka trabaho ako ay umalis na lang uli ako sa bahay pumupunta lang ako roon para kay liam kahit nung nag dinner tayo kasama ang pamilya mo ay sumama lang ako dahil asa bahay nila ako, bukod doon gusto kong makita na okay ka." 

"Sobrang humanga ako sa'yo dahil na gawa mo ang lahat nang pangarap mo kinaya mong bumangon uli kahit na grabe ang pag subok na ibinigay sa'yo yung hirap yung sakit lahat iyon kinaya mo, hindi mo aakalain na ikaw ang pinaka inosente at pinaka baby nang tropa dahil para sa akin kabaliktaran ang pinakita mo sa amin sa akin. Ipinakita mo na kaya mong lumaban kahit mag isa ka."

I smiled ang saya marinig na proud siya sa akin.

"Congratulations for achieving your dreams." he smiled at me.

Tama siya ulti mo ako ay humanga sa sarili ko akala ko noon kapag napagod ako susuko na ako kapag hindi ko na kaya ay aayaw ako ngunit na isip ko na walang mag didikta sa'yo kung hihinto ka o mag papatuloy ka pa.

Ang buhay ay walang traffic lights, Walang mag didikta kung hihinto ka o mag papatuloy ka pa.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon