44

98 1 0
                                    


Ito ang araw na kikitain ko sila layla inaya ko sila sa bar nila kuya h dahil gusto ni kuya yung nakikita niya ako.

8pm ang oras na sinabi ko sa kanila 7:30 na naka ayos naman na ako si kuya h ang sasama sa akin si kuya b kasi ay may pasok.

Actually si kuya h din pumasok kanina umuwi lang siya ng maaga sabi sa inyo mas mahigpit pa iyan kay dad.

Kaninang umaga ay tumungo ako roon sa pinapagawa kong airline kaunting ayos na lang tapos na iyon excited na akong mag open iyon sa opening noon ay mga bata ang gusto kong unang sa sakay sa mga eroplano na binili ko.

dalawang bahay ampunan ang na kausap ko at may isang ibinigay rin si kuya h at isa kay kuya b bali apat na bahay ampunan mga bata kasi ang gusto ko unang sa sakay alam ko naman na safe iyon kasi mga teh! wala na akong pera ngayon dahil sa airline at mga eroplana na iyon lahat ng sahof ko na punta roon.

Though I'm very very happy naman kasi pangarap ko talaga iyon ang saya-saya nga nila mom and dad kaya sila rin daw ay dapat na roon sa opening.

"Hoy, bilisan mo!" Sigaw ni kuya h kaya lumabas na ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin naka black spaghetti dress ako na silk naka lugay ang mahaba kung buhok na kulot ang dulo.

Kinuha ni kuya h ang shoulder bag ko na itim din nakasanayan na kasi niya na siya ang nag dadala ng bag ko ganoon din si kuya b.

Nang makarating sa bar ay puro bilin na si kuya h.

"Huwag ka iinom nang marami na roon lang ako sabi ko sa'yo nakikita kita, umayos ka ha." Ani nito habang pa pasok sa bar.

Nakita kona agad sila layla kaya nag paalam na ako kay kuya hinalikan niya lang ang tuktok ng ulo ko at umupo na sa tapat ng bartender.

"Tangina amoy italya!" Bungad ni calvin.

"Gago ganyan ba napapala kapag asa italya ang fresh!" Ani naman ni mac.

"Nakaka fresh pala ang italy eh." Gatong ni layla.

Akala mo naman hindi ako nakikita ng mga 'to ang oa mag react.

Bineso ko si maxi at layla niyakap naman ako ng boys wala pa si mark.

Si dave naman binulungan lang ako ng welcome back.

Saktong pag upo ko ng dumating si mark napanganga na naman ako bakit mas lalo siyang gumwapo ganyan ba epekto nang glow up sa kanya? sana all!

"Ayan dumating na ang laging galit kay maisy noon kapag late na rating pero isa rin siya masyado pang nag pa gwapo!" Pang-aasar ni mac kay mark.

Hindi pa rin pala umuuwi si maisy asa ny pa rin sinubukan namin siya puntahan noon kaso mahigpit ang management ni ate mo ghorl.

Sabay kaming na upo ni mark nginitian lang niya ako kaya ganoon lang din ang ginawa ko mag ka tapat kami dahil si layla at maxine ang katabi ko.

"Ghorl bali-balita na anak ka ng presidente tangina ibang klase!" Paunang saad ni layla matapos akong abutan ng alak.

"Hindi ko kinaya revelation mo." Saad naman ni maxine.

"Hayaan niyo hindi ko rin naman kinaya HAAHAHAHAH!" saad ko tska nilagok ang alak na bigay ni layla.

"Madam ang gwapo ng mga kapatid mo!" Ani ni mac.

"Gusto niyto ba makilala papakilala ko kayo, Andyan lang iyan sa tabi-tabi." Saad ko.

"Ghorl tinatanong pa ba iyan kapag gwapo dapat hindi na jusko naman ayaw mo ba maging tita ng anak namin?" Ani naman ni layla siraulo talaga.

"HAHAHAHAHAH osige teka tawagin ko."

"Iba rin  eh sila may ari ng bar na ito, Pucha baka pag na inis siguro sa mukha ng isang tao iyon sabihin na lang niya bili ka bagong mukha." Ani ni calvin.

Tumayo na ako para hanapin si kuya h alam ko susunod si kuya b sana na rito na siya para mapakilala ko rin siya.

Hindi naman ako nag tagal dahil sinamahan ako nung bouncer bilin daw ni kuya h iyon.

"Bakit?" Ani ni kuya na rito siya sa mini office nanonood.

Sakto namang pumasok si kuya b.

"Hoy, Bakit ganyan ang damit mo masyadong revealing!" Singhal niya sa akin siya talaga ang laging pumupuna nang damit ko.

"Pinalabas mo ng bahay ng naka ganyan iyan hunter!" Saad niya.

"Ang ingay mong ulupong ka." Inis na saad ni kuya h sa kanya.

"Gusto kayo makilala ng mga kaibigan ko tara na dali."  Aya ko sa kanila dahil mag tatalo pa iyang mga yan.

Sumunod naman sila agad sa akin ng makalabas sa office ay naka sunod sa amin ang mga bouncer.

"Guys, Si kuya hunter tska si kuya braxton." Ani ko si layla naman nag pa pacute kaya halos lamunin siya ng tingin ni mac.

"Wassup guys!" Ani ni kuya braxton habang si kuya hunter ay ngumiti lang.

Pinakilala ko isa-isa ang mga kaibigan ko si kuya b bilang friendly akala mo kumakandidato si kuya h naman tamang ngiti lang hindi kasi friendly ito.

Nag paalam na sila na babalik sa office i text ko na lang daw si kuya h kapag tapos na ako.

"Gago baka ampon ka lang mare, Gwapo nang mga kapatid mo!" Pang aasar ni calvin.

Matapos namin mag asaran uminom lang kami ng uminom nag kwentuhan sa ganap sa buhay inaya ko rin sila sa opening ng airline ko na iyak pa si layla ng malaman bakit happiness airline ang pangalan.

Sumusulyap ako ng tingin kay mark wala naman nag bago sa kanya kundi ang mas lalo siyang gumwapo.

Gusto ko sana siya kumustahin gusto ko itanong kung ilan na ang anak niya gusto ko bumalik yung friendship namin kahit iyon na lang.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong nag iwas at uminom ng alak nakakahiya iyon.

Unti-unti na rin akong tinatamaan nang alak dahil nag sayaw pa kami ni layla.

12am nang mag desisyon silang umuwi lasing na ako pero nakayanan ko pa rin mag paalam sa kanila huling umalis si mark hindi ko tuloy alam paano ako mag pa paalam sa kanya asa tapat na siya ng kotse niya, 'di mo kaya naka BMW ang isang head engineer!

"I-ingat ka." Ani ko, Hindi naman siya lasing.

Hindi gaano uminom ang boys dahil sila ang mag da drive si mac at si layla ang mag kasama si dave naman at maxine si calvin lonely.

"Ahm, Ash pwede ba tayo mag kita bukas." Diretso niyang saad halos 'di ko malunok ang laway ko pero unti-unti akong tumango.

"O-oo naman, Text mo na lang ako ano oras." Agad siyang tumango at pumasok sa kotse bumusina siya ng tatlong beses at umalis na.

Halos bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ano pag uusapan namin? Makikita ko uli siya bukas? Oh jusko!



My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon