14

113 0 0
                                    


"Doon ka muna sa condo mo tumira." Saad ni mommy nakauwi na sila akala ko ay mag tatagal sila sa ibang bansa.

Ilang araw ang nakalipas simula nung nag divi kami at ito ako kinakausap ni mommy.

"Ipinaayos ko na iyon kung ano ang kwarto mo ganoon ang buong unit mo mukha kang disney eh." Asa sofa kami ngayon sabi kasi ni mommy ay ka kausapin niya ako.

"Mommy, Hindi po ako marunong mag luto at mag hugas. Bakit po ba kailangan doon ako?" Nag tataka talaga ako bakit niya ako patutuluyin doon pero masaya kasi excited ako sa itsura.

"Kasama mo ang mga kasambahay roon pati driver mo, may sarili silang unit." Seryosong saad muli niya.

"Aalis kami ng dad mo hindi ko alam hanggang kailan kami sa canada dahil sa business, alam ko naman na naiintindihan mo iyon." 

Kahit ayoko sila umalis at gusto ko sila makasama naman kahit minsan dahil hindi na kami nag sa sama-sama ay wala akong magagawa business iyon.

"Okay po, kailan po ba ako pupunta sa condo?" Medyo excited din ako sa condo ko iyon yung gift ni dad sa akin nung debut ko pero si mommy raw ang nag pa ayos gusto ko kasi kagaya ng room ko rito na puro disney.

"Bukas na ayos na nila yaya ang gamit mo bukas din ang alis namin ng dad mo." 

Nag aayos na ako ng gamit ko kaunti na lang naman dahil sila yaya ang nag ayos ng damit ko tanging mga gusto ko lang dalhin ang inaayos ko si mommy ay kausap si dad sa phone dahil tinawagan siya.

"Hello" sagot ko kay mark 6pm na pala hindi ko na pansin ngayon lang ako na tapos mag ayos.

"Busy ka?" Saad niya naka upo siya sa dinning area nila.

"Nag ayos ako gamit bukas sa condo na ako uuwi." Ngayon ko pa lang sinabi  sa kanya dahil kanina ko lang din naman nalaman.

"Bakit? Mag isa ka lang doon?" Inayos niya ang suot niyang salamin hindi malabo mata niya arte lang niya yan.

"Kasama ko sila yaya at si kuya bert pero may sarili silang unit, Sila mommy kasi aalis mag tatagal daw sila sa canada." Pag papaliwanag ko tska tumayo para bumaba dinner time na.

Kumain lang kami ni mark pag tapos nun ay may pupuntahan daw siya kaya nag paalam na agad siya, Ako naman ay bumalik sa kwarto ko para mag toothbrush at matulog na.

Pero hindi ako makatulog hindi ko alam bakit malungkot ako siguro dahil aalis sila mommy at maiiwan na naman ako pero dapat sanay na ako dahil lagi naman silang wala pero namimiss ko na kasi mabuo kami ni hindi na nga kami nag sa sabay kumain kahit mag usap ay hindi na namin nagagawa.

Ganoon ba talaga ang trabaho? Kung ganoon iyon parang ayoko mag anak hanggat wala akong ipon para mag stay sa bahay kasama siya ayoko siya iwan ayoko maranasan niya ang nararanasan ko dahil hindi masaya.

"Ashley gising na, Mag umagahan ka na." Gising ni yaya sa akin linggo ngayon kaya walang pasok.

"Matapos mo kumain mag ayos ka na at pupunta na tayo sa condo mo." Tumango na lang ako kay yaya at bumaba na agad maliligo rin naman ako matapos kumain kaya 'di na ako nag hilamos

"Wow! Ang ganda." Saad ko pag pasok namin ng unit ko matapos ko maligo ay tumungo agad kami ditp sila mom and dad ay maaga pala umalis kaya hindi ko na na abutan.

Hindi ko alam kung unit ko ito o unit ng isang disney princess grabe talaga mag ayos ang mommy ko ang ganda halos lahat ng makikita mo ay mga disney princesses kahit mga gamit.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon