"Please, Kung gusto mo roon ka sa unit nila yaya tapos doon na lang sila yaya sa akin sige na." Pag mamakaawa ko kay liam.
Papunta na kami ng condo ngayon at para makasiguro si dad na mag kasama kami ni liam sa iisang bubong ay sumama siya naka sunod lang ang kotse nila sa amin ni kuya bert at si liam ang kasama ko.
"Please..." Halos maiyak na ako kaka makaawa rito.
"Give me a valid reason to do that." Seryoso niyang saad habang nakatingin lang sa phone.
"May boyfriend ako, Ayoko gumawa nang ikakaselos niya." Diretso at walang alinlangan kong saad napatingin si kuya bert at si liam na huminto sa cellphone niya.
"Sa sabihin ko kayla dad promise huwag lang ngayon dahil hindi ko pa siya nakakausap kung okay lang sa kanya." Halos lumuhod na ako rito pumayag lang siya.
Bumuntong hininga siya.
"Fine! Tuwing dinner dapat mag kasama tayo dahil iyon ang oras na tatawag sila sa kabilang unit ako, Huwag mo na paalisin ang mga yaya mo sa unit nila." Saad niya tska bumalik sa cellphone.
"Thank you! Thank you talaga." Saad ko na halos umiyak sa tuwa.
Nakarating kami sa unit sinilip lang ni daddy kung paano ang sistema namin tapos ibinaba na nila ang gamit ni liam, Umalis din sila agad dahil may lakad pa raw sila.
"Gusto mo ba tulungan na kitang mag ayos?" Tanong ko sa kanya sa kabilang unit ang kinuha niya katabi lang din ng unit ko bali pinagitnaan ako sa kaliwa ang unit nila yaya sa kanan ang unit niya.
"Huwag na mag pahinga ka na." Seryoso niyang saad at hinatak ang isang maleta tinulungan siya nila yaya at kuya bert na dalhin sa kabila ang gamit niya.
"T-thank you uli." Saad ko sa nahihiyang tono.
"Don't thank me, Sabihin mo agad sa magulang mo iyan bago kapa nila mahuli." Seryoso niyang saad tska sinara ang pinto.
Doon ay umusbong muli ang kaba ko iniisip kung paano ipapakilala si mark sa magulang ko lalo na ngayon na wala silang oras dahil umalis na naman si daddy para pumunta na kay mommy.
"Hello, Babe." Saad ni mark pag sagot ko ng tawag katatapos ko lang mag half bath at sinabi niyang mag VC kami.
"Kumusta naman ang dinner?" Tanong niya habang nakahiga sa kama ngayong nakatingin ako sa kanya mas lalo kong na isip ang problema ko hindi ko kayang mawala siya.
"A-ah okay naman." Ngumiti ako upang hindi niya mapansin na hindi okay ang dinner na iyon.
"Saan mo gusto pumunta bukas?" Tanong niya kinuha ko muna si kitty at itinabi sa akin.
Walang pasok bukas kaya nagtatanong siya lagi kasi kami umaalis kapag walang pasok.
"Wala akong maisip, Gusto ko lang kasama ka at kumain." Nakangiti kung saad.
"Halatang patay na patay ka sa akin!" Pang-aasar niya na tinawanan lang namin pareho.
"Gusto mo dyan na lang tayo sa unit mo nood tayo movie tapos mag dadala na lang ako pagkain." saad niya.
"Okay sige!" Maligalig kong tugon.
"Osige na matulog na tayo late na."
"Good night babe and kitty, I love you!" Hinalikan pa niya ang camera.
"Good night bb, I love you!" Hinalikan namin ni kitty ang camera tska binaba ang tawag.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil naka usap ko si mark, Ngunit naalala ko baka biglang pumunta si liam bukas dito!
Agad kong kinuha ang cellphone ko para i text siya.
"Huwag ka basta-basta pupunta sa unit ko bukas ha! Andito kasi boyfriend ko baka makita ka." Tska ko sinend ang message.
Ibaba ko pa lang sana ng mag reply agad siya.
"K, Basta dinner dapat andyan ako."
"Ok." Iyon na lang ang sinagot ko at na tulog na.
Nagising ako dahil dinilaan ni kitty ang mukha ko agad ko siya kiniss at ibinaba ba sa kama.
10 na kaya agad akong nag tungo sa cr para maligo.
Bumaba ako para mag almusal na naka handa na roon ang bacon at nuggets.
"oh iha kumain ka na gigisingin na sana kita." Saad ni yaya fe.
"Good morning po!" Bati ko sa kanilang dalawa ni yaya presi tska na upo.
Kinuha ko ang phone ko para replyan si mark dahil nag good morning siya kaninang 8am pa.
"Ah ash pwede ba umuwi muna ako saglit sa amin, Babalik din ako bukas kailangan lang ako ng anak ko." Saad ni yaya fe kaya napatingin ako sa kanya.
"Opo, Kahit po doon muna kayo andito naman po si yaya presi at kuya bert" Ani ko tska nilunok ang kanin sa bibig ko.
"Salamat talaga iha kailangan lang ako ng anak ko." Saad nito.
Tumango na lang ako at sinabing ayos lang dahil ayos lang naman talaga may anak siya at kailangan siya nito.
Nang mag alauna ay may nag doorbell agad naman itong pinag buksan ni yaya presi.
"Anak, Andito na ang gwapo mong boyfriend." Agad naman akong tumakbo patungo roon asa sala kasi ako nanonood nang tv.
"Hi, I missed you!" Agad ko siyang yinakap hinalikan naman niya ang noo ko.
"Maiwan ko muna kayo." ani ni yaya tsaka lumabas malamang pupunta sa unit nila tapos na kasi siya mag laba at mag luto nang tanghalian.
"Wait babe hindi ako makahinga miss na miss?" Saad ni mark kaya humiwalay ako sa pag kakayakap.
"Hehehe pasensya na." Ngumiti ako tska kinuha ang dala niya kaso ayaw niya siya na raw.
Habang kumakain kami ay nanonood kami nang movie, Nag dala siya ng pizza,burger,fries at chips tapos ako nag pa deliver ng ice cream at jollibee.
Sa kagitnaan ng pagkain seryoso siyang nanonood kaya napa tingin ako sa kanya, gusto ko sabihin na ipapakilala ko na siya kayla mom baka sakaling hindi nila ituloy ang kasal ngunit pati ako ay kinakabahan sa plano kong iyon.
"Huy, Ano na titigan mo na lang ba ako?" Nakangiti niyang saad napatagal na pala ang pag titig ko sa kanya.
"A-ah sorry." Saad ko.
"May problema ka ba?" Tanong niya ng seryoso.
"H-ha? Wala naman." Ani ko at sumubo uli ng pagkain.
"Kapag meron tandaan mo andto lang ako handa akong maging taga punas ng mga luha mo at maging hug supplier mo, Mahal kita palagi." Iyon lang ang sinabi niya pero nanlambot ang tuhod ko halos bumilis ang tibok ng puso ko at mag wala ang tyan ko.
Lumipas ang oras nanood lang kami at kumain nag laro rin ng jenga, Isa lang ang alam ko hindi ko kaya mawala si mark sa akin naging isang malaki siyang parte ng mundo ko kaya lahat gagawin ko huwag lang kaming mag hiwalay.

BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21