16

99 0 0
                                    


"Gusto mo ba umuwi na ako o gusto mo samahan muna kita?" Tanong ni janine asa condo kami sinamahan niya ako hanggang dito nag cut class siya ako naman ay ginawan niya ng excuse letter dahil inatake ako ng hika.

"Huwag na sige na salamat ha, sorry." Saad ko masama pa rin ang pakiramdam ko dulot ng pag iyak magang-maga pa rin ang mata ko kanina pa nga tunog nang tunog ang phone ko pero 'di ko muna pinansin.

"Hays! Uuwi lang ako kukuha ako gamit ko para bukas tapos dito ako matutulog, Pumasok ka na mag pahinga ka ha." Paalam niya tska hinimas ang buhok ko at umalis na.

Okay lang naman kasi talaga na umuwi siya mas gusto ko sana mapag isa para malaman ko bakit ganoon ang nararamdaman ko.

"Anong gusto mo, Okay ka na ba?" Tanong ni yaya na tinanguan ko na lang tska tumungo sa kwarto ko naligo ako para gumaan ang sakit ng ulo ko tska ako nahiga.

Sa kalagitanaan ng pag tulog tumunog na naman ang phone ko kaya tiningnan ko na ang daming mga tawag at texts galing kay mark,mac,dave,calvin,maxine,at layla, Buong barkada.

Si layla ang tumatawag kaya sinagot ko na.

"Oh jusko salamat!" Bungad niya pag sagot ko.

"Asan ka?" Seryosong tanong niya.

"Nakauwi na ako, bakit?" Inayos ko ang boses ko upang hindi niya mahalata na medyo hindi maayos ito.

Uminom ako ng tubig tska umupo sa kama alasingko na pala wala pa si janine.

"Okay ka lang ba? Pinapahanap ka ni mark at mac dahil umiiyak ka raw." Bakas sa tono niya ang pag aalala.

"Oo, Maaga lang ako umuwi tska okay lang ako." Sorry po Lord alam ko pong bawal ang sinungaling pero ngayon lang please po dagdagan niyo na lang po ang sampung utos niyo susundin ko po.

"Hindi ako sigurado sa sagot mo pero hindi kita pipilitin, na kwento ni mark at mac ang na kita mo kanina. ako na ang mag sa sabi nag pa picture lang kay mark yung babae ayaw ni mark pero mapilit si babae kaya pinag bigyan niya alam mo naman siguro na sikat si mark dahil kasama siya varsity ng basketball at alam mo namang sigurong ubod ng gwapo iyon kahit na siraulo." 

Oo sikat nga siya sa school dahil sa gwapo at pag ba basketball niya. 

"Wala naman sa akin iyon hindi ko alam bakit ako umiyak." Hindi ko kasi talaga alam bakit ako na saktan. Umiiyak naman na kasi talaga ako bago pa pumunta roon dahil sa konsenya kong hindi na puntahan si mark kagabi at nag antay ng matagal sa ulan.

"Nasasaktan ka kasi nag si selos ka nag si selos ka kasi mahal mo." Simple lang ang sinabi ni layla pero parang nahirapan akong intindihin.

Nag paalam na siya matapos nun kaya ako naman ay tinanong ang sarili ko kung mahal ko na ba talaga si mark, So kapag mahal ko na dapat sagutin ko na? 

Kaso kapag sinagot ko siya kailangan tago dahil sigurado akong bubugbugin ako ni daddy at aawayin ako ni mommy.

Hindi na tuloy ang pag iisip ko ng pumasok si janine sa kwarto.

"Sorry, May ginawa pa ako." Saad niya tska binaba ang bag niya sa sofa.

"Kasi naman okay na nga ako dapat 'di ka na tumuloy baka may gagawin ka pa." Agad niya akong kinunutan ng noo.

"Ayoko ang saya kaya matulog dito ang lambot ng kama ang lamig ng aircon ang ganda ng city lights! Aba pumunta ako rito para roon." Tignan mo akala ko para sa akin ang pag punta niya.

Kumunot ang noo ko roon.

"Joke!" Nag peace sign pa siya.

Nag ring ang phone niya kaya agad siyang nag paalam na sasagutin iyon tumango na lang ako.

Kinuha ko ang phone ko para mag chat sa gc ng barkada dahil hindi ko nasagot ang mga tawag nila kanina.

"Sorry, Tulog ako kanina kaya 'di ko na sagot ang tawag niyo pero okay lang ako. :)" 

Sabay-sabay sila ng seen. Nangunang mag type si maxine.

"Mag pahinga ka ash, Miss you!" 

"Opo, Miss you!" 

Lahat sila ay nag sabing mag pahinga lang ako si layla at mark lang ang hindi nag reply kaya nag chat ako kay mark ng personal para mag sorry.

"Sorry kung nakalimutan ko ang kitaan natin kagabi na busy kasi ako sa condo at kay janine sorry kung hindi ko na pansin alam kong ang tagal mong nag antay roon, Sorry rin kanina." 

Halos mahimatay ako sa kaba ng i send ko iyon.

"Ash, Sorry uwi na ako kailangan ako sa bahay eh sorry talaga mag pahinga ka na ha. Bye bukas na lang." Saad ni janine, agad niyang kinuha ang bag niya sa sofa kaya 'di na ako na kapag salita halatang may problema sa kanila.

Biglang nag ring ang phone ko halos mabitawan ko iyon sa gulat hindi ko alam kung sa sagutin ko ang tawag o hindi kinakabahan ako natatakot ako pero si mark lang naman ito, Bakit ako matatakot?

Kasi may kasalanan ako, Oo nga may kasalanan ako pero bakit ganito ang puso ko. ibinaba ko muna ang phone ko sa table minabuti na hindi muna sagutin dahil kinakabahan talaga ako uminom ako ng tubig upang kumalma ito ngunit wala namang nangyare.

Wala pang ilang minuto tumawag na naman siya kaya wala na akong choice kundi sagutin ito.

Pinatay ko ang camera ko ayoko mag pakita maga pa ang mata ko.

"Hello? Ka kain na ba tayo wala pang 6." 5:30 pa lang kasi.

"Hindi, Bumaba ka sa unit mo pumunta ka sa may park malapit dyan pahatid ka kay kuya bert doon kamo sa may malapit sa mga tanaw ang city lights."

"Intayin kita roon." Agad niyang binaba ang tawag ako naman ay nag madali ng mag bihis at tumakbo patungo kay kuya bert baka mamaya mag antay na naman siya ng matagal.

Hinabol pa ako ng tanong ni yaya pero kakamadali ko 'di ko na nasagot.

Pag dating sa sinasbaing lugar ni mark ay agad ko siyang hinanap na kita ko siya roon sa may table at dalawang upuan tanaw na tanaw roon ang city lights at moon tska stars ang ganda roon.

"Sorry, Kanina ka pa?" Bungad ko sa kanya.

"Hindi naman." Na upo ako sa tapat niyang upuan.

"Bakit tayo andito?"Tanong ko ang seryoso ng awra niya parang hindi siya si mark.

"Bakit ka umiiyak kanina?" Seryosong saad niya bumalik ang kaba ko.

"Wala iyon, Huwag mo na isipin." Pinilit kong mag tunog maayos ang binitawan kong salita para makumbinsi siya ngunit mukhang hindi.

"Ashley, Sabihin mo bakit ka umiiyak kanina?" Halos matakot na ako sa seryosong tono niya.

Ano ba gagawin ko bakit ba ako kinakabahan sa sabihin ko lang naman bakit ako umiiyak, kaya mo iyan ashley.

"Dahil sa'yo." Tila na wala ang seryosong awra niya at halos umatras ang dila ko sa sinabi ko.













My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon